Press Release
September 4, 2020

Excerpts of Radio Interview of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan at RW 95.1 FM (Pampanga)
September 4, 2020 - 9:15 AM

---------------------------------------------------------------------------------------------------

FB Link: https://www.facebook.com/watch/live/?v=767875684000936&ref=watch_permalink

Nasaan po kayo ngayon?

Work from Home. Nasa Maynila tayo ngayon, dito sa Makati. Mataas siguro, condo, kaya maganda ang signal. Maganda rin ang mga kausap ko kaya maganda ang signal.

Kahit online, mayroon kayong mga gagampaning trabaho, dito sa Pampanga, mayroon kayo ngayon?

Yes, that is right. Mayroon tayong online event in coordination with the provincial government. Sa pakikipagtulungan ng ating chairman sa provincial government committee, Board Member Jun Canlas at ang Agriculture and Fisheries Council ng Pampanga. Ito ay ang ating batas na naipasa 'yung Sagip Saka Act kung saan ay direktang pagbili ng produktong agrikultura mula sa mga farmers ng ahensya ng pamahalaan, lokal man o national. Pinapalakas natin ito lalo na sa panahon ng pandemya. That's why we have this consultation dialogue sa ating mga kabalen.

Sino-sino ang mga partisipante sa ating online event na ito senator?

Ang ating mga farmers at fisherfolk organization dyan sa Pampanga, ang provincial government, ang ating Provincial Agriculturist at mga Municipal Agriculturist, Regional Director ng DA nariyan rin. Si Director Cris Bautista at 'yung Agriculture and Fisheries Council kasama rin natin, si Mr. Roger Santos.

Ano nilalaman ng Sagip Saka? Na beneficial sa mga magsasaka na hindi nila naranasan before?

Ito kasi ang mangyayari dito, imomobilize ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, pati ang private sector, para masuportahan ang farmers and fisherfolk organization. Ang isang provision dito ay 'yung extension sa Procurement Law kapag ang Local Government or National Government ay bumibili direkta sa farmer or fisherfolk accredited organization.

Dati kasi kinakailangan pa ng public bidding, e pa'no mo naman ibi-bidding ang isda? Pa'no mo naman ipa-public bidding 'yung gulay? E ang proseso ng public bidding ay tatlo-apat na buwan. Pero dito, negotiated contract, direct purchase ng LGU para sa kanilang programang pang-agrikultura o programang pang-kalusugan, programang pang-nutrisyon o kaya programa sa relief operations o calamity.

Ang mangyayari dito, halimbawa, nitong nakaraang pandemya, itunulak natin ito sa emergency, 'yung Bayanihan Law, 'yung direct purchase. Halos mahigit tatlong bilyong pisong halagang produkto ang binili ng mga pamahalaang lokal sa iba't ibang parte ng bansa direkta mismo sa farmer at fisherfolk organization.

Ang isang halimbawa, dyan sa Arayat, Pampanga, ang isang kapitan dyan, si Froilan, Kapitan Froilan. Dahil nga sa batas na ito, nagamit 'yung Sagip Saka, at sa suporta ni Board Member Jun Canlas, they were able to purchase directly 'yung palay sa farmers sa mas mataas na halaga. Around 7,000 kilos ata ang binili nila. Nakadagdag nang mas mataas doon sa market price. Mas mura nung giniling ng pamahalaang lokal, 'yung barangay, at nai-distribute sa mga naka-lockdown dahil nga kulang 'yung ayuda mula sa National Government kaya dinagdagan ng pamahalaang pambarangay.

Nakamura ang barangay sa pagbili sa farmers, mataas naman ang benta, nakadagdag sa kita ng farmers kasi mas mataas nang konti 'yung presyo compare to the prevailing market price. Lahat panalo. Panalo ang farmers, panalo ang local government, panalo pati ang ating mga kababayan na kailangan ng ayuda.

Paano makikinabang ang mga nanay dito? Ako hindi ko maintindihan ano ang pakinabang ng mga nanay dito?

