Press Release
September 2, 2020

Transcript of Zoom Interview of Senate President VIcente C. Sotto III

On PhilHealth

Q: An ang scenario mamaya considering na si Sen Gordon may intention na magsponsor din ng committee report niya?

SP Sotto: Well, maganda sigurong mangyayari doon, as I said malamang complementary kasi so yung pinapasabi kanina na narinig ko na palusot nung isa sa official ng dating PhilHealth, ang sinasabi ay bakit daw kami nag concentrate sa kanila, mas malala daw yung nangyayari sa hospital at saka sa mga doctor. Yun yung committee report ni Sen Gordon, yung Blue Ribbon. Blue Ribbon, yun ang tumalakay noon, hindi namin tinalakay yun, nasagian lang sapagkat ang nangyayari nga, nakikita ninyo ang epekto ng una, yung IRM pagkatapos yung mga claims na yung iba talagang weird, merong nagce-claim na P5 million eh ang naibigay pala sa kanila ay mahigit P100 million, di ba? Mga ganoon eh. And then yung total ng IRM at saka yung nakabalot na pangyayari doon sa IRM ay talaga namang hindi katanggap-tanggap at hindi kapani-paniwala. So okay lang yun, ang mangyayari siguro mamaya, and Hinihintay ko na nga sana is mabuksan namin yung period of interpellation doon sa committee report at kung maaari, sapagkat 22 naman ang signatories noon baka pwede na naming tapusin mamaya. Tapusin na yung period of interpellations, kung meron kaming dapat amendment gawin na namin and hopefully ipasa na namin later. I hope that the Senate adopts the committee report. So tapos na tapos na ito, in other words official yung Senate committee report na hawak ng DOJ at saka Ombudsman.

Q: Paano ninyo irereconcile na ayaw ni Sen. Gordon include si Sec. Duque?

SP Sotto: Mapaguusapan namin mamaya siguro yan kasi yun yung gustong linawin ni Sen. Pimentel kaya sa interpellation mapapagusapan yan. Siguro hindi masyadong nakuha or nakita ni Sen. Gordon or hindi niya masyadong narinig yung punto na kung bakit kailangan kasama si Sec. Duque sapagkat yun nga, siya ay chairman of the board ng PhilHealth. Kahit sabihin mong yung sinasabi niya ay hindi naman siya nakapirma, talagang hindi siya nakapirma dahil hindi naman siya voting, pero ikaw ang chairman ng PhilHealth. At ang dapat niya sigurong tingnan mabuti, hindi ko naman sinasabing advice ko ito sa mas magagaling na abogado katulad nila Sen. Gordon pero advice ko kay Sec. Duque, ang maganda, tingnan niya muna yung Article 217 ng Revised Penal Code sapagkat sapul na sapul doon sa (unclear) nila doon sa 217 which is malversation. Basahin ko sa inyo: Article 217 of the Revised Penal Code, malversation of public funds or property. Any public officer who by reason of the duties of his office is accountable for public funds or property, shall appropriate the same or shall take or misappropriate, or shall consent through abandonment or negligence, shall permit any other person to claim such public funds or property wholly or partially or shall otherwise must be guilty of the misappropriation of or malversation of public funds or property. In other words, through abandonment or negligence, ano ang ibig sabihin noon? Mula nung March, nagrerelease kayo nung P14.8 billion hanggang Agosto? Hanggang July ba yung releases, hanggang June pa lang, hanggang June ang releases, P14.8 billion? Chairman ka ng board? Ang ibig sabihin noon, hindi mo alam? The chairman of the board leads the direction and the agenda of the board. So hindi pwedeng sabihin na hindi mo alam. Pagpalagay na nating hindi mo alam, it is not a good idea. I think Sec. Duque should get a good lawyer because he is practically admitting guilt to 217 pag sinabi niyang hindi niya alam.

Q: Sabi niya kanina sa statement niya, ni Sec. Duque, now is not the best time to talk about this kasi we are in crisis and then he was hoping na yung naging explanation niya sa Senate Committee of the Whole was able to clarify kung ano lang talaga yung naging extent ng involvement niya or participation sa operations. Short of saying na hindi siya kasali dapat.

