Press Release
September 20, 2020

Transcript of Senator Nancy Binay's interview
on dzRH Teleradyo (hosted by Milky Rigonan)

Milky Rigonan (Q): Maraming mga private schools ang magsasara o nagsara na Senator Binay?

Sen Nancy Binay (SNBA): Nalaman natin sa hearing na apparently yung mga private schools wala pang 50 percent ang bumalik kaya sa sobrang baba, e maraming private schools ang nagsara. Kaya nga dun sa Bayanihan-2, nagkaroon ng provision doon na magbibigay ng assistance sa private schools. Pero syempre gusto din natin na sa regular budget sa 2021 ay mayroon din tayong maibigay na tulong sa kanila.

Q: Yung subsidy na ito nakalaan ba ito sa budget ng CHED o DepEd sa 2021 proposed national budget?

SNBA: Meron kasing existing na program yung voucher program kung saan yung mga estudyante pwede sila magenrol sa private schools at bibigyan sila ng vouchers ng pamahalaan at iyon yung pwede nila ipambayad. Ang nakakalungkot, nabawasan pala ang funding dito so mababawasan din ang beneficiary sa ganitong programa. Isa sana ito sa mga puwedeng tulong sa private schools dahil na imbes na magsiksikan sila sa private schools e pwede nilang gamitin yung ready na facility ng private school.

Q: Pero di ba malaking pondo din ng DepEd ang nakaltas at may problema din ang CHED sa kakulangan sa subsudy for private schools na magsasara this school year?

SNBA: Actually, malaking problema natin for 2021 yung budget dahil kumbaga sa kumot napakaiksi na. Ang nagiging problema ngayon is yung right mix kung saan marami ang matutulungan dahil hindi lang naman DepEd ang nangangailangan ng pondo. Isa din sa nabawasan ng pondo yung DOH for the enhancement facilities nila so isa yun sa malaking hamon kung papaano mapagbibigyan ang lahat.

Q: Sabi nga ni Sen. Angara, hahanapan ng pondo. Kasi siyempre ayaw din nating magpataw ng buwis dahil hindi napapanahon ngayong may pandemic.

SNBA: Tsaka pag nagpataw tayo ng buwis, I think walang kakayahan ang ating mga kababayan na magbayad ng additional taxes. Ang malaking kawalan jan number one maraming OFWs ang nawalan ng trabaho. Marami din tayong mga kababayan, di ba ang projection nga is 3-4 million ang mawawalan ng trabaho by next year. So more or less 3 to 4 million yan na walang kakayahan magbayad ng buwis.

Q: Punto mo sa hearing na kaya maraming hindi nagenroll this school year is dahil tila walang jumpyansa ang mga magulang dito sa distance learning isama mo na dito ang problema sa internet connectivity. SNBA: Oo nga e. Whether sa CHED o sa DepEd talagang problema yung connectivity kaya nga niraise ko sa Deped hearing di ba ngayon yung mga LGUs at private companies nagraraise ng pondo para mabigyan yung mga estudyante ng gadgets pero ang problema ngayon is kung wala namang internet connection. Kung wala namang internet connectivity so yung konsepto ng face toface kearning through technoogy mukhang malabo pa rin. Di pa rin siya ganoon kafeasible dahil may connectivity problem tayo.

Q: August nag-start na ang mga private schools at sa October naman ang mga public schools so lalo tayong magkakaroon ng issue pagdating sa connectivity...

SNBA: Actually, tingin ko Milky, sa mga public schools tingin ko baka hind muna sila mago-online base sa mga narinig ko sa hearing, mukhang combination of printed materials tapos meron silang mga TV stations na tinap na may schedule yun na mapapanood nila si teacher na nageexplain dun sa lesson plan.

Q: Yung mga magulang at estudyante may choice sa public school either yung printed material or kung may panahon sila to go online depende sa schedule na gagawin.

