Press Release
September 9, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ely Saludar of DZXL

On the Senate's recommendation for the PhilHealth controversy.

SP Sotto: Magandang Umaga Ka Ely at sa inyong lahat. Opo. Pirmado na nag mayorya. Bago pa na take up sa floor, 22 na ang nakapirma. Pero ang opisyal na pangyayari dapat ay pag uusapan sa floor iyan at pagbobotohan. Natapos naman at unanimous naman ang boto.

Q: On the president's defense of Health Secretary Duque and on whether the president read the Senate committee report

SP Sotto: Palagay ko hindi pa. Iyong draft copy binigyan ko si ES Medialdea. Pero ang tingin ko hindi pa nababasa ng pangulo iyan. Pangalawa, ang naririnig lang niya ay iyong mga nagkukuwento lang sa kanya doon. At, si Sec. Duque mismo. And then, hindi ko isasara ang usapin na sinabi niya na (inaudible) magre resign. Ang intindi ko pagkakasabi niya, dapat meron tayong benefit of the doubt, ang sinabi niya, hindi pa panahon para siya magre resign. Iyon ang pagkakasabi niya. Hindi niya sinabi na huwag magre resign. Ang sinabi niya hindi pa panahon. And then, iyong naririnig ko ang pronouncement niya rin, meron siyang sinabi na well, I do not know about negligence but ako naging opisyal ako ng malalaking lugar. Meron siyang doubt. Sinabi niya iyon eh - I do not know the issue of negligence. Siguro duda na niya Meron na siyang doubt noon pagka ganoon. Kasi obvious ang negligence kahit na high school ka or kahit hindi ka nag aaral ng law, kapag ikaw ay nakalagay sa malversation of public funds, kasama doon ang negligence. Ikaw chairman ka ng board, ikaw lang ang member ng kabinete, na hindi ka pwedeng mag representative. Ikaw lang dapat. Iyong ibang members ng board ng PhilHealth pwedeng representative, ang ibig sabihin noon madiin ka? Ikaw ang chairman. Di ba? Tapos iyong board ng PhilHealth kayo ang naggo govern sa PhilHealth. When you say govern, ang nasa batas, ang nakalagay na salita ay govern. Maliwanag iyan. Ngayon ang PhilHealth ay nag disburse ng 14.8 billion pesos na kung saan saan napunta, huwag na tayo pumunta sa waiver na illegal at kung sinu sino ang pinagbigyan, huwag muna iyon, ang dinisburse ay illegal. Hindi nila sinunod ang mga dapat na patakaran kung papaano maglalabas ng ganoong klase na dapat may vote ang resolusyon at ito ay dapat pinaalam sa owner ng UP, dapat ito ay may publication, hindi lahat ginawa iyan. Hindi ginawa. Pero noong March, April at May, nag disburse ng 14.8 billion pesos. Chairman of the board ka, secretary of health ka, huwag mo sabihin na hindi mo alam. Kapag sinabi mo na hindi mo alam, you are pleading guilty to negligence. Iyon ang sitwasyon. Ganoon lang ka simple ang sitwasyon.

Q: On whether the Senate president watched the public address of the president. And, that the secretary of health told the president about the senate's recommendation.

SP Sotto: Kasama na sa showmanship iyon.

Q: The Secretary of health did not sign

SP Sotto: Hindi naman talaga siya dapat pumirma. Tignan mo doon lang, he is deceiving the president and the people. Wala naman nakalagay sa batas na dapat siya pumirma. Hindi nga rin siya dapat bumoto. Non-voting siya. Govern lang siya. To govern.

Q: On whether the health secretary has to supervise the philhealth correctly

SP Sotto: Correct. Dumako tayo sa common sense. Kung ayaw nila ng batas, na merong pagkukulang at may maling ginawa, punta tayo sa isang side ng issue... sa common sense. Ikaw ba Ka Ely, kung ng mga empleyado mo at mga tauhan mo, merong kinumit na anomalya, hindi ka magagalit?

Q: Syempre magagalit po.

SP Sotto: Correct. Kung hindi ka involved, magagalit ka. Pagagalitan mo. At ikaw mismo ang magsasabi na mga lintek kayo, pa iimbestigahan ko kayo. Dapat sa inyo makulong. Or dapat, managot kayo. Di ba dapat ganoon? May narinig ka ba kay Sec. Duque na nagagalit doon sa mga tauhan niya sa PhilHealth?

Q: Wala po. Tahimik

SP Sotto: Pinagtatanggol pa. Common sense, P14.8 billion. Alam mo kung minsan nalilito ang mga kababayan natin sa billion and million. Parang hindi nila narerealize kung gaano karami ang isang bilyon. Ang isang bilyon, 999 million, eh isang milyon lang, ang hirap bilangin ang isang milyon, yung 999 million, ang hirap noon, tapos, isang bilyon? Labing apat na bilyon, at 800 na milyon. Chairman ka ng PhilHealth, hindi mo alam at hindi ka nagagalit, gawang illegal, hindi ka nagagalit, ay naku, hindi common sense.