SP Sotto: Kasi nga ano, sa opening statement ko pa lang, sinabi ko na yan. Ako mismo I was reluctant na pagusapan ito sa kabuuan because of the pandemic. Pero, mas malaking kasalanan at napaka sama ng mangyayari pag ang Senado nagpikit mata dito. Kitang-kita natin yung mga nangyayari, di ba? Not to say that now is also not the best time to improperly distribute public funds, hindi ba? Pandemic nga eh. Bakit nag distribute kayo ng public funds na hindi kailangan? P220 million, P168 million, sa isang hospital na ang pasyente, isa? Na Covid? Eh pandemic nga ang pinaguusapan di ba? I think we will be ika nga mas magiging hindi maganda para sa Senado at even sa Kongreso na hindi talakayin yan kahit na may pandemic sapagkat wala nga sa lugar. Hindi ito panahon para magdistribute ka at kumuha ka ng ganyan na hindi maaalis sa isip ng mga tao na ibinulsa o may nagbulsa nitong mga perang ito, P14.8 billion, na ang tantiya, ang proposal originally for the entire year was P3.3 billion lamang. Nag set aside kayo ng ang projection ninyo P28 billion pagkatapos gumastos ng ilang buwan, gumastos kayo ng P14.8billion? Di ba? Ano ang gusto nilang isipin namin? Ano ang gusto nilang isipin ng taong bayan? Na hindi, wala silang kinalaman at wala silang dapat sagutin?

Q: Sa sponsorship speech ninyo, inisa-isa ninyo yung recommendation pero doon sa mismong committee report 107, nandoon sa page 80 yung recommendation ninyo for the President to appoint a new secretary of health.

SP Sotto: Iniwan ko na yun sa committee report, marami rin naman akong hindi isinama na nasa committee report, doon sa speech ko kasi ayokong lumabas na parang inuutusan namin ang Presidente, hindi magandang tingnan. Kaya hinayaan ko na sa committee report yun pero hindi ko na nilahat o ika nga ay when I delivered my sponsorship speech, it is a sponsorship speech, you know? The truth is, I could have used one or two statements doon saying I am submitting to the records the committee report, pero ang mangyayari doon, hindi mo naeksplika, so kailangan ieksplika kung bakit yun ang mga naging recommendations at conclusions namin. Ngayon, I was being polite by not mentioning it but it is in the committee report. Ayokong sabihin na pinangungunahan namin r sinasabihan namin ang Presidente sapagkat meron ng resolution ang Senado tungkol doon.

Q: As of this hour, ilan na yung nakapirma sa committee report 107? Tatapusin ba ito for adoption?

SP Sotto: Hopefully tatapusin today. Sana matapos na today. There are 22 signatories.

Q: Walang nag ooppose?

SP Sotto: Si Sen. De Lima at saka sino yung isang hindi nakapirma? Si Sen. Pimentel.

Q: Tatapusin tonight hopefully.

SP Sotto: Oo.

Q: Bakit parang walang explanation sa sponsorship speech ninyo, bakit kasama si Sec. Duque sa mga pinakasuhan, but like what you said, chairman siya ng board Philhealth but did you take into consideration while crafting the committee report yung sinabi ni Atty Keith na siya yung godfather ng mafia?

SP Sotto: Not really, ako personally. I do not know about the other members of the Senate, but as far as I am concerned, I did not because it was a statement, there is no direct evidence to that effect. But, hindi ba, chairman ka ng board, ito ang ginawa ng board at inaallow yung executives ng PhilHealth na gawin ito, ng hindi pa legal. At sila mismo, yung legal nila inaamin na illegal. Hindi pa ba obvious yun? In other words, it is Atty Keith's opinion, it was not supported by evidence. Yung sa amin, hindi lang circumstantial kungdi obvious na ikaw ay alam mo yung nangyayari. Imposibleng hindi, wag mong sasabihing hindi mo alam sapagkat you are actually pleading guilty to the Revised Penal Code Article 217.

Q: Parang lumalabas na dahil command responsibility, because he was the leader, he should have known, and he allowed it to happen.

