Press Release
September 5, 2020

DWIZ interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Cely Bueno at Raoul Esperas ukol sa Internet Transactions Act, Smart meter aritifical sand sa Manila Bay at Debt-to-GDP

Q: Bagong panukala na layunin protektahan ang mga mamimili online?

SEN WIN: Tama, ang layunin nitong panukalang batas ay maprotektahan yung mga buyers natin, mga consumers, mga namimili sa online at mga sellers dahil meron na rin tayong mga cases na ang nagbebenta ay naabuso. Itong ganitong pagbibili at pagbebenta online ay nagiging normal na, new normal at nagiging popular at sa ganitong punto malaking oportunidad ito para sa ating mga maliliit na negosyante pero marami ding umaabuso dahil kumbinyente at madaling magbenta .

Q: Ano yung mga naging concern niyo? Bakit kayo nagsulong ng Internet Transactions Act?

SEN WIN: Doon sa pagdinig natin lumabas doon sa presentation ng Optical Media Board (OMB) na marami palang illegal na software illegal na music, illegal na videos na binebenta sa online platforms tulad ng Lazada at Shopee. Doon rin sa pagdinig natin, nagulat din ako dahil nag search ako kaagad doon naman sa pagkain at lumalabas marami rin palang mga pagkain na ibinebenta sa online platform na hindi po dumaan sa pagususri ng FDA, yung FDA nga naglabas ng mga health warnings, itong mga ganitong supplements ay bawal kainin dahil hindi dumaan sa pagsusuri. So ang punto natin dapat hindi mangyari ito dahil baka marami tayo mga kababayan na maloko dahil akala nila mabuti sa kanilang katawan, eh delikado yun. Kaya ang ating panukala ay para maprotektahan yung buyers natin at hindi maulit yung ganitong mga pangyayari.

Q: Paano mababantayan? Paano yung regulation?

SEN WIN: Dalawang bagay, unang-una magtatayo tayo ng isang e-commerce bureau sa loob ng DTI at papalakihin itong bureau na ito, itong tanggapan na ito para bantayan mabuti at imonitor yung mga ganitong transaksyon. So kung merong mag ko-complain, sila yung tanggapan na makikinig sa mga complaints at mamagitan dito sa online platform. Pangalawa, itong mga platforms tulad ng Lazada at Shopee dapat meron pananagutan dahil itong mga binebenta nila, yung ibang sellers nila wala naman sa Pilipinas. So for example, kung bibili ka ng isang gamit na ang nagbebenta ay tiga ibang bansa, tiga China o Indonesia, anong habol natin kung ito ay may problema, o illegal or kung may mangyari sa ating kalusugan. Ang panukalang batas natin ay gagawing accountable itong mga platfrom para may pananagutan din sila kung merong mangyari.

Q: DTI nagfa-file na ng complaint? Hindi pa covered yun?

SEN WIN: Ang naging butas kasi, itong mga platform sinasabi 'hindi naman kami nagbebenta dumaan lang sa aming software o dumaan lang website.' Kung matatandaan natin yan din ang naging kontrobersiya sa Uber dahil nga yung mga ganitong platfrom dumadaan lang sa kanilang mga ganitong pagbebenta hindi nila ginagawa ang produkto. Dito sa batas klaro, kung ang binenta sa platform ay illegal o hindi dumaan sa ating mga ahensya, o labag a ating mga batas meron ka ring panangutan, may liability ka rin na dapat sagutin.

Q: Paano ang accountability ng mga online seller na ito na napakarami na naging biktima considering na wala silang opisina o tao dito, saan mo papadala summon, saan mo papadala ang mga imbestigador?

SEN WIN: Nakita ko yung mga ganitong platform marami sa ibang bansa nanggagaling yung produkto nangyari na rin ho yan sa akin, nung nagmemessage ho sakin natuklasan namin na galing pa pala sa ibang bansa. Itong batas natin unang-una mahigpit po yung probisyon doon na magsasaad na dapat gumawa ng paraan itong mga platform na masuri mabuti at hindi lumalabag sa batas natin yung binebenta nila. For example, doon nga sa presentation ng OMB, napakita na puro fake CD, fake videos, fake movies yung ibinebenta. Alam natin na bawal yan dahil meron legitimate na nagbebenta ng movies dito sa atin pero tuloy-tuloy parin ang pagbebenta. Pangalawa, doon a katanungan mo kahit yung seller nasa ibang bansa itong mga platform meron ding liability at accountability. For example, nagreklamo ka at nagdemanda ka at nasa ibang bansa yung seller, pwede mo idemanda yung platfrom na may opisina dito at sila rin ay solidarily liable doon po sa nangyari, kumbaga kaduktong sa liability nung seller na nasa ibang bansa.