Q: Dapat nagalit at sinita man lang niya.

SP Sotto: Yes. Correct, dapat galit siya, indignant dapat, di ba, at sinisisi niya? Kayo, papaimbestigahan ko kayo, ganyan. Ano ngayon ang sasabihin ng taong bayan? Hindi niya masabi yun, bakit? Involved siya.

Q: So yung pananahimik, ang magiging perception po nito, kasabwat ka.

SP Sotto: Oo. Siguro pag nagwala siya, bigla siyang (unclear), alam mo ito, bakit ka magagalit sa amin? Natatakot siya sigurong ganoon ang sabihin sa kanya.

Q: Naniniwala po kayo na makukumbinsi ang ating pangulo na bitawan na itong si Sec. Duque?

SP Sotto: Oo, basta mag neutral ang Presidente ng kaisipan, mag neutral siya, basahin niya yun, at kahit doon na lang sa ano, wag na yung ibang mga overpricing, kung anu-ano, wag na yun. Doon na lang sa issue na illegal ang disbursement ng napakalaking halaga ng pera ng taong bayan na pila ng pila sa PhilHealth, na walang pang hospital yung mga kababayan natin, ginamit nila yung P14.8 billion at illegal nilang ginamit. Doon pa lang, tapos na sa Presidente yan, basta't neutral ang Presidente ng thinking diyan at wag lang makikinig doon sa kung anu-ano ang mga showmanship na kwento nila at mga paiyak-iyak nila.

Q: Nagsisimula na ang pagdinig sa budget ng 2021, so pwede nating sabihin na dadaan sa butas ng karayom ang budget ng Department of Health, at tumbok dito yung PhilHealth?

SP Sotto: Hindi naman dadaan sa butas ng karayom kasi baka malaki ang pangangailangan ng mga kababayan natin lalo na dito sa pandemic. Yung P71 billion program subsidy ng PhilHealth, galing sa (unclear), palagay ko hindi magagalaw yun, kahit sa amin hindi magagalaw yun, okay lang yun. Pero ang importante ngayon, yung mga taong humahawak noon.

Q: Yes.

SP Sotto: Hindi yung pondo ang problema, ang problema, yung taong humahawak ng pondo.

Q: Kasi bukod sa PhilHealth, mismong sa DOH marami ring alegasyon ng di umano ay katiwalian.

SP Sotto: Oo. Tiyak na bubusisiin namin yan. Yung sa Department of Health, bubusisiin namin yan tiyak.

Q: Sa Lunes magsusumite na yata ang DOJ sa ginawa nilang imbestigasyon sa PhilHealth. Paano kung sakaling magkataliwas yung Senate report at yung sa DOJ?

SP Sotto: Aba eh magtataka kami. Magtataka kami, bakit, saan galing yung imbestigasyon nila eh ang linaw-linaw nung mga pangyayari. Magtataka kami totally.

Q: So inaasahan ninyo na halos magkaparehas din ang magiging resulta?

SP Sotto: Oo, hindi magkakalayo yun,

On Pemberton.

Q: Ano po ang masasabi dito ng Senado?

SP Sotto: Hindi ko naririnig yung mga sinasabi ng mga kapwa senador ko, pero sa akin, it is a constitutional power given to the President na magpardon. So ngayon ang tingin ko, gusto niyang isolve yung problema nung GCTA na may mga nagkukuwestiyon, bale umabot na siya ng 10 years dahil yung GCTA niya na conversion ay ganoon na, mag nagkukuwestiyon ngayon nung conversion, tinatanong, mali, hindi pa yan, hindi pa 10 years yan, biglang ganoon yung ano, sinabi ng korte meron na. So may nagkukuwestiyon, siguro nakarating sa Presidente yun, ang sabi ng Presidente siguro, presumption ko lang ito, siguro naisip niya, ginugulo ninyo ang usapan, o eto ipardon na lang natin, tapos.

Q: Tapos ang kwento.

SP Sotto: Tapos ang kwento, di ba? Ganoon siguro ang naisip niya, eh nasa power niya talaga yun at ang alam niya, nagsilbi na ng sentensiya yung tao. Ngayon, itong mga batas natin, wag kakalimutan n g mga kababayan natin kaya ako ay gumigtna dito sa issue na ito, si Pemberton, ikinulong ayon sa mga batas natin, Ayon din sa mga batas natin, pwede siyang makalabas either sa GCTA or after 10 years or after pinardon siya ng Pangulo. Nangyari lahat yan ayon sa batas, yan ang problema, so ano ba ang ayaw natin? Eh di sana, (unclear) hindi naman pwede ibigay ang death penalty doon, kasi homicide lang.

