Press Release
September 14, 2020

TV Patrol interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Alvin Elchico ukol sa isusulong na panukalang batas para magkaroon ng transparency sa presyuhan at imbentaryo ng mga oil companies sa bansa

Q: Ang gusto niyo ba imbestigahan yung libro ng mga oil companies? And on what basis?

SEN WIN: Ang objective natin ay maprotektahan yung mga konsyumers natin, dapat alam nila yung kanilang binabayaran. Para magawa ito, dapat alam natin yung imbentaryo at presyo ng krudo na pumapasok sa ating bansa dahil sa ngayon hindi alam ng ating pamahalaan kung magkano yung pumapasok sa ating bansa kaya hindi natin matiyak kung itong presyo na binebenta sa ating mga konsyumers ay may labis o kung may sabwatan na nangyayari. Para maging transparent, dapat maging regular ang monitoring ng ating pamahalaan pagdating sa presyo kasama na dito yung tinatawag nating unbundling ng mga presyo para alam ng gobyerno kung magkano ang bili nila, magkano ang transportation, magkano ang iba pang gastusin sa pagbenta ng petrolyo.

Q: Nabanggit ninyo sa inyong press release na may supreme court decision?

SEN WIN: Luma na yung kaso, bago yung decision sabi ng Supreme Court na yung COA at BIR ay walang kapangyarihan para i-audit ang libro ng mga oil companies. Pero ang DOE at DOJ, through a task force, pwede sila magimbestiga pero yung pagiimbestiga ibig-sabihin may nangyari na, ang gusto natin ay regular yung pagmomonitor, regular yung pagbibigay ng impormasyon sa ating pamahalaan para makita nila kung merong sabwatan o kung tama nga ba yung presyong binabayad natin. Importante na alam natin ang laman ng kanilang imbentaryo.

Q: Ginawa na ng DOE yan pero na-TRO sila ng local court?

SEN WIN: Tama ka doon, in fact nasa Supreme Court na yun. Ang gusto natin ilagay na ito sa batas dahil wala sa batas itong gustong gawin ng DOE na unbundling dahil nga ang nangyayari ngayon kung meron alegasyon tsaka lang sila nag-iimebestiga. Ang gusto natin regular yung monitoring para hindi na umabot sa mga alegasyon at umabot pa sa mga ganitong imbestigasyon. Tama ka, nagkaroon ng TRO itong unbundling pero kapag nilagay na natin ito sa batas magiging clear na kasama ito a monitoring process ng ating pamahalaan.

Q: So yun po ang plano ninyo Senator, you will make a law to unbundle fuel prices?

SEN WIN: Fuel prices, inventory levels, ang pinakamahalaga din dito is information. Kasi kapag tinanong ng konsyumer ang pamahalaan kung 'tama ba itong binabayaran ko? Tama ba itong presyong binebenta sa akin?' Ang pamahalaan natin walang alam dahil nga hindi sinsabi sa kanila ang presyo at hindi naka-unbundle. Kung titignan natin yung history sa mga pagiimbestiga, walang nakakasuhan at karamihan ng investigations puro lip service na lang para magbigay ng comfort at manahimik ang publiko pero yung information para matiyak na walang collusion o walang labis, walang ganung kapangyarihan ang DOE kaya yun ang lalagay natin sa batas.

Q: Meron na po ba? or gagawin niyo pa lang po?

SEN WIN: Gagawin pa lang dahil napag-aralan nga namin doon sa kaso ng unbundling na mahalaga ang impormasyon para maprotektahan ang ating konsyumers.

Q: Kaya lang pupunta din ho sa korte yun? baka kwestyunin din nila yung batas?

SEN WIN: Kiniwestyon lang ngayon kasi wala pa sa batas. Sinasabi kasi ng mga oil companies na wala naman yan sa kapangyarihan ng DOE dahil wala sa batas kaya ang ating remedy, ilagay natin sa batas para kung umabot man sa korte, magiging klaro yung intensyon ng mga legislators kaya dapat sumunod.

Q: What's in it for me as a consumer? Ano ang importansya niyan?

SEN WIN: Ang importante dito kapag umaakyat ang presyo dapat alam ng gobyerno na yung presyong dinadagdag ay tama at hindi dahil sa pagsasabwatan ng mga oil companies. Mayroon na kasing mga haka-haka na nagsasabwatan kaya tumataas yung presyo. Ngayon, yung gobyerno wala naman silang kapangyarihan at impormasyon para masabi kung ito ay may katotohanan. Hindi maganda ito para sa ating konsyumers kaya ang importante ngayon, dapat regularly mamonitor yan ng pamahalaan natin para maprotektahan natin sila.

News Latest News Feed