Press Release
September 16, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III
on Unang Hirit with Arnold Clavio

On PhilHealth and the Medical Scholarship Act.

Q: Sabi ng DOJ hindi pa kumpleto ang listahan ng kakasuhan kaugnay ng PhilHealth. Dito naman sa kaso ni Sec. Duque ng DOH, wala naman daw pinirmahan kaugnay ng mga kontrobersiyal na anomalya diyan sa PhilHealth.

SP Sotto: Siguro, ang pinakamabuti, inaasahan natin na sinasabi nila na meron pa silang continuation ng imbestigasyon. Mabuti sana kung ganun. Kung hindi naman, ako naman ang paniniwala ko, mas maganda ang perspective ng Ombudsman pagka ganyan. Ngayon, as far as pirma or evidence is concerned, yung Article 217 of the Revised Penal Code, maliwanag na maliwanag doon na walang ebidensiyang hinihingi roon. Pagdating ng negligence, abandonment under malversation, maliwanag na maliwanag yun. Ang ebidensiya mismo is the fact that they admit na illegal yung ginawa nila, hindi tama yung procedures na ginawa, gumastos ng P14.8 billion mula Marso hanggang June na ang allotment ay P28 billion. Kung hindi naawat ito baka umabot ng P28 billion yan. P14.8 billion na ang nagastos. Ang PhilHealth ay governed ng board. Yung chairman ng board ay talaga namang non-voting kaya hindi naman kailangan pumirma pero don't tell me na hindi mo alam. Kung hindi mo alam, therefore you are pleading guilty to negligence. Dapat tingnan mabuti ng DOJ yan. Kung hindi man, I am so sure na makikita ng Ombudsman yan.

Q: Paano kikilos ang DOJ laban kay Sec. Duque kung mismong si Pangulong Duterte ay pinagtatanggol siya at kinaklaro sa anumang mga iregularidad?

SP Sotto: Kaya nga ang sinasabi ko, separate institution naman ang Ombudsman, eh Ombudsman naman ang magkakaroon ng (unclear) dahil ang DOJ ay recommendatory din katulad namin, kaya ang aming committee report ay the official Senate report. (Unclear) committee report lang yun, sapagkat ito ay pumasa na sa plenary, ay finorward namin sa Ombudsman. Tingnan natin pagdating doon kung ano ang sitwasyon sapagkat masyadong obvious yung ebidensiya na nakita namin. Q: Ano ang pagkakaiba ng DOJ report, yung Task Force PhilHealth, sa Senate committee report? Halos parallel din ho ba nung nakita ninyo?

SP Sotto: Karamihan, pero mas kumpleto yung sa amin sapagkat yung sa amin ay over the hearings, doon sa mga procedures namin at saka sa mga hearings namin, narinig namin lahat, pati yung mga whistleblower, nandoon, may mga witnesses, may mga testigo. Hindi ko lang sigurado kung paanong ginawa ng DOJ na imbestigasyon dito. Siguro nag base din sila sa amin, doon sa nanggaling sa amin.

Q: Sa medical scholarship bill naman, sino-sino ang pwedeng mag apply dito?

SP Sotto: Basta Pilipino. As much as possible, Pilipino na ang family income ay hindi kayang makapagpa-aral ng medical education. Dapat ay graduate siya ng undergraduate program na identified as prerequisite for medicine. And then dapat pasa sa entrance exam ng SCUs or private school. Ang usapan dito, hindi lang sa SUCs ito. Ang scholarship na pinasa natin ay pati private institution kung ikaw ay makakapasa at ikaw ay deserving student. Sapagkat alam natin ay napakaraming Pilipino, napakaraming batang Pilipino ang gustong mag doctor pero hindi kaya pag aralin ng magulang, eh kulang na kulang tayo. Ang doctor sa Pilipinas, 130,000 ang medical doctors supposed to be, pero 70,000 lang ang active. Yung iba, ung hindi nasa abroad ay nag nursing or nag iba ng trabaho, eh ang ideal ratio is 1 is to 1,000. For every1,000 population, dapat merong isang doctor, eh meron tayong 105 million Filipinos, ang layo natin sa ideal. Kaya talaga nung pagkatapos namin ipasa yung free tertiary education, itong mga nakaraang mga taon ang naisip ko, kulang na kulang sa doctor eh hindi kasi kasali doon yung graduate studies tapos ang medicine at saka ang law ay hindi kasama doon sa free tertiary education. Di bale na yung mga abogado, masyadong marami na yun, yung mga doctor ang kulang na kulang. (Unclear) finile ko na yung free medical scholarship at ngayon naman, itong Kongreso na ito, eto nga ginawa kong Senate Bill No. 1 ito, ito yung kauna-unahang finile ng kahit sinong Senador. At ako yung nagfile na yun. Awa ng Diyos, all 23 Senators are very supportive of the bill. As a matter of fact, all of them, if not most of them, are co-authors already because of the that. And the principal author was Sen. Joel Villanueva, siya kasi yung chairman ng Committee on Higher Education.

Q: Pero may condition, sa mga unang taon dito muna sila maglilingkod sa Pilipinas bago makapag abroad?

SP Sotto: Oo, kailangang maglingkod muna sila dito, limang taon kasi ginastusan ka ng gobyerno. Ang sagot ng gobyerno dito, nilagay namin dito sa batas, hindi lang tuition fee. Lahat ng related sa tuition, allowance para sa libro, equipment, clothing, uniform allowance, allowance para sa dorm, transportation allowance, lahat ng applicable, pati internship fees, medical board review fees, lahat, licensure fees, walang sasagutin yung estudyante, yung Pilipino, pati yung annual medical insurance niya, subsistence of living allowance, sagot namin lahat yun. Kaya nga lang, ikaw ay kailangan dito sa Pilipinas for the next five years. Ideally ang gusto natin, doon sa mga SUCs at saka sa mga private institutions, yung mga nakatira doon, priority lalo na kapag ang isang municipality ay walang doctor, kulang na kulang sa doctor. Yun ang mga priorities na ipapasok mo, basta (unclear) pumapasa sila sa entrance exam.

Q: Sana yung mga bagong graduate diyan maging official ng PhilHealth.

SP Sotto: Alam mo ang kailangan sa PhilHealth, nagfile ako ng bill ngayon, ang ginagawa kong chairman ng PhilHealth ang secretary ng finance. Dapat nakakaintindi sa business kung ano, hindi ba? Yun ang dapat chairman, secretary of finance, hindi yung secretary of health. Dapat nga pala yung secretary of health, nakalagay doon, siya lang ang hindi pwedeng palitan doon sa dating batas. Hindi siya pwedeng representative, siya dapat mismo ang board samantalang yung mga ibang ex-officio members, pwedeng or representative. Kaya hindi pw3edeng sabihin na porke hindi nakapirma hindi mo alam ang nangyari, apat, limang buwan ang nangyari, P14.8 billion ang ginastos agency mo, hindi mo alam?

News Latest News Feed