Q: So maa-address po sa bill ninyo sir lahat ng mga ganitong insidente?

SEN WIN: Ang nakaktakot yung mga supplements at gamot. Ngayon lang pag pumunta ka sa Lazada at Shopee, makikita mo meron talagang ganitong mga binebenta, kinakain ito ng ating mga kababayan lalo na yung mga gusto magpapayat dahil marami doon yung dietary supplements, yung mga gusto magpasexy, eh paano kung magkaroon ng problema? Magkaroon ng karamdaman na hindi mabibigyan ng solusyon? Ano mahahabol mo kung yung seller nasa ibang bansa? Wala kang habol talaga.

Ang sinsabi naman natin wala namang problema magbenta, importante lang kung meron tayong mahigpit na proseso dito tulad ng supplements talagang dapat dumaan yan ng FDA, eh padaanin natin. kung meron let's say magbebenta ng movies, eh meron tayong Optical Media Board dapat yung may mga legitimate ang pwede lang ibenta doon hindi pwede yung mga pirated.

Q: Sir paano yung MTRCB may appeal sa Congress na ma-regulate itong Netflix, Amazon?

SEN WIN: In fairness naman kay MTRCB, ang tingin ko naman ilagay lang sa ayos yung mga pinapanood ng ating mga kababayan dahil nga yung mga lumalabas sa sinehan, sa TV, dumadaan sa kanila para sa rating, para tignan nila kung may maselan na pinapalabas. Pero dapat maintindihan rin ng MTRCB na nasa bagong mundo na tayo ngayon at hindi na kaya suriin pa nang mabuti ang mga pinapalabas o lumalabas sa internet. For example, sa Youtube lang, kapag pumunta sa Youtube ako hindi lang daang libo kung milyon ang nakalagay doon na movie at iba't-ibang palabas kaya imposibleng na masuri isa-isa yun ng MTRCB. So ang aking payo sa kanila ay palakasin natin yung self-regulation. Itong mga Youtube, Netflix, may self-regulations siguraduhin lang natin na yung kanilang framework or kanilang mga patakaran pagdating sa self-regulation ay pareho sa atin, magkatugma, para hindi malayo yung pagsasagawa ng self-regulation at pareho sa ating mga pinaiiral natindito.

Q: Parang ang gusto daw nila mag-register lang daw itong Netflix, iFlix kasi nga nago-operate sila sa atin kaya mag register lang daw?

SEN WIN: I think yung pagrerehistro bilang korporasyon tama lang yun dahil meron ding tax implications yan. Yung mga for example mga opisinang ito nagnenegosyo dito, kumukuha ng sales dito pero di rin naman nagbabayad ng income tax or VAT so meron talagang leakage na nangyayari. Pero pagdating naman doon sa mga palabas for practical reasons, dapat ang bagong sistema yung self-regulation magkatugma sa patakaran na pinaiiral natin dito sa ating bansa. Tingin ko naman yung kanilang layunin ay maiayos yung sistema at hindi naman para i-censure yung mga lumabas na palabas sa mga ganitong platform.

Q: Netflix was also warned by Singapore, and they just moved to Hong Kong and continued to operate?

SEN WIN: Yan nga yung problema sa mga platform na ito dahil sa totoo lang hindi natin alam kung nasaan yung mga opisina nito. For example kung matatandaan mo nagkaroon tayo ng issue sa Uber and Grab at sinasabi nga nila, 'hindi naman kami ang may control sa dirver' eh kung ninakawan ka ng driver wala kaming liability diyan. Sa ibang bansa tulad ng Germany and Europe, binan ang Uber, yung mga ganitong mga platform dahil nga walang accountability. Kaya talagang isang bagay yan na masasabi ko komplikado at marami pang bansa ang nangangapa kung paano i-regulate, o pano siguraduhin na yung proteksyon ay naibibigay natin sa consumers. Ang importante naman dito yung proteksyon, para hindi maabuso yung ating mga consumers.

