Press Release
September 19, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ms. Cely Bueno of DWIZ

Q: Nung Wednesday pinatawag po kayo kasama ni House Speaker Cayetano. Biglaan po ba ito at malinaw po ba yung agenda bakit kayo pinatawag?

SP Sotto: Hindi. Nung ako ay ipatawag, hindi ko alam ang agenda. Nanghuhula nga ako at iniisip ko, ano kaya para makapag prepare ako kung meron siyang gustong tanungin or something like that, pero wala. Walang sinabi, hindi rin alam ni Bong Go. Tapos hindi naman kami nagkausap ni Presidente, yung assistant niya ang nagsabi sa akin, so nahihiya naman akong tanungin, so wala. I was blinded on what we were going to talk about. I was guessing.

Q: So pagdating ninyo doon, ano yung naging opening ni Presidente, bakit niya pinatawag? Meron siyang concern sa legislation?

SP Sotto: Practically siguro I could say, if I could sum it up dahil marami kaming chitchat, if I will sum it up, there were three important issues that he wanted to discuss with me and wanted the help of both the Senate and the House of Representatives. Yung una, pag upo pa lang niya, pagtingin sa akin, ang unang banat sa akin, sabi niya abolish na natin ang PhilHealth, sabi sa akin. Napanganga nga ako, or privatize, sabi niya, parang tinatanong niya sa akin. (Unclear) sabi ko pwede talaga, pero ika ko meron akong bill na finile ko, na palitan natin yung chairman, palitan natin ng secretary ng finance ang secretary of health, kasi hindi naman health entity yan, sabi ko, insurance company po yun, sabi ko, dapat siguro. And then tamang tama, baka mabigyan natin ng maganda naman yung kinikilos ni Dante, baka pwede ninyong bigyan hanggang December, tingnan natin kung ano ang mangyayari sa PhilHealth. Sabi niya, DOF? Oo ser, sabi ko, secretary of finance. Okay, sabi niya, good, I agree. Yun, eksakto, payag na payag siya. Naalis nga agad sa agenda yung issue ng PhilHealth dahil okay siya doon sa suggestion ko.

Q: Kung hindi ninyo binigay yung ganoong suggestion, pwede talagang desidido ang Presidente na iabolish yung PhilHealth?

SP Sotto: Perhaps privatize, yun ang thinking niya. So, it was one of the reasons for the meeting, perhaps, I think. And then more importantly for him, I think, inumpisahan niya kaagad, medyo mahaba yung usapin tungkol diyan, ang gusto niya ang ating anti-red tape law na ngayon ay yung ease of doing business, na yung anti-red tape law si Senator Lacson ang author, itong ease of doing business, si Senator Zubiri ang author niyan, gusto niya, higpitan pa. Gusto niya hindi higpitan, kundi luwagan, luwagan para sa mga investors. Yung pagkuha ng mga permit, pagkuha ng mga ganyan, so gusto niya, let's say three days--eto yung mga salita niya--gusto niya kung three days ang hinihingi ng permit, pag hindi binigay nung opisina in three days, deemed approved, sabi niya, dapat mga ganoon. Pero puro three days lang ang binabanggit niya pero nung kausap ko na si Senator Zubiri kasi nung isang gabi naguusap kami. Kausap ko si Ping Lacson tungkol doon at saka si Migz, si Frank at si Senator Recto, naguusap kaming lima, dinidiscuss namin yan. Yung mga gustong mangyari ni Presidente, karamihan nandoon sa ease of doing business kaya lang meron doong medyo lengthy lalo na pag dadaan ng national government. So medyo lengthy ng kaunti yung mga time element at pinagsama-sama mo, inabot pa nga ng mga 45 or 60 days, ganoon yung mangyayari, so perhaps doon sa parteng yun pwede kaming makakilos. But again, what the President wanted was, the bottom line, gusto niya, luwagan. Merong nakapagsabi sa kanya na merong mga investors na gustong pumasok sa Pilipinas, ang target ay either Vietnam, Thailand, or Philippines. Eh sabi ko nga, pinaalala ko lang kay Presidente, sabi ko yung dalawang bansa na yun, parehong may martial law yun, military rule law style nun, so yung mga investor, dapat maisip nila na pag doon, kung ano ang sabihin ng bansa, sunod sila. Dito sa atin, democratic so mas mabuting talagang pumunta dito. Siguro, kaya gusto ng Presidente na luwagan para sa mga investors.

