Press Release
September 12, 2020

Transcript of DWIZ Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DWIZ Usapang Senado with Ms. Cely Ortega-Bueno

Q: Napirmahan na po ang Bayanihan 2, tatlong buwan po itong iiral?

SFMD: Tama po, tatlong buwan although may mga programa na iiral beyond December 19. Halimbawa yung aking amendment na maghihigpit sa mga buwis ng POGO. Inaalis na natin yung mga permits sa telco. Iyan ay beyond December 19. Pero tama kayo marami diyan na hangang December 19 ang implementation.

Magiging permanent iyang bagong sistema ng taxation sa POGO.

Q: Yung malaking buwis dito ay magagamit po sa Covid-19 response?

SFMD: Tama po iyan magagamit doon at iyan ay additional revenue. Mas kikita ang pamahalaan ng mahigit P17 billion.

Q: Paano po tataas ang collection?

SFMD: Bago ang Bayanihan 2, ang franchise tax ang basehan ay ang net winning. Kung ano ang itinataya minus yung winning, iyan ang basehan ng franchise tax. Kung $100 ang bet, ibabawas kung magkano yung winning ng customer. Halimbawa, $50 ang winning. Ang babayarang franchise tax ay doon ibabase lang sa natirang $50. Ngayon po kung magkano ang itinaya doon ibabawasa ang 5% tax.

Ang pagkakaalam ko, aabot sa P17 billion. Subject to confirmation, siguro nasa P5 billion (P7 billion as per DOF record) lang sa ngayon ang collection.

Q: Isa pa po sa magandang na introduce yung bawasan ang requirements para sa telco? Makakaasa po tayo na marami na pong cell towers

SFMD: Tatlong taon ang hiningi ng industriya para makumpleto ang pangangailangan sa karagdagang cell sites. Inalis natin yung mga requirements for the next three years except for the building permit. Wala ng red tape. Wala ng sagabal. Wala na silang rason na mahina pa rin ang linya pagkatapos ng tatlong taon.

Iyan po ay dapat ingatan. Ang DITO, ang kumpanyang iyan ay may investment ang Republic of China, foreign company, hindi natin alam kung sino ang magpapatakbo. Ingatan natin. Ako hindi ko pabor na diyan ilagay sa mga military camps. Marami namang lupain na libre. Kaya ako hindi ako pabor diyan. Iyan ay nakakatakot, just to be candid about it.

Hindi ko maintidihan bakit sa kampo militar. Why the insistence on including miltary camps?

Q: May way ba para mapigilan pa ito?

SFMD: Pwede iyan. Sigurado naman ako pagdating sa seguridad ng ating bansa, iyan ay mas mataas kaysa sa negosyo ng telco tulad ng DITO.

Q: Sa 2021 proposed budget, sa tingin n'yo po napakaimportante na ma-scrutinize dahil bisperas ng election ang 2021?

SFMD: Tama po iyan. Bisperas ng election. Kaya yung senado talagang titingnan ito baka po yung mga budget ay para sa election. Halimbawa, ibinulgar ni Sen. Lacson yung lumpsum. Ang balita namin, ito ay mga lumpsum kasi hindi umabot yung submission ng mga regional offices ng DPWH na galing din sa mga congressmen. Ang sabi po ng DBM ay magsusumite sila ng detalye. Titingnan natin. Yung lumpsum dito ay labag sa decision ng Korte Suprema. Mahigit P469 billion ang sabi ni Sen. Lacson. Ito po ay nakalagay sa various infrastructure, locally funded project. Ang aking pagkakaalam ay magsusumite ng errata ang DBM. May P469 billion worth of lumpsum ito. Kailangan makita kung ano ang detalye nito. Hindi pwede ang post-budget implementation. Dapat itemize na kaagad. Mayroon din tayong nakikita na P19.1 billion na allocation sa anti-communism task force. Hihilingin din natin ang detalye nito. Kailangan ipakita kung anong proyekto ang popondohan nito.

Q: Balik po ako sa DPWH, may information na kasi hindi nakapag-submit on time. Ang info may mga nagha-haggle.