Of course, importante kaagad, kapag ikaw ay family of farmers, syempre, kapag bumili nang mas magandang presyo, mas tataas ang kita. Mayroon din tayong female farmers na kasama sa programa at ang mga nanay, mas mababa ang presyo ng ibebenta kung local government. O kaya, sa mga feeding programs ng local government, 'yung mga nutrition programs. Ang makikinabang dyan syempre ay ang ating mga anak at ang bilihin overall, mumura. Halimbawa, sa isang lalawigan dito sa North Cotabato, nagkaroon sila ng farmers market. binibili ng local government 'yung kalabasa. Sa halip na piso, binili nila ng apat na piso ang kilo mula sa farmers.

Pero ang patong kasi nung middleman mataas. Pero yung local government dahil hindi naman siya... ang agenda niya ay hindi kumita kung hindi magbigay ng murang kalabasa at gulay para sa kanilang mga residenteng nakalockdown.

Konti na lang yung tubo?

...Nagkaroon sila ng rolling store...mas mura ang benta ng local government kapag siya'y direktang bumili sa farmer at diniderekta rin ang tulong at suporta sa ating mga kababayan... Pero si nanay mas mura ang pamalengke niya yung gastusin niya sa araw-araw sa pangkain.

Senator ano pong isinusulong niyong batas ngayong may pandemya para mapigilan na ito?

Nalaman natin na wala pala tayong kapasidad na magmanufacture ng local PPEs, itong personal protective gear kailangan imported pa. So itinulak natin, nagkaroon ng konsultasyon sa ating mga local manufacturers mahirap kasi kapag nag-iimport ka.

Una hindi mo alam yung quality. Pangalawa ay mas mahal. At pangatlo ay kung nagkagipitan ay hindi nila ibebenta sa atin. So meron tayong batas, panukalang batas na ihinain para mabigyan ng insentibo ang local manufacturers, at ito ay... actually naisingit din natin yung suportang iyan sa Bayanihan 2, para yung ating mga local manufacturers na dati ay garments ang ginagawa at mga damit ay nagshift, mas mura, mas maganda ang kalidad, at tiyak na mas mabilis nating makukuha. So that is one, yung panukalang batas para masuportahan ang local industries para sa pagmamanufacture ng protective gears para sa ating mga frontliners at syempre sa ating mga kababayan.

Yes, senator kakambyo lang po ako sa ibang isyu. Kamakailan po naglabas na ng committee report ang Senado tungkol dito sa napabalitang anomalya daw dito sa PhilHealth, gusto ko lamang marinig kung ano ang komento niyo rito, Senator.

Well, sinuportahan natin yung committee report. Right now we find the committee report na committee of the whole ... We are now in the period of amendment, tinatalakay natin yan. Ang recommendation talaga ay sampahan ng kaso itong kriminal and administrative cases for negligence, at the minimum and criminal cases of anti-graft dito sa mga involved. So by next week, I think the committee report will be finally approved and it will be referred to the Ombudsman and Department of Justice. Ang importante rito, sa ating palagay ay hindi dapat kinukunsinti ang nangungurakot pagka hindi niyo pinarusahan at hindi pinagtatanggal at hindi kinasuhan itong mga gumawa nitong katiwalian na ito, ay tuloy-tuloy yan hindi matitigil yan lalo na sa gitna ng pandemya. So we support the filing of charges and the removal from office nitong mga naging involved sa malaking pangungurakot ng pondo para sa kalusugan sa gitna ng pandemya.

Merry Christmas Senator Kiko. Ay kamusta ka raw sabi ni Mrs. Tess Laus, ang boss natin. Ikaw pala ay may dugong Novo Ecijano?

I'm sorry?

Ikaw pala ay may dugong tiga-Nueva Ecija din?

Sorry medyo nag-e-echo.

Kinakamusta ka ng mga tiga-Papaya Nueva Ecija?

Ahh yes, my mother side is from Papaya. Monasterial po. Valedictorian ng Papaya Elementary School ang aking mother. Diyan lumaki noong panahon ng Hapon. So magandang umaga sa ating mga kababayan, kabalen diyan sa Papaya. Good morning!