SP Sotto: OO kasi yung tinatawag na through abandonment or negligence, alam mong may dinidistribute na bilyones, kayo, under the Department of Health, hindi ba? Imposibleng hindi mo alam na merong board resolution na delayed na nagdistribute nung una, bago lumabas yung board resolution, at yung board resolution, may kakulangan pa, hindi pa rin napapasa doon sa ONAR, parang pinaka IRR niya. Dapat merong publication, pagkatapos yung sa ONAR, yung Office of the National Administrative Register of the UP Law Center to have a force of law or effect of law. Kailangan muna yun. Sinabi na rin ng Supreme Court yan sa madaming mga instances, pati sa Senadong rules, sinasabi nga ng Supreme Court yan pero pinabayaan mo, hinayaan mo. Ano ang tawag doon? Ang tawag doon, hindi ko alam.

Q: Paano hindi magiging conflicting sa report ninyo yung report ni Sen. Gordon? Sa report ninyo ang pinakakasuhan ninyo, execom pero sa report ni Sen. Gordon ang pinakakasuhan niya are RVPs. Hindi ba yun la lang nagcoconflict na siya?

SP Sotto: Hindi, sapagkat doon sa pinakakasuhan namin sinasabi ko na aside from the named personalities, and all PhilHealth officials and employees who connived or participated or etc. etc., kung yung mga dinistribute na IRM ay alam nung mga RVPs, eh di kasama pa rin sila. As I said it is complementary kasi naka concentrate si Sen. Gordon or yung Blue Ribbon doon sa regional vice presidents, (unclear) mapapagusapan din naman namin yan but as far as the Committee of the Whole report is concerned it is intact, it is very clear, it is submitted and 2 senators agree.

Q: Before kayo tumayo kahapon sa plenary nag usap ba kayo ni Sen Gordon?

SP Sotto: Yes, he called me the night before and pinagusapan nga namin yan. Ang sabi ko nga sa kanya, wala akong nakikitang conflict, nakikita ko complementary tapos sabi niya sa akin, o yun nga ang nakikita ko, sabi niya. Yun ang sabi niya sa akin.

Q: May attempt na ayusin para hindi maging in opposition?

SP Sotto: Hindi. Mahirap pag isahin pero dahil nakahiwalay na ito, naka separate na ito, naka tuon ito doon sa mga executives, so mahirap pag isahin yun pero I do not see any conflict. I don't see any conflict at all.

Q: Si Atty Keith has been doing rounds of interviews and has been tagging Sen. Gordon na may kinalaman daw siya, meron siyang pinoprotektahan sa PhilHealth. Meron siyang irregular transaction with PhilHealth since naki-isa rin ang Red Cross sa P100 million IRM. Was this something na nabring up ni Atty Keith during the hearing?

SP Sotto: Hindi. Wala akong narinig na ganoon na sinabi ni Atty Keith during the hearings. It was not taken up during the hearings.

Q: You have any comments na sinasabing kasama daw si Sen. Gordon sa irregular transactions?

SP Sotto: Again, in the absence of any evidence, that is the opinion of Atty Keith, we have to leave it at that as far as I am concerned.

Q: Hati po ba yung mga senador doon sa recommendation na isama si Sec. Duque sa pinakakasuhan? Kasi even Sen. Lacson is saying na mamaya sa interpellation hihingi siya ng clarification doon sa pagkakasama ni Duque dahil sa tingin niya doon sa tatlong hearings parang hindi siya nahahagip nung mga nakalap ninyong mga ebidensiya.

SP Sotto: Si Duque ang ano... he has his chance in court. Di ba? At saka maganda yung sa interpellation kung doon sila magcecenter, makikita mo kung sino yung mga kakampi ni Duque. Ngayon, sagutin nila yung sinasabi ko, di ba? Hayaan natin ang korte ang mag decide kung wala siyang negligence or may negligence siya, di ba? Yan ang sasabihin ko (unclear) kesa sasabihin nating wala. Aba eh yung secretary of health wag natin isama, chairman of the board yun, wag nating isama, gaganyanin ko sila mamaya. Gusto ninyo ganoon ang sabihin natin, di ba?

Q: Mas involved nga siya kasi secretary of health siya.

SP Sotto: Nagtataka ako bakit pinapatulan ng media.

News Latest News Feed