Q: Para macapture natin yun?

SP Sotto: (Unclear) natin sila, oo. Anyway, yun yung isang topic. Yung pangatlong topic bale, yung gusto niya, sa mga nakaka-aksidente sa daan, na mga road accidents, gusto niya yung mga nakakasakit ay bigatan ang penalty. Yun more or less ang naging takbo ng usapan namin nung gabi.

Q: Going back sa ease of doing business, open na ba si Senator Zubiri for improvement? Kasi nung una, parang ang naging reaction niya, ano pa yung gustong iamend or improve considering na stiffer penalty na daw, hanggang three days lang at kapag hindi na-achieve yung three days�

SP Sotto: Yung three days kasi simple transactions lang pero yung mga complex transactions, mahaba. So okay naman, tama din si Senator Zubiri, yung ease of doing business, nandoon na. So nung magmeeting kami kagabi, nagmeeting kami, merong suggestion si Senator Drilon na maganda at payag si Senator Lacson, si Senator Zubiri, Senator Ralph. In so many words, bibigyan ng authority ang Presidente na baguhin yung mga system itself. We can do that through a law without necessarily amending the ease of doing business. Siguro hintayin na lang muna natin ung idadraft. Ang magdadraft kasi nito si Senator Drilon, si Senator Zubiri, Senator Recto and Senator Lacson. (Unclear) pagbigyan yung gusto ng Presidente na hindi na gagalawin yung ease of doing business and then ako na lang ang makikipag coordinate sa Pangulo at makikipag coordinate sa House of Representatives.

Q: Pero yung proposal na yun ni Senator Drilon na biga g authority si Presidente, kailangan ninyo pa rin mag legislate ng batas?

SP Sotto: Basta within hid powers during the emergency, ibibigay namin basta sisiguruhin namin na walang unconstitutional doon sa ibibigay natin.

Q: So, it means kaya nagmeeting kayo kagabi, dahil nandoon yung urgency doon sa hinihingi ni Presidente, kaya nagmeeting na kayo kagabi?

SP Sotto: Oo. Tinawag ko yung mga opisyal at saka yung (unclear). Yung tatlong opisyal, puro officers, and then si Senator Lacson is involved because siya yung anti-red tape nung araw.

Q: Doon sa vehicular accident, ano yung napagusapan?

SP Sotto: Ang suggestion ni Senator Lacson is idamay yung mga operator. Idamay dapat. Panagutin, kasi ang nangyayari, sabihin ng driver, walang preno, aksidente. Pinapag-aralan pa namin kung ano ang pwede sa gusto ng Presidente, pero more or less, yun ang mga suggestion at the moment. Nothing is written in stone as far as that is concerned.

Q: Meron kayong time frame dapat?

SP Sotto: Yes, ang target namin, before the break, before the suspension on October 14 dapat pasado na lahat yan.

Q: At kinakailangan na yung inyong proposed bill na naaayon sa kagustuhan ni Presidente, ganoon na rin ang proposed bill sa Kamara?

SP Sotto: Oo, icocoordinate ko na lang kay House Speaker Cayetano.

Q: (Unclear)

SP Sotto: Na wala silang advantage whatsoever, tayo ang may advantage because tayo ang democratic. Ngayon, walang advantage yung mga yun sapagkat pare-pareho tayong may pandemic. Lahat naman tayo. Thailand, Vietnam, meron din. Maaaring mas maganda ang style ng treatment ng Vietnam, pero mas kaunti sila, ang dami natin.