SNBA: Parang I think sa first three months mukhang least priority muna ang online kasi unang una may kakulangan pa sa gadgets kasi hindi naman lahat ng teachers may magagamit na laptop or tablet. Tapos nakikita ko na problema based sa experience ko bilang magulang na pagdating sa paggamit ng technology, buti na lang meron akong nakakatandang anak na nakakaintindi kung papaano ba maglogin. Ano ba yang google classroom na iyan, bakit hindi makaconnect, ano ba kelangan gawin. Ang hirap. Ako aminado ako na nahihirapan ako on my part kung papaano ko matutulungan ang mga anak ko. What more pa yung mga kababayan natin na read and write na nga lang di nila matulungan ang mga anak nila.

Q: At hindi ganoon ka hightech ang gamit nila.

SNBA: Yun din. Sa bahay mismo sino ang magpro-provide ng technical knowledge doon sa paggamit noong gadgets. Yung pag-trouble shoot, bakit biglang nawala, bakit di makapasok sa Google classroom, saan mo hahanapin yung lesson plan. Baka maganda toward the yearend unti unti na ineequip ang mga magulang at estudyante kung paano gagamitin ang mga tablet at mga computer na iyan.

Q: Yung pahayag naman ni DICT secretary Gringo Honasan tungkol sa issue ng internet connectivity?

SNBA: I think ang pinanggagalingan ni Sen. Greg, if you compare it a few years back, malaki na ang tinalon at imporvement compared to before so I guess naging relative ang point of comparison ni Senator Honasan. Pero, syempre, if you compare it to our ASEAN neighbors kulang.

Q: Ano po update sa third telco natin at sa existing telcos na mag-improve ng service?

SNBA: Una malaking tulong ngayon na may policy yung executive na kung saan dapat yung kapag may nag-apply na mga telco for towers hindi na pwedeng patagalin. Kasi isa yun sa reklamo ng mga telco, gusto namin magtayo, kaso lang inaabot ng siyam-siyam ang application namin.. So nade-delay nang nade-delay ang roll-out nila for towers. So, hopefully, dahil nabigyan na ng directive, mapapabilis na tuloy ang pagpapatayo nila ng mga towers.

Q: May direktiba ang Office of the Ombudsman ngayon na ipagbabawal na daw ang pagsasa-publiko ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga government officials.

SNBA: Kami naman, di ba, every year nire-report namin. In fact, di ba humihingi naman kayo ng access di ba? I think naglalabas naman si Secretary Myla (Villarica), so on the part of the Senate, there, is access. Hindi ko alam kung ano yung naging policy na rin siya ng Ombudsman, kung bakit nasabing ganun. Pero ako, hindi pa naman eh, parang may certain group lang na pwedeng mag-report, pero pwede pa din. Na-limit lang.

Q: Kasi dapat masusunod ang 3 provisions ng ruling ng Ombudsman para ma-issue ang SALN ng government officials. Ang sabi naman ng ibang grupo, it's a public document, na dapat di daw pinipigil ang pagsasa-publiko nitong mga dokumentong ito.

SNBA: Tingin ko nga maganda baka dapat linawin, I don't know kung kailangan i-amend sa batas, para mas malinaw talaga ang access sa SALN.

Q: Sen. Binay, sa 2021 inaasahan na hindi pa ganap na makakausad ang ekonomiya natin resulta ng Covid-19 pandemic. Ang Senado ba hahanapan pa rin ng pondo itong 4Ps?

SNBA: Ah, oo.

Q: Ang ayuda pala, iyong SAP. Kasi ang sabi, di ba, ng DSWD, hindi na daw sila magbibigay ng special amelioration program, iyong ayuda, ngayong panahon ng pandemya?

SNBA: Isa iyon sa tinitingnan kung paano maipagpapatuloy itong SAP. Pero, para kasi sa akin it should be a combination of assistance. Kasi iyong SAP, dole-out iyon, di ba? Pero siguro maganda din na kumbaga turuan mo silang mangisda. Baka may programa na kung saan pwede silang kahit papano kumita to survive ang daily needs nila. Kasi hindi sustainable ang dole-out, eh. At some point hindi kakayanin na kumbaga isang taon silang bibigyan ng dole-out. Mas maganda, I think marami rin naman sa mga kababayan natin, na mas gusto nila iyong kumikita sila kesa doon sa naghihintay lang sila ng ayuda.

