Press Release
September 23, 2020

Transcript of Teleradyo Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: On the decision of the Ombudsman to stop lifestyle checks

SFMD: Ganito, dating mahistrado sa SC ang ating Ombudsman. Ibig kong tingnan kung ano ba ang proposed amendment dito sa batas para mapalakas natin ang ating anti-graft law. Ang ibig sabihin, ganon din siguro ang intepretasyon ng ating mga mahistrado. Ang tungkulin ngayon ng lehislatura ay tingnan kung ano ang sinasabi ng ating mga nasa judiciary at pag-aralan kung paano mababago ang batas at ating iugnay sa present circumstances. Ang sinabi po niya ay 1987 pa ang batas sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kaya akin pong hinihiling sa Ombudsman, can we be favored kung ano ang proposed amendment sa batas para mapalakas at ma-update ang batas. I suspect that the view of the Ombudsman reflects the thinking of the SC dahil galing siya sa SC.

Q: Isa pang binanggit niya ang SALN na ginagamit raw sa panggigipit

SFMD: Alam mo sa SALN may provision doon na wine-waive ng pubic official ang secrecy SALN kung hindi ako nagkakamali. Kasama po iyang sinasabi ng Ombudsman sa dapat nating tingnan para mapalakas ang batas.

Q: Hindi ho ba kapag kayo ay official, transparent po kayo pagdating diyan?

SFMD: Tama po iyan, transparency ang ating hangarin, kaya ating titingnan yung existing law kung ano ang magagawa natin para mapalakas natin ang prinsipyo ng transparency. I would like to see specific proposals from the Ombudsman.

Q: Sen. Drilon, nabanggit po ninyo na magkaroon ng top-to-bottom revamp sa BI

SFMD: Tama po iyan. Nagulat po ako sa balita na yung mismong investigator sa NBI ay nangingikil doon sa mga respondents. Kaya po yung whistleblowers na si Alex Chiong sinasabi niya na hindi nakasama yung mga bosses sa kaso. Kaya pa hindi nakasama ay humihingi ng suhol itong NBI official na si Capiral. Ito ay talagang nakakahiya. Bantay salakay ang tawag dito. Yung inatasan na mag-imbestiga sa katiwalian sila yung gumagawa ng katiwalian. Sa atin, dapat sampabahan ng NBI ng disbarment case itong si Capiral. Nakakahiya po ito sa aming propesyon. Kami ay naatasan ng aming propesyon na tanging katotohanan ang ilabas. Si Capiral wala na siyang ginawa kung hindi corruption at ito ay nagpapakita kung gaano kalawak ang nangyayari sa ating paligid.

Q: May plano po ba kayo sa senado na imbestigahan din itong NBI dahil sa lumabas na ganito?

SFMD: Ang imbestigasyon ay nararapat lamang kung mayroon talagang widespread na pangyayari. Pero kung mayroon ebidensya na nagpapakita na ito ay tamalak, susuportahan ko po ang malakawang imbestigasyon. Ngunit sa ngayon sa tingin ko ay wala pang ebidensya na ito ay malawakang nangyayari sa NBI. Sa akin itong si Capiral ay sampahan ng kasong criminal, paalisin at sampahan ng kasong disbarment. Kung hindi mapigil ito, lahat na lang ay maniniwala na pwede silang maglagay para sila maabswelto sa kaso. Ito po ay nakakahiya. Isa itong dahilan kung bakit nawawalan ng tiwala ang mamamayan sa pamahalaan pa sugpuin ang katiwalian.

News Latest News Feed