Q: Pero kailangan pang luwagan kung tayo na ang may advantage dahil sila, martial law ang style?

SP Sotto: Para masiguro di ba, kasi turn off really, to answer your question, sa mga investors, turn off yung sa ating kailangan, may suhol. Kailangan may lagay? Kukuha ka ng permit, kailangan may ganito, may ganyan? Sa Thailand at sa Vietnam, walang ganoon. Bakit, eh malapit doon, May mahuling ano doon, baka firing squad, di ba? Kaya takot sila sa corruption doon. Yung sa atin baka yun ang wino-worry ni Presidente, baka mawalan ng gana kasi nakarating na sa kanya nung mga nakaraan na nawawalan ng gana yung mga investor kasi kahit sa barangay or sa ganito, pag hingi ng permit ang daming kuskos balungos. Kumpleto ka na, meron pang hinahanap na iba, mga ganoon. Mismong sa mga negosyong alam ko, ganoon ang nangyayari, ang daming nagsusumbong.

Q: So doon sa idadraft na bill, bukod doon sa para mapabilis ang pag address ng red tape, ang (unclear) mapigil yung corruption, yung paghingi ng lagay.

SP Sotto: Yun ang main issue ni Presidente. Gusto niyang mabawasan ang paraan kung paanong nagkakaroon ng corruption.

Q: Sa mga existing laws hindi pa naa-address yun?

SP Sotto: Parang kulang pa. Parang yung mga gustong gumawa ng corruption, magaling humanap ng butas sa mga batas. Bottom line, ang order ng Presidente, hanapin ang mga loophole (unclear) sa mga pumapasok na investors at iplug yung mga loophole na yan, parang ganoon.

Q: So inaassure ninyo, may commitment kayo sa Presidente na before the year ends, mapapasa itong batas.

SP Sotto: Oo, as a matter of fact, hindi ko sinabi yun pero hindi ko sinabi sa kanya kung kailan pero sabi ko as soon as possible.

Q: Going back sa PhilHealth, si Presidente nagbigay ng warning sa bagong pamunuan ng PhilHealth, kay Gierran na kinakailangang may magawa sila na paglilinis hanggang December, kung hindi, (unclear) ng warning, so it means sinunod kayo ni Presidente, nagbigay ng hanggang December ang Pangulo.

SP Sotto: Yes, yung suggestion ko na sabi ko pagbigyan natin hanggang December kung maganda naman ang kinikilos ni Dante Gierran, tapos palitan natin yung ano, aapurahin namin yung bill. Sabi ko palitan natin yung chairman gawin nating nakakaintindi ng pera, marunong humawak ng pera, secretary ng finance. Although ang balita ko medyo ang sagot yata ni Sec. Dominguez is pass.

Q: Hindi siya interesado, paano yun?

SP Sotto: Pag pinasa namin yun, may magagawa ba siya? Pag pinasa namin yung batas, wala naman siyang magagawa, payag ang Presidente, umoo ang Presidente, ganoon talaga.

Q: Yung NEDA secretary general, mukhang (unclear)?

SP Sotto: Meron nga pala kaming Idadagdag, suggestion ni Senator Drilon, (unclear) sa labing isang member ng board. Hahanap kami ng isa doon na hindi masyadong mahalaga, ipapalit namin yung chairman ng insurance commission.

Q: Hindi pa member yung taga insurance commission?

SP Sotto: Hindi.

Q: (Unclear)

SP Sotto: May mali-mali din kami syempre wala namang perfect na batas. Ang error nga namin doon gawin naming non-voting, hindi ko alam kung panahon ko nailagay yun, kung ako ay isa diyan sa Senado noon pero idadamay ko na yung sarili ko, (unclear) nalagay namin non-voting yung chairman pero (unclear) nangyari yun na labing-tatlo sila, or labing-isa ba sila, odd number. Kaya nga odd number yun, para pagka may tie, yung chairman ang magbibreak ng tie, eh bakit nilagay non-voting?

