Press Release
September 7, 2020

Statement of Senator Risa Hontiveros on the Manila Bay white sand project and its alleged mental health benefits to Filipinos

Kung seryoso talaga tayo sa mental health ng mga Pilipino, siguraduhin natin na may balik-ligtas na trabaho ang mga tao, may maiuuwi silang pagkain para sa kanilang pamilya araw-araw, at maging COVID-free ang lahat.

Lalo na ngayon na Suicide Awareness Month, we have to acknowledge the heavy toll this crisis is taking on Filipinos. The spike of suicides is of great concern. Kailangan natin tugunan ang babala ng WHO na ang susunod na pandemya pagkatapos ng COVID-19 ay magiging mental health-related.

Sana matulungan ng DOH ang ating mga LGU sa pag-implement ng mental health program sa ating mga barangay para sa ordinaryong Pilipino, at para sa ating mga frontliners na pumoprotekta sa atin ay kailangan din magpahinga at alagaan ang kanilang mental health. Kailangan natin ng konkretong solusyon sa pagsugpo ng COVID-19 at klarong komunikasyon tungkol sa quarantine guidelines.

Maaalagaan ang mental health ng mamamayan kapag naipapatupad ng gobyerno ang mass testing, contact tracing, isolation and treatment lalo na para hindi natin kakailanganin bumalik sa malupit na lockdown. Matutugunan ang mental health ng mga Pilipino kapag panatag ang mga tao sa plano at aksyon nating nasa gobyerno.

News Latest News Feed