Q: Pero may mga Pilipinong bilanggo rin na mas mababa ang kaso at matagal ng nakakulong ay hindi magawaran ng pardon. Yun ang hinanakit ng iba.

SP Sotto: Okay, tama. Hindi naman kasalanan ni Presidente yun. Bakit si Presidente ang sisisihin nila, sisihin nila yung Board of Pardon and Parole. Yung Board of Pardon and Parole ang sisihin nila, bakit hindi nila nilalakad yun, hindi nila inaayos yun? Eh every year, every day, yun ang trabaho nila. Yun ang sisihin nila, wag si Presidente. Mali naman Hindi sa pinagtatanggol ko si Presidente, nasa lugar lang ako, sinusunod ko lang yung naaayon sa batas. Sa tingin mo ba, yung mga nakakulong doon na kung sino-sino, nakakarating sa Presidente yung kwento noon? Hindi. Pero mali naman, sisisihin mo si Presidente, bakit pinardon mo ito, yung iba hindi niya pinapardon. Alam ba niya? Eh yung Board of Pardon and Parole ang ano. Eh itong issue na ito, medyo pinatingkad, tumingkad ang usapan dahil yung GCTA binigyan ng korte, may mga kumukuwestiyon, eh di napagusapan. Dapat yung Board of Pardon and Parole at saka yung Bureau of Corrections, yun ang dapat nilang habulin.

Q: Ano po ang pinagkakaabalahan ng Senado?

SP Sotto: Itong umagang ito nag uumpisa na yung DBCC. Yun yung briefing namin tungkol sa budget. Kahapon naman, pinasa na namin yung medical scholarship bill, tatawagin natin itong Doktor para sa Bayan Act. Ito yung Senate Bill No. 1 na ang inyong lingkod ang principal author. Ito yung magbibigay sa bawat Pilipino na gustong kumuha ng medisina na libre. Ang dami kasing gustong maging doctor, walang pambayad. Eto, gusto mo magdoktor? Basta qualified ka, mag aral ka na dahil sagot ka ng gobyerno. Ito na yun. Imbes na tertiary education, free tertiary education di ba pinasa namin a few congresses ago? Nagsimula din naman sa Senado yun, ito, pinalaganap na namin. Medical scholarship ito. Kasi hanggang ngayon, hanggang sa pre-med ka lang or sa nursing, hanggang sa mga ganoon lang yung sa mga government institutions na libre, di ba in college? Pero pagdating sa medicine proper at law proper, hindi na sagot ng gobyerno yun. Wag na yung law proper, napakarami ng mga abogado, kulang na kulang tayo sa doctor.

Q: Ano ang condition na kailangan kasi syempre pera ng taong bayan yan, hindi sila pwedeng basta-basta umalis?

SP Sotto: Hindi May time of service. Kaya nga ang tinatawag namin dito, medical scholarship and return service program. In other words, pinag aral ka ng gobyerno, kailangan sa loob ng limang taon, wag kang aalis ng Pilipinas, magsilbi ka dito.

Q: Tama naman po yun, utang na loob naman sana.

SP Sotto: Ngayon, eh ikaw medyo iba ang takbo ng isip mo, gusto mong mag abroad, pwede pero ibalik mo yung pinang aral sa iyo ng gobyerno. Ibalik mo yung pera na pinag aral sa iyo, babayaran mo.

Q: Eh kung magpipilit sya, ayaw niyang tapusin yung limang taon na magserbisyo siya dito?

SP Sotto: Ibabalik niya.

Q: So hindi siya makakaalis?

SP Sotto: Hindi siya makakaalis. Huwag naman, ginawa ka naming doctor, pinag aral ka namin para magsilbi sa bayan dahil kulang na kulang tayo sa doctor, pagkatapos gusto mong mag abroad? Huwag naman ganoon. Kung gusto mo ng ganoon, in the first place, kung gusto mo talaga, gusto mo kasi mag doctor ka tapos mag abroad ka, eh di pumasok ka sa private institution, magbayad ka.

Q: Sariling gastos dapat?

SP Sotto: Oo. (Unclear) pagkatapos, eh di bahala ka.

Q: Pero siguro dapat lang na tumanaw ng utang na loob?

SP Sotto: Correct kasi nga, ang thinking ko, ang kaisipan ko nito, ilang taon ko ng pinag iisipan ito, napakaraming gustong magduktor, kahit yung mga batang maliit tanungin mo, what do you want to do when you grow up? I want to be a doctor, ang daming sagot na ganoon, bihira yung nagsasabing I want to be a lawyer o I want to be a policeman. Hindi na masyado ngayon yun, lalo na lawyer, pero yung doctor, maraming nagsasabi niyan, babae, lalaki, nagsasabi niyan, kaya nga sa loob-loob ko, bakit hindi (unclear) pinag aralan ko yun, nakita ko, walang pambayad.

Q: Tama, napaka gastos talaga.

SP Sotto: Oo, ayun.

News Latest News Feed