Q: So doon sa proposed bill ninyo, bibigyan na ng karapatan na bumoto yung chairman, kapag yung DOF secretary na yung chairman?

SP Sotto: Oo kasi ganoon naman talaga. Yung chairman, hindi maaaring hindi makialam doon, kaya nagamit tuloy na palusot. (Unclear) paano pipirma, eh non-voting.

Q: (Unclear) ni Presidente, hindi na rin siya kumporme na ang health secretary ang chairman ng PhilHealth?

SP Sotto: Yes, payag siya.

Q: At itong bill na ito, (unclear) naisubmit ninyo, resulta ito nung ginawang imbestigasyon ng Committee of the Whole?

SP Sotto: Yes, isa sa mga result although kaka-file ko lang nun. Nung naguusap kami ni Presidente, sabi ko sa kanya kahapon ko pa lang finile.

Q: So magiging priority ito ng Senate?

SP Sotto: Palagay ko kasama sa mga priorities yun kasi resulta rin nung Senate investigation.

Q: Pero sa House meron bang Congressman na nag-commit na magsa-submit ng kaparehas na panukalang batas?

SP Sotto: Wala pero bibigyan ko lang ng kopya si Majority Leader Martin Romualdez, I am sure mabilis na sa kanila yun.

Q: During your meeting with the President, hindi naman niya kinamusta yung 2021 budget?

SP Sotto: Wala, wala kaming napagusapan.

Q: At walang naging commitment ang Presidente na o, SP, basta bago matapos ang taon, may makakasuhan diyan sa PhilHealth? Alam kong hindi kayo masyadong satisfied sa report ng DOJ, walang nabanggit ang Presidente?

SP Sotto: Hinihintay ko nga na ibring-up niya, ayokong ako ang magsisimula ng mga, pagka Presidente ang kausap mo, kung hindi sin lang niya tine-take up yung issue, nahihiya akong magsingit ng usapin. Hihintayin ko lang yung kung ano ang gusto niyang pagusapan.

Q: Pero yung pag prisinta niya na mainvite as resource person, sa tingin ninyo hindi naman mangyayari yun?

SP Sotto: (Unclear) dahil nga doon sa ease of doing business na issue, doon sa gusto niyang ganoon, ayun, para ma-address natin ng husto yung corruption na yan, sabi niya, gusto mo, isama mo ako, sabi niya. Aattend ako sabi niya, para maeksplika natin kung ano ang gusto niya sa anti-corruption na ito. Sabi ko, baka naman pwedeng invite na lang, wag naman summon. Ikaw, sabi niya. Pero kausap ko yung mga leader namin, wala sa menu. It is not necessary to bring the President. Maganda naman yung mga suggestion namin, hindi na kailangan iimbitahin ang Presidente. Lalo na, iimbitahin mo ang Presidente, naka virtual yung ibang mga Senador? Parang longest day? Kawawa ang Pangulo doon.

Q: So nakikita ninyo, hindi naman aabot sa punto na kakailanganing imbitahan ang Presidente

SP Sotto: Hindi, hindi kakailanganin. I don't think it is necessary. Suggestion nga lang niya yun, kung kulang pa. Pero sa klase ng pinaplano namin, at yung ibabalangkas namin, ipapadala ko sa kanya, I am sure matutuwa siya.

Q: Naalala ko sabi ninyo you were disappointed sa findings ng Task Force PhilHealth ng DOJ, although sinasabi ngayon ni Sec. Guevarra na initial pa lang yun at hindi pa off the hook yung iba like itong si Atty. Del Rosario. Mag iimbestiga pa pala sila dito sa legal sector ng PhilHealth.

