Press Release
September 14, 2020

DZMM Pasada Sais Trenta interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Pat-P Daza at Peter Musngi ukol sa agarang tulong para sa mga guro, estudyante at private schools

Q: Dito sa Bayanihan 2 na kakapirma lang ng Pangulo bakit nagkaroon ng budget precisely para sa teachers na naapektuhan ng pandemya na ito?

SEN WIN: Noong April and May marami tayong mga private schools, nakita na nila na magkakaroon sila ng problema sa enrollment. Marami kasi sa kanilang mga estudyante mga anak ng OFW's, marami sa kanila nasa abroad ang nagpapaaral at alam naman natin na ang pandemya na ito hindi limitado dito sa ating bansa, buong mundo apektado kaya maraming nawalan ng trabaho. Sa kasalukuyan, kalahit lang ng four million ng mga estudyante sa mga private schools ang nag-enroll. Two million ang hindi nag-enroll sa private schools natin. To date, almost 300,000 ang nag-transfer from private to public schools pero marami pa rin ang hindi nag-enroll. Sa ganitong punto, maraming mga private schools na ang nagsara, close to 800 for now at yan ay close to about 43,000 students ang hindi nakapag-aral at dahil dun, meron na tayong close to 3,000 teachers and non-teaching staff na naapektuhan. Karamihan sa kanila, 3,200 to be exact ay walang trabaho ngayon kaya naisipan ng Senado na maglagay ng pondo para tulungan sila kaya naglaaan tayo ng 300 million worth of subsidy na pwedeng ibigay sa mga teachers natin and non-teaching staff at naglaaan din tayo ng about 600 million para sa ating mga displaced students. Ito yung mga estudyanteng hindi naman sila part ng scholarship program pero dahil nga hindi sila makapag-enroll naglaaan din ng pondo para matulungan natin sila.

Q: Yung mga hindi makapag-enroll na mag-aaral, pwede na sila mag-enroll as a result of this subsidy from Bayanihan 2?

SEN WIN: Correct. Paglabas ng IRR, ito rin ay isang tutukuan ng ating kumite, magkakaroon ako ng pagdinig sa Miyerkules. Isa sa mga tututukan natin yung pag-implement netong subsidy na ibibigay sa teaching and non-teaching staff at sa mga estudyanteng hindi nakapag-enroll sa private schools. Talagang yan ang intensyon ng subsidiya para masigurado na tuloy-tuloy yung kanilang pag-aaral kahit na nasa pandemya tayo. Gusto ko rin banggitin, tinignan din namin yung hiring ng DepEd at lumalabas na meron pang 43,000 na mga available positions for teachers natin, marami pa medyo nagulat din ako. Kailangan pa ng DepEd ng 43,000 at yun na nga hinihikayat natin ang ating mga teachers and non-teaching staff na mag-apply sa DepEd. Medyo mahigpit ang qualification ng DepEd dahil dapat LET passer ka, dapat nakapasa ka ng board pero ganunpaman doon sa mga teachers natin na nawalan ng trabaho, ito ay isang magandang oportunidad para mapunan yung kinakailangan natin na 43,000 na guro.

Q: So kung may 3,200 na displaced na teachers, so kung merong plantilla pala na 43,000 pwede niyo kaagad mapa-absorb yan doon sa DepEd?

SEN WIN: Correct. Kung sila ay qualified, lalo na kung maganda yung kanilang experience pwede sila kaagad ma-absorb. Ang public school system natin palaki ng palaki even sa ganitong pandemya, almost 95% ang enrollment natin sa public schools natin ibig-sabihin nangangailangan pa tayo ng mga guro.

Q: Parang wala tayong clearing house kasi kailangan din ng ng contact tracers, wala yatang nagko-collate netong mga wants, needs at mga hireables... makakasweldo sila dahil may mga nangangailangan na mga posisyon sa gobyerno?

SEN WIN: Maganda punto yan dahil under the Bayanihan 2 ang target ay kumuha pa ng at least 50,000 contact tracers, we can go as high as 150,000 at hindi naman nililimita yung qualifications sa mga medical practitioners, pwede silang teacher, pwede sila manggaling sa ibang profession basta sila ay nag-graduate ng kolehiyo pwede silang kunin as contact tracers. nakikita natin isa sa weakness natin ay ang contact tracing kaya ito ay isang oportunidad din sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho.

Q: Itong bang 43,000 na available positions sa mga teachers, alam niyo ho ba saan yung mga concentration ng mga nangangailangan na areas?

SEN WIN: Mostly nasa urban centers, NCR, highly urbanized like Cebu, Davao. Ito yung mga malalaking siyudad, center of gravity, pumupunta talaga diyan ang mga tao kaya may available na trabaho para sa ating mga teachers. Tuloy-tuloy ang pagha-hire ng DepEd kaya maganda na pagusapan na ito para malaman ng ating mga kababayan na merong oportunidad para makuha sila sa DepEd.

Q: Yung ibang mga nagsasara na mga business, dahil nga sa pademya na ito at yung ensuing financial meltdown... wala bang pwedeng gawin yung ating gobyerno para maisalba man lang yung majority of these schools? May programa ba?

SEN WIN: Ang nila-lobby ko sana maisama sila doon sa SBWS, Small Business Wage Subsidy. Kung matatandaan natin may binigay ang DOF na ayuda sa mga small business para matulungan sila para hindi magsara dahil ang nagiging problema ng small businesses yung pa-sweldo so hindi sila naisama sa SBWS pero depende sa size ng school, pwede ho sila pumasok sa general category ng small businesses at meron mga ayuda na binibigay ang DTI diyan pero para sa akin, ang concern ko hindi lang yung school as a business kung hindi yung negative social impact sa ating society dahil sinabi ko nga kanina nagsara yung 800, ang problema yung mga estudyante na pumapasok sa kanila. For example, kung isa lang yung private school sa area mo tapos nagsara pa, mapipilitan ka talagang tumigil sa pag-aaral. Ako mas malalim yung problema pagdating doon sa pag-aaral ng mga bata.

Meron talagang mga cases na isa lang ang eskwelahan sa isang area, lalo na yung sa mga far-flung areas na talagang isang eskwelahan lang available. Kung sila ay nagsara, ang worry namin saan mag-aaral ang mga bata? Yun ang isang bagay na sinabi namin sa DepEd na pag-aralan ng mabuti para makita nila kung paano nila matutulungan ang mga estudyante through a subsidy. For example, kung maibigay itong 600 million subsidy sa ating mga estudyante para makapag-enroll, kahit papano itong mga eskwelahan makaka-survive, makapag-breakeven man lang para makatulong sa pangbayad sa kanilang mga gastusin.

News Latest News Feed