Hindi po maiwasan na may mag-lobby. Ngunit meron man ito ay dapat pa ring suriin. Kahit saang lehislatura, may lobby talaga, ngunit ang kailangan ay pagdebatehan at surrin kung ito ay kailangan. Ulitin ko lang, ang hindi pwede talaga ay ang lumpsum. Nakikita natin sa budget ay may mahigit P469 billion worth of lumpsum. Ang sabi ng DBM ay magsusumite sila ng errata at listahan kung ano ang proyekto rito. Ang balita kasi namin hindi umabot yung listahan ng mga congressmen. Marami tayong titingnan diyan.

Q: Yung nasilip n'yo na pondo, ang sabi ni DILG, hindi iyon pork at discretionary

SFMD: Ang sinasabi nila ay ito ay para sa mga barangay na cleared na, wala ng influence ng NPA. Ang importante, sabihin ngayon kung ano bang barangay ang mga ito? Ito ay lumpsum - P19.1 billion. Ang sinasabi natin ay magbigay sila ng listahan sa ngayon pa lang. Kailangan ay may transparency para yung mga kababayan natin sa barangay na iyon ay malalaman nila na may appropriation sila.

Q: Hindi po kayo against dito. Ang kailangan lang ay maipakita yung specific na barangay

SFMD: Tama po iyan. Malaking pera ito. Mas malaki pa sa livelihood project ng DOLE.

Q: Isa pa sa mga napansin niyo ay lumiit pa ang budget ng DOH, isusulong po ninyo na madagdagan ito?

SFMD: Tama po iyan. Maghanap tayo ng paraan na madagdagan ang budget ng social sector. Dahilan sa ngayon kaya hindi umaangat ang ekonomiya ay takot ang mga tao na maghanap ng paraan na kumita. Ang importante, maibalik ang tiwala ng ating kababayan sa ating ekonomiya. Habang nasa proseso tayo dapat ay ipakita natin ang suporta sa DOH. Maipakita natin na may sapat na pondo para matugunan ang Covid-19. Sa DSWD, dumarami ang mahihirap na pamilya. Ako ay nagulat na binawasan pa ang budget para sa 4Ps mula sa P108-B na nasa 2020 GAA, binabaan sa P100-B. Ang kailangan ngayon ay tulong - walang pagkain, walang trabaho. Yung social amelioration program ay dapat pondohan natin. Siguro sa budget natin dapat mas lamang muna ang para sa social service sector. Ang pangangailangan ngayon ay ang kawalan ng pagkain.

Q: Kayo po ay mag-propose na magkaroon pa rin SAP?

SFMD: Tama po iyan. Dapat ipagpatuloy ang SAP dahil dumami ang pamilya na mas mahirap ngayon dahilan sa pandemic. Poverty is more prevalent today.

Sa akin, tugunan kaagad by direct government assistance dahil iyan ay deretso ang tulong sa tao. Ang infrastructure, magkakaroon ng dagdag na trabaho iyan pero in the medium-term. Ngunit, ang sabi nga aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo. Sa pamamagitan ng SAP matugunan ang gutom.

Q: Pabor po ba kayo na may P4.5 intel fund ang OP?

SFMD: Titingnan natin iyan. They must justify this. Hindi ko alam kung anong level ang intel at confidential fund ngayon pero tanungin natin sila bakit ganito.

Q: Ibig sabihin daw ba ninyo, yung P5,000 to P8,000 na cash subsidy ang dapat ipagpatuloy sa 2021 budget?

SFMD: Yung social amelioration program. Tama iyan, yung P5,000 hanggang P8,000.00.

Q: On the report of some blacklisted companies getting contracts for PPEs

SFMD: Hindi ko alam kung Chinese companies pero may mga supplier ng PPE na blacklisted pero nakakuha pa rin ng kontrata sa DBM-PS. Saka yung kontratista na involved sa South China Sea dapat hindi sila magkaroon ng kontrata sa ating bansa.

News Latest News Feed