SP Sotto: Eh kasi naman, kaya ko naman nasabi yung dumbfounded ako at parang disappointed ako agad, eh kasi hindi naman niya sinabi agad yun. Kung sinabi niyang hindi, ano pa lang ito, pang una lang na findings (unclear) pero may mga iniimbestigahan pa kami na pwedeng isunod, eh di hindi na ako iimik, di ba? Akala ko yun na.

Q: Akala ninyo final na yun?

SP Sotto: Akala ko final na. Nandoon sa Senate report namin, ang dinamay ko nga bukod sa mga pinangalan doon, pinalagyan pa namin yun ng and other PhilHealth officials and employees who connived, who participated, or allowed through acquiescence, ganoon, (unclear) na malawak yun.

Q: So sa tingin ninyo kapag sa patuloy pa na imbestigasyon ng DOJ, tiyak na makakasama lalo na itong si Atty. Del Rosario. (Unclear) balitang nag celebrate na sa Facebook the fact na hindi siya kasama sa initial na nirekomendang kasuhan, nothing to celebrate.

SP Sotto: Swerte.

Q: So, wag muna siya mag celebrate?

SP Sotto: Hintayin natin yung full-blown report ng DOJ. But then again, as I mentioned this before, I have full trust and confidence with the Ombudsman. Ang tingin ko, kung meron mang makalusot sa DOJ, hindi masilip, hindi makakalusot sa Ombudsman. Sanay yung mga yun pagdating sa ganoon, at sanay humanap ng ikakaso yung mga yun pag nakakita ng anomalya.

Q: I heard nagkaroon kayo ng briefing with the Department of Foreign Affairs, yung foreign relations briefing. Ano ang agenda nito?

SP Sotto: Parang hindi yata nangyari sa akin yun. Ang nangyari lang is si Sec. Locsin nung Commission on Appointments yung new ambassadors at saka mga consul generals ay tine-take up, he went up to my office. PInaimbita ko naman, sabi ko magkukwentuhan lang kami. He came up to my office and then kwentuhan lang kami. Wala akong official na participation kung meron mang briefing na ginawa, siguro yung committee, baka.

Q: Yung committee on foreign relations.

SP Sotto: Yun ang nagkaroon ng briefing malamang.

Q: Si Presidente nagpasya na iextend hanggang September 2021 itong pinaiiral na state of emergency because of the pandemic. It means aminado ang Pangulo na itong pandemya na ito, tatagal hanggang September 2021?

SP Sotto: Walang nakakasiguro kung hanggang kailan ito. Alam mo ang suggestion pa nga ng Senado, ng leadership ng Senado, ang suggestion namin, binabalangkas na namin yung sinabi kong pag address ng issues on corruption, ease of doing business, anti-red tape, ang tingin pa namin, pwede hanggang 2022.

Q: Matagal na problema ito?

SP Sotto: Oo. (Unclear) talaga tayo para safe tayo. Walang makakapag sabi. Di bale ng lampas, wag lang kulang (unclear) tayo, delikado, di ba?

Q: Nangangahulugan ba ito na kung nagkaroon ng Bayanihan 1, ngayong may Bayanihan 2, pwedeng magkaroon ito ng Bayanihan 3 kung nandiyan pa rin talaga yung crisis, itong pandemya, hanggang next year?

SP Sotto: It is possible, kung may pagkukulang pa kaming nailagay sa Bayanihan 2 na gusto ng Presidente pa, may kakailanganin pa, it is possible. But I don't think, mahirap magsalita ng tapos tungkol diyan.

Q: Pero sa tingin ninyo kakayanin naman natin kung tumagal pa hanggang 2022 itong pandemya na ito?