Q: ..ng tulong mula sa gobyerno. Kung minsan, hindi pa nakakarating sa kanila. Ito pa ang malaking problema natin, Sen. Binay, ang paglobo ng populasyon natin next year, kasi nga tumataas daw ang mga insidente ngayon ng teenage pregnancy, mga nabubuntis dahil sa panahon ng lockdown.

SNBA: Iyon na nga, in fact doon sa hearing the other day, iyon nga ang pronouncement ng Population Commission na by next year talagang ang projection nila ay tataas. Kung tutuusin, dagdag na naman sa problema dahil maraming mawawalan ng trabaho and at the same time, marami na naman tayong papakainin at aalagaan. So isa iyon sa mga challenges na kailangan talaga, kumbaga, paghandaan and, ang expectation, ako nga, ang expectation nga lang for next year ay kumbaga survival. Kahit hindi na kumita, basta iyong mag-survive lang everyday, matugunan ang pangangailangan ng pamilya ko. So I guess, kumbaga, tipid-tipid muna.

Q: Anong sabi ng PopCom dito, Sen. Binay, anong gagawin, anong mga programa. Kasi, di ba, kontrobersiyal din kapag ipatutupad mo iyong ilang paraan para sa pagpa-plano ng pamilya?

SNBA: I guess kailangan talagang, baka kailangan din i-revisit iyong sa DepEd program, pagdating doon sa mga estudyante. Kumbaga talagang turuan sila na hindi mo ikaka-asenso ang maagang pagbubuntis, di ba? Isa iyon sa pwede nating isulong. And katulad ni Sen. Migz, nag-file din ako ng bill increasing the age of statutory rape. Kasi, di ba, paano naman, 10 years old nabubuntis na? For me, may abuse na naganap para mabuntis ang isang bata na 10-14 years old. So isa yan sa finile natin, iyong age of statutory rape.

Q: Ano ang edad doon sa bill mo, Sen. Nancy?

SNBA: Sa akin, 16.

Q: So almost pareho kay Sen. Migz, ano?

SNBA: Hindi ko alam kung 16 o 18 siya. Kasi may mga ganoong position, 16 or 18. Kasi iyong sa akin, 16. Hopefully maging deterrent yan sa teenage pregnancy.

Q: Sabagay, napaguusapan na sa plenary ang bill na ito, na taasan ang edad ng statutory rape.

SNBA: Parang hindi pa yata.

Q: Dapat talakayin na ito.

SNBA: Oo nga, eh. Dapat gawing priority measure.

Q: Anyway, maraming salamat sa mga paliwanag, Sen. Nancy, baka mayroon kang gustong mensahe ngayong Sunday ng umaga lalo na iyong mga nanay na ang concern pagdating dito sa edukasyon, distance learning.

SNBA: Una, Milky, maraming salamat. Siguro mananawagan na lang ako sa ating mga kababayan, kasi napapansin ko parang nagiging relaxed na naman ulit tayo pagdating sa laban natin sa Covid-19. Bilang isang magulang, lumalabas ngayon sa mga paga-aral na pwedeng magka-Covid ang mga anak natin. Kasi, di ba at the beginning lumalabas ang mga vulnerable lang, mga senior citizens, at mukhang hindi nakukuha ng mga mas bata. Pero ngayon, sa ibang bansa, parang mas kumakalat na ngayon doon sa younger age group. Kaya sa ating mga nanay, simple lang naman and very basic ang mga dapat nating gawin. Unang-una, kung kayang sa bahay lang, sana huwag na muna tayong lumabas. At magsuot ng mask, mag-practice ng safe distancing at saka iyong paulit-ulit na paghugas ng kamay. Na, in a way, iyong paghuhugas ng kamay medyo challenging kasi nga marami rin naman tayong households na wala naman talagang line ng tubig. In fact, hanggang ngayon may panawagan ang MWSS na magtipid tayo kasi iyong Angat water level hanggang ngayon hindi pa rin siya normal. So iyon ang kailangan nating balansehin.

Q: Maraming salamat, Sen. Binay.

SNBA: Maraming salamat.

News Latest News Feed