Yan din siguro ang isa pang trabaho ng MTRCB na ipaalam yung mga ganitong parental controls. Kung hindi man nila mabantayan isa-isa yung mga nilalabas doon ipaalam nila sa magulang itong mga parental controls na wag lang basta-basta ibigay yung password sa ating mga anak, sa ating mga kabataan. Siguraduhin na yung pwedeng nilang panoorin ay yung mga child friendly.

Q: Pero hindi uubra yung gusto ng MTRCB na isama doon sa batas na pwede nila i-censure or regulate itong mga naturang Netflix, iflix?

SEN WIN: Imposible eh dahil nga tinignan ko lang kanina yung Youtube, ang dami ngayong mga short movies, self-produced movies at sa ganitong panahon ngayon na pwedeng ipalabas kahit ano, imposible talagang isa-isahin yung pagbabantay. Ang pinakamagandang framework is yung self-regualtion at siguraduhin natin for example na yung Youtube, yung self-regulation framework mo ba yung mga polisiya ay pareho sa atin? Kung pareho sa atin yan maganda yun at kung hindi maglagay tayo ng agreement with them na ganito yung mga pinaiiral natin sa ating bansa at respetuhin nila. Ginagawa na yan, kung matatandaan natin ang Facebook ngayon mahigpit, kung ano pwede mo i-post. Dati, kahit anong pwede mong sabihin ipopost nila pero kung ikaw ay naghihikayat ng karahasan, rebellion, ng violence, pangaabuso, tatanggalin talaga nila yun. Nage-evolve din yung mga ganitong platform at tinitignan nila kung ano yung mabuti para sa ating lipunan.

Naging malaking kontrobersiya ngayon yan sa Amerika dahil nga yung Facebook hindi namin pwedeng i-censure kung ano sinsabi ng tao, hindi kami nakikielam diyan pero dahil nga ang daming tao na ginagamit ito para maghasik ng gulo at karahasan binawi nila yun at iblo-block namin kayo at tatanggalin na namin yung mga ganitong hindi maganda.

Q: Halos lahat ay online na lahat sa pamimili ng ating mga kababayan?

SEN WIN: Ito ay nabanggit ng Pangulo nuong SONA at natatandaan ko nga nabanggit niya yung pangaabuso sa online, yung mga ginagamit tuwing online para manloko at nasabi niya sa SONA gusto niya ng mas maayos na online trading dahil nga nasabi niya yan, Si Chairman Koko Pimentel ang Chairman ng Trade and Industry Committee, inumpisahan na yung pandinig dito at magkakaroon tayo ng isa pang pandinig para mapakinggan ko ang lahat ng mga komplikasyon dahil nga ito ay hindi simpleng batas lang dahil ang internet ay global, hindi lang Pilipinas ang pinaguuspan natin, buong mundo ito at gusto natin na magkaroon ng batas na fair, patas sa lahat at maproteksyunan ang ating mga consumers.

Smart Meter

Q: Pabor ba kayo sa ikinokosidera ng ERC na marked meter? It's about time ba na ipatupad na ito?

SEN WIN: Itong Smart Meters ito ay pwedeng basahin yung konsumo natin nang hindi kailangan pumunta yung mga physical na nagbabasa, yung mga meter readers. Let's say bagyo, lindol o ganitong pandemya hindi na natin aantayin pa yung meter readers natin para pumunta doon para basahin. Pwede nang mga distribution utilities tignan kung ano yung mga nakonsumo natin remotely. maganda ito dahil mas accurate, mas mabilis, at tayo mismo pwede na natin tignan yung reading ng metro nati sa ating mga cellphone. Ngayon kasi pupunta ka pa sa metro mo isa-isa pero ngayon with digital smart meters, lalabas na yan real time kung magkano na nakonsumo mo sa ating cellphones.

Q: May magiging gastos ba ang mga electric consumers kapag nagka smart meters?