SP Sotto: Oo naman, palagay ko kasi katulad niyan, alam mo yung CREATE yung pinapasa naming batas, ito, mababawasan ang income tax ng corporate income tax, bababa ng 25 percent imbes na 30 percent. Papantay na tayo doon sa mga ibang bansa sa paligid natin tayo lang ang mataas, Pilipinas ang mataas, so bababa (unclear). Okay, mawawalan ng revenue ang gobyerno diyan, pero gagana ang ekonomiya. Gagana yung mga corporate (unclear), mas lalaki ang mga kita nila. Ngayon, may mga suggestion doon sa amin, kung hindi ako nagkakamali, Senator Lacson, Senator Recto, Senator Drilon, nagsusuggest, lagyan ng amnesty, pag nag pa amnesty ka, mababawi yun, sobra pa yung revenue na mawawala, yung foregone revenue, mababawi mas malaki pa. Palagay ko okay tayo (unclear). Kaya ng bansa natin yung emergency na ito.

Q: Ano ito, may magsusubmit ng proposal about tax amnesty?

SP Sotto: Oo. Kaming mga opisyal, isusuggest namin sa Presidente.

Q: May initial na pag aaral kung mag ta-tax amnesty, malaki ang makakolekta, kasi syempre maraming may mga liability or may kaso na iaavail ito.

SP Sotto: Meron na kaming ginawang ganyan nung nakaraang taon pero vineto nila, di ba? Na-veto yun pero, may mga nakita kaming pwede na hindi mave-veto. Abangan ninyo sa mga darating na linggo, the next week or so, maganda yung mga usapin sa Senado.

Q: Kasi ngayon meron ng tax amnesty para sa may mga delinquent account at saka doon sa (unclear) tax, meron na, so mas malawak yung amnesty na pinaplano?

SP Sotto: Maaari. Pinaplano naming isulong na nakakabit doon sa CREATE.

Q: Iincorporate yun or separate?

SP Sotto: Iincorporate namin kung pwede Pag-aaralan muna naming mabuti kung paano ang pinaka magandang strategy.

Q: Marami pala kaming babantayan. Isa pa sa gustong itanong sa inyo, itong Ombudsman parang may nilabas na memorandum na parang naghihigpit sa pagrelease ng SALN ng mga government officials. Pabor po ba kayo doon?

SP Sotto: I'm sorry I am not privy to the contents of the new policy from the Ombudsman, hindi ko nakita, pero baka hinihigpitan lang nila yung basta pagkuha. Pero kung legitimate, susulat ka, ganoon naman sa Senado, ganoon din sa Supreme Court. Susulat ka, hihilingin mo para mapagbigyan ka. Hindi yung kahit sinong Tom, Dick, and Harry na gusto na lang kunin yung SALN ng sang ano, kasi ang isa sa mga iniingatan doon, narinig ko ito na pinaguusapan, let's say yung address ng bahay, yung mga address ng property ng isang empleyado or government official tapos gusto ka lang perhuwisyuhin kaya gustong alamin kung nasaan, mga ganoon. Merong mga ganoon. Hihigpitan lang nila ang pagrerelease, pero hindi nila hinihigpitan ang paglalahad.

Q: So ito para lang maprotektahan doon sa ilan, for security ng mga public officials.

SP Sotto: Security, palagay ko ganoon. Kasi yun ang naririnig kong usapin nun although as I said, I did not see it, I have not heard, I have not read the policy that was released by the Ombudsman. Pag Ombudsman ang involved, I feel secure kasi alam kong maingat sila.

Q: Pero sa part ng Senate, basta legit yung paggagamitan, madali namang nakakakuha ng kopya ng SALN ng mga Senador.

SP Sotto: Oo, meron lang procedure kung paano, sulat, ka.

Q: Natutuwa yung mga kasamahan ko sa media dahil isa sa inyong pinahalagahan sa inyong sinumite na panukalang batas ay itong mga nasa industriya. Meron kayong batas na naglalayong mapahusay din yung mga benefits at protection ng mga nasa media industry.

