Press Release
September 10, 2020

Gatchalian urges schools to raise awareness, build capacities on suicide prevention

Amid the observance of the World Suicide Prevention Day today, September 10, Senator Win Gatchalian is urging schools to raise awareness on suicide prevention as the COVID-19 pandemic makes learners more vulnerable to stress, anxiety, and other mental health conditions.

According to Gatchalian, it is important that mental health and psychosocial support programs train both teachers and learners on identifying behaviors linked to suicide so these can be addressed or reported to the proper authorities. Aside from capacitating teachers on the provision of psychosocial first aid and having regular counseling sessions, Gatchalian stressed that learners should be empowered to support each other through peer counseling programs.

The National Center for Mental Health (NCMH) reported a surge in suicide-related calls since the implementation of lockdown measures. From January to March 2020, the average monthly number of calls was 33, which doubled to 66 in April. The number of suicide-related calls continued surging last May when it reached 80, 112 in June, and 115 in July. As of August 15, the NCMH already received 49 suicide-related calls.

Last year, University of the Philippines College of Medicine professor emeritus Dr. Cornelio Banaag Jr, who is considered the father of child psychiatry in the Philippines, warned that young Filipinos are in the midst of a mental health crisis, which he linked to increased smartphone use and time spent online.

According to the World Health Organization's 2015 Global School-based Student Health Survey, where 8,761 students participated, 16.8 percent of students in the Philippines aged 13-17 attempted suicide one or more times in the 12 months prior to the survey. Nearly 12 percent also seriously considered attempting suicide.

To date, there is one documented case of a learner who died of suicide because of the negative effects of COVID-19, according to the Department of Education (DepEd),

As young Filipinos experience uncertainties because of job losses in their families and the shift to distance learning, Gatchalian reiterated that giving psychosocial support to learners is more urgent than ever to prevent any more losses of life.

"Bahagi ng ating pakikipaglaban sa COVID-19 ang pangangalaga hindi lamang sa pang pisikal na pangangatawan kundi pati na sa kalusugan ng kaisipan ng ating mga kabataan, lalo na't nananatili ang takot at kawalan ng kasiguruhan sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, pati na rin sa usapin ng edukasyon. Mahalaga ang tungkulin ng ating mga paaralan upang bigyan ng pang-unawa at suporta ang ating mga kabataan upang hindi sila mawalan ng pag-asa," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

###

Pag-akyat ng mga kaso ng pagpapakamatay bunga ng COVID-19 dapat pigilan-Gatchalian

Sa paggunita ng 'World Suicide Prevention Day' ngayong araw, ika-10 ng Setyembre, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan na paigtingin ang pagpapalawak ng kaalaman kung paano maiiwasan ang pag-akyat ng mga kaso ng pagpapakamatay o suicide, lalo na't mas nanganganib makaranas ang mga mag-aaral ng stress at anxiety sa gitna ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, mahalagang maging bahagi ng mga programa sa mental health at psychosocial support ang pagtuturo sa mga kabataan kung paano matukoy ang mga posibleng senyales na maaaring mauwi sa pagpapakamatay. Ito ay upang mabigyan ng agarang aksyon ang mga ganitong pangyayari at agad na maiulat sa mga awtoridad. Maliban sa pagsasagawa ng counseling sessions para sa mga kabataang mag-aaral at pagsasanay sa mga guro kung paano magbigay ng psychosocial first aid, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagan ng mga programa para sa peer counselling upang mahiyakat ang mga mag-aaral na magdamayan.

Kamakailan ay iniulat ng National Center for Mental Heatlh (NCMH) ang pagdami ng mga natatanggap nitong tawag na may kinalaman sa suicide simula noong nagkaroon ng lockdown. Mula sa tatlumpu't tatlong (33) tawag na natanggap ng NCMH mula Enero hanggang Marso ngayong taon, dumoble ito sa animnapu't anim (66) noong Abril hanggang sa pumalo ito sa isang daan at labing-lima (115) noong Hulyo. Tumaas pa ito ng halos limampung (49) tawag nuong Agosto 15.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagbabala si UP College of Medicine professor emeritus Dr. Cornelio Banaag Jr., na siya ring tinuturing na ama ng child psychiatry sa bansa, na ang mga kabataang pinoy ay nakararanas ng isang mental health crisis bunga ng madalas na paggamit ng smartphone at paggugol ng maraming panahon sa internet.

Ayon sa 2015 Global School-based Student Health Survey na isinigawa ng World Health Organization halos labing-pitong (16.8) porysento ng mahigit walong libong (8,761) kalahok na mag-aaral sa Pilipinas na may edad labing-tatlo (13) hanggang labing-pito (17) ang nagtangkang magpakamatay. Labing-dalawang (12) porsyento naman ang nagbalak magpakamatay.

Ayon sa Department of Education o DepEd, may isang mag-aaral silang natukoy na nagpakamatay dahil sa epekto ng pandemya. Kaya giit ni Gatchalian, lalong mahalaga ang psychosocial support lalo na't nag-aalala rin ang mga mag-aaral sa pagkawala ng trabaho ng kanilang mga magulang at paglipat sa distance learning.

"Bahagi ng ating paglaban sa pandemya ng COVID-19 ang pangangalaga sa mental health ng ating mga kabataan, lalo na't nananatili ang takot at kawalan ng kasiguruhan sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, pati na rin sa usapin ng edukasyon. Mahalaga ang tungkulin ng ating mga paaralan upang bigyan ng pang-unawa at suporta ang ating mga kabataan upang hindi sila mawalan ng pag-asa," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

News Latest News Feed