SEN WIN: Wala naman dahil itong metro ay binabayaran naman natin, meron tayong deposit diyan at papalitan lang naman ng DU's. tingin ko kung meron man gastos, hindi naman ganun kalakihan yung gastos, ito ay para sa kaligtasan na rin natin at para mas convenient para sa ating lahat. For example meron yung smart meter yung tinatawag nating prepaid na naging epektibo, marami sa mga kababayan natin nagustuhan ito dahil for example ang budget ko this month ay isang libo, yun lang ang bibilhin ko at nakokontrol nila at nakikita nila sa cellphone kung magkano na nakokonsumo so naba-budget nila. Ngayon kasi walang control, konsumo ka lang ng konsumo magugulat ka na lang sa dulo.

Q: So lahat yun ERC lang kailangan? Walang legislation na kailangan?

SEN WIN: Wala na yun dahil meron na tayong batas diyan, yung Renewable Energy Act na nakapaloob diyan yung ganitong teknolohiya at pagpapatupad na lang ang kailangan dito.

Artificial sand sa Manila Bay

Q: Pabor ba kayo sa artificial white sand sa Manila Bay? Practical ba ito or waste of money?

SEN WIN: Pinakikinggan ko yung diskusyon diyan pero isa sa pinakamagandang narinig ko is yung from Professor Lagman ng UP, tingin ko intention ng DENR ay maganda, pagandahin yung Manila Bay, lahat naman tayo gusto natin makitang maganda, malinis at maayos po ang Manila Bay pero sa interview ni Professor Lagman naintindihan ko na baka mawala lang ito sa lakas ng alon na pumapasok sa Manila Bay. Hindi ako geologist pero ayon sa kanya baka short-term lang ito at temporary. Gagastos tayo ngayon pero nga dahil sa lakas ng alon baka madala naman ito sa kalagitnaan ng dalampasigan at mawala din. Again, I'm not a geologist pero baka masayang lang itong white sand kung hindi maglalagay ng mga engineering na barriers o device baka mawala rin sayang lang, maganda yung intention pero baka masayang lang yung pera.

Q: You cannot fight nature Senator?

SEN WIN: kaya ang payo ko nga da DENR na siguraduhin nila na tatagal ito dahil kung after six months mawala yan eh katakot-takot na demanda ang aabutin ng ahensya dahil sa nasayang ang pera.

Debt-to-GDP

Q: Sinasabi ni Presidente na aabot ng 13 billion ang utang sa COVID so paano ho ito? Mukhang kawawa yung susunod na administrasyon mukhang lubog sa utang ang ating pamahalaan?

SEN WIN: Just to be fair, ako minomonitor ko itong pag utang natin at pag responde natin sa ekonomiya natin, sa stimulus natin at yung ganitong pagutang ay nangyayari sa buong mundo. Ang importante dito, dalawang bagay, meron ka bang kapasidad mangutang? Pangalawa, kaya mo ba bayaran yung utang mo? Ang kagandahan sa atin, over the last 30 years especially after the crisis, naging matibay ang ekonomiya natin at bumaba at bumaba yung ating utang. Maraming pag-aaral diyan yung tinatawag nilang Debt-to-GDP, kaya mababa yung Debt-to-GDP natin meron tayong room para mangutang. Ngayon nakikita ko next year kapag naging normal na yung sitwasyon, nakikita ko na babalik sa normal ang ating ekonomiya. At walang kaduda-duda na meron tayong kapasidad para bayaran yan. Nagkataon lang talaga na tumigil yung ekonomiya natin pero pag yan nagumpisa na, marami na ang magbabayad ng buwis, meron na tayong pondo, mababayaran natin yung pagutang natin. so itong pagutang natin temporary lang yan, at nakikita ko mababayaran natin yan next year.

Ang hindi maganda kung umutang ka tapos winaldas mo lang yung utang, yun talagang problema yun pero sa ating pagaanalisa, nakikita naman natin na may pinupuntahan yung pagutang natin. for example yung SAP, mabagal pero may napupuntahan, yung pagtatayo ng testing centers, pagbibili ng kagamitan medyo may pagkabagal lang pero nangyayari naman. In short yung inutang natin may napupuntahan naman para malabanan ang COVID.

News Latest News Feed