SP Sotto: Yes, pati security ng media worker's welfare kasi, ang hindi narerealize ng iba nating mga kasama at saka mga kababayan natin, kung ano yung nasusubong danger at trabaho, at pagod ng mga media workers, ay mas malala pa nga kung minsan kesa sa mga government officials or sa mga...kung ano yung danger na pinapasok ng mga pulis, or ng mga imbestigador. Hindi lang danger ang pinapasok ng media worker kung tutuusin, di ba? You are subjected to different types of danger, so ang napapabayaan doon is sa sweldo, sa hazard pay, sa mga allowances, sa mga seguridad, di ba? Napapabayaan. It's about time, kasi naaalala ko rin naman yung original na Senator Sotto, si lolo ko, siya nga yung author ng press freedom law, di ba? Kaya nga Sotto Law ang tawag nila nung araw pa. 1946 pa, Sotto Law na yun, pero noon, mga journalist lang ang prinoproteksyunan, mga writers. Print lang, kasi wala pang TV at saka wala pang radyo noon, 1946.

Q: Doon sa bill, kasama yung mga online?

SP Sotto: Oo. All the while, ganoon pala yun, throughout these years until nga nitong narealize ko na teka muna, paano yung mga taga broadcast? Paano yung sa radyo sa TV, di ba? So sinama ko, pati yung sa online, basta legitimate online press, kaya yan ay bago. Ang tawag nga ni Senator Lacson doon, Sotto III Law.

Q: Sana bago matapos yung term ninyo maapprove yun dahil marami ang nangangailangan ng batas na yun.

SP Sotto: Ang tagal na yun, 1992 pa, dapat yun ano na, dapat yun this year.

Q: Sino ang mag ha-handle? Si Senator Revilla?

SP Sotto: Oo.

Q: Nag commit ba siya ng suporta doon sa bill na yun?

SP Sotto: I am sure he will support it at saka ifo-follow up ko na lang lagi para apurahin.

Q: Sana yung mga may ari ng media outfits, sumoporta rin doon.

SP Sotto: Palagay ko mapipilitan silang sumoporta. Dapat silang sumoporta lalo na kung magiging batas yun.

Q: Lumalabas na number of children below 15 years old ay nabubuntis daw ngayon sa nakalipas na sampung taon, ayon doon sa Commission on Population and Development or yung POPCOM. Pabor ba kayo sa panukalang taas ang dad ng statutory rape at doon din sa improvement ng sexuality education para daw mapigilan itong teenage pregnancies?

SP Sotto: Doon sa pagtataas ng edad ng statutory rape, payag na payag ako doon. Doon sa sinasabing sexuality education, meron na sa RH Law. It's a matter of implementation. Redundant lang yun, (unclear) inulit yung provision na yun ng RH Law. Redundant lang. Ngayon, itong gusto nilang gawin na bago, offensive pa sa mga Catholic schools. Offensive, lalo na ang mga magulang ay naiisang tabi, parang ilalagay lang lahat sa eskuwelahan. Sino sa eskuwelahan ang magtuturo sa mga kabataan? Nakikita mo naman na nasisingitan tayo ng mga teacher na medyo nagkakaroon ng problema sa mga estudyante, iba ang tiwala, kailangan magulang pa rin. Ang primera diyan, magulang pa rin. Kaya yung nasa RH Law, ayos na yun, in effect na yun. Pinaghirapan ni Sen. Pia Cayetano yun at saka ni Miriam yun, ang tagal-tagal naming dinedebate, mga provision na yun. Maganda na yun, it is just a matter of implementation.

Q: (Unclear) itaas sa 16 years yung statutory rape, maganda po yun, proposal ni Senator Zubiri.

SP Sotto: Payag ako doon, at least 16. Yung iba kasi gusto gawing 18 pero baka masyadong ma-stiff yung 18, kasi may nag-aasawa na ng 17, di ba, 16, 17, 18? 16 kung gusto nilang makabawas doon talaga.