Sana nakapagtanim ka ng papaya dun sa farm mo ha? Hahaha

Marami. Marami. Alam mo may kwento ako diyan eh. Noong ako'y unang beses, first term ko sa Senate may sumulat sa amin galing sa Papaya, Nueva Ecija. Actually ngayon General Tinio na yun eh. So sumulat, sabi kilala daw niya ang mommy ko, naging kaklase niya at si mommy, "Your mother is a true daughter of Papaya". Syempre, yung aking staff akala niya tuloy, true daughter of Papaya? Sabi niya sakin, "Senator, sir, yung grandmother pala ninyo ang apel� ang pangalan eh Papaya? Eh kasi 'true daughter of papaya eh'". Sabi ko, "Ha? Hindi Papaya ang pangalan ng lola ko! Pangalan lang yun ng bayan."

Syempre hindi kumpleto ang interview natin kung hindi natin kakamustahin si Ms. Sharon at ang mga bata, senator?

Okay naman. Sa awa ng Diyos kaka-birthday lang ni Miel. She just turned 16. Eto yung ang tawag ni Sharon dito eh Mini Me. Kamukha ni Sharon, at ang tawag nga sa Bisaya, gamay, Sharon gamay. She turned 16, September 2.

So dito lang kami sa bahay, nakalockdown din. Although she's doing her ano ha� marami na siyang...matindi sa new normal eh. Mayroon siyang Youtube channel so may taping siya, mga episode pero lahat kina-quarantine habang nagtataping.

That's correct.

Kahit paano gumagawa pa rin ng paraan para mabigyan ng kaligayahan ang ating mga kababayan sa Youtube. So we're fine.

Senator, kamusta ka raw sabi ng mga Alfonso ng Guagua at ng mga Vitug sa Lubao dito sa Pampanga.

Ay, kamusta na kayo! Mapayapaga at uh thank you sa Vitugs at Alfonso family.

Okay.

Kami naman po eh ay Santo Tomas, San Matthias.

Ay kanina, pinag-uusapan namin yung mga utol mo. Sino-sino daw mga kapatid ni Sen. Kiko, para malaman nila Boy Santiago at Albert Lacanlale?

Alam mo, Oo.

Kasi sinabi ko dun na ang pangalan ng father mo ay Nato.

Sige. Okay, my father Donato Tongol Pangilinan, my mother Emma Monasterial Nepomuceno.

Hindi Papaya ah? Hahahha

Hindi Papaya! Siyam kaming magkakapatid.

Wow.

At ako ay middle child, gitna ako, panglima. We are four boys and six girls. So si Maricel Arenas, dating CEO ng Kidzania at naging CEO sa isang ad agency sa Makati. Si Angeli Valenciano, asawa ni Gary. Tapos si Nenette, ang third girl. Tapos ang kuya ko si Joseph. Tapos ako, si Joseph is an industrial engineer, si Nenette, ganun din. Anthony Pangilinan, asawa ni Maricel Laxa, is an architecture graduate sa UP din. And then, Felici, tapos ng BA sa UP. Si John, architecture sa UP then si Dona our doctor. Siyam kami magkakapatid.

At kayo'y bumabalik talaga sa Pampanga, ang asawa mo may dugong Kapampangan.

That's right. Sabi ko nga eh, si Sharon ay yung Gamboa side is Kapampangan. Dizon, Gamboa. Sila naman, if I'm not mistaken, saan ba ang mga Dizon at Gamboa?

Sta Ana. That's correct. Si Helen.

And then, Sto Tomas at San Fernando.

Alright. Sen. Kiko salamat sa panahon mo ngayong araw. Good luck at kitakits kapag medyo okay-okay na ang pandemya.

Yes. Yes. Please stay safe. (Kapampangan words). Please stay safe and thank you for this opportunity. Sa ating mga kabalen, I'm very happen again to reconnect with our kabalen dito sa Pampanga sa Region 3.

News Latest News Feed