Q: Si Sec. Gringo Honasan sinabi niya, ito ngang internet speed dito sa ating bansa, not that bad. Ang sabi ni Sen. Lacson, although dating kasama niya sa Senate itong si Sec. Honasan, parang hindi daw maganda yung dating kasi pag sinabing not that bad, parang worse na yun na not that good. Ang gusto sana daw niyang marinig, the fact na under the new normal, ay at least excellent, or good ang internet speed sa ating bansa.

SP Sotto: Hindi kasi (unclear) Senator Honasan, knowing him, he does not want to lie, s conservative yun, yung pagkakasabi niya, conservative niyang sabihin na hindi niyang masabi, masama eh. Hindi niya masabing ganoon, kulang pa, nangangailangan kami, (unclear), hindi niya masabing ganoon, so sinabi niya not so bad. Ano lang yun, conservative statement ang kanyang ginawa. Kesa naman magyabang na hindi naman totoo, sabihin niya, ayos, ha? Knowing him, ayaw magsinungaling.

Q: Naging honest lang si Sec. Honasan.

SP Sotto: Naging honest lang siya, oo.

Q: But you are confident na kaya naman niya gawin yung trabaho niya, para mapa (unclear) yung internet speed and connection sa bansa?

SP Sotto: Oo naman, magaling mag aral yun at saka ang daming nakapaligid doon na mga eksperto. Talagang ano lang tayo, kailangan lang ng funding para maimprove talaga natin yan, funding. At yung telcos, dapat makisama ng mabuti, iimprove yung mga kagamitan, iimprove, damihan ang mga cell sites. Tingnan mo yung number one problema natin, yung cell sites. Ang cell sites sa Pilipinas, 17,000 to 18,000 lang, hati pa sila, Smart and Globe. 105 million Pilipinos, 100 million ang gumagamit ng prepaid at saka ng mga postpaid na mga telepono, ganyan, internet, marami yan. 17,000 to 18,000 lang, hati pa sila. Ang Indonesia, ang population ng Indonesia, 200 million, halos doble natin, pero ang cell sites ng Indonesia, 100,000. In other words, kailangan mga 50,000 ang cell sites natin at least.

Q: Under Bayanihan 2, mapapabilis na dahil sa inintroduce na provision ni Senator Drilon?

SP Sotto: Oo, inalis natin yung pipirma, mga permit-permit kung saan-saan, inalis yun. Wag sila kaibahan doon sa sinasabi nung iba kasi na bakit daw sa mga kampo maglalagay ng cell site, ang tanong ko nga sa kanila, saan ba nakalagay ang mga cell site ng Globe at Smart? Sa mga kampo rin, di ba? Bakit? Kasi yun ang pumapayag. Yung mga association, mga village, ayaw, kaya yun mga pwede. Ngayon, eh bakit, ito raw baka Chinese yung company. Apparently, hindi ninyo alam, na yung Globe at Smart, ang backbone, Huawei. Yun din yun. Kahit ilabas mo pa ng kampo, sa tingin mo, sa mga technology ngayon, one kilometer or two kilometers away, hindi ka kayang imonitor kung gusto kang imonitor, di ba?

Q: Mas mabuting nasa kampo, mabantayan ng military.

SP Sotto: Oo, safe pa nga kaya gusto nila rin doon, kasi hindi mapeperhuwisyo, lalo na nung mga alam mo na, nice people around, di ba? (Unclear) pag hindi, peperhuwisyuhin yun. Bakit, hihingan ng tax, di ba? Peperhuwisyuhin yung cell site. Pag hindi nagbigay, peperhuwisyuhin yung cell site, di ba? Hindi naisip ng iba. Basta akala lang nila, nangbintang kaagad, masama kaagad yung ano.

Q: Sa tingin ninyo there is no need to conduct an inquiry on the agreement na pinasok ng AFP with DITO?

SP Sotto: Palagay ko pag narealize nila na dapat noon pa nila inimbestigahan ang Globe at Smart kung bakit ang backbone ay Huawei at bakit nasa mga kampo. Pag narealize nila yun, titigilin na nila yun.

News Latest News Feed