Press Release
September 26, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Jarius Bondoc of DWIZ

On possible emergency powers for the President regarding red tape.

SP Sotto: Well, pwedeng sabihin ng iba na parang emergency powers yun, pero hindi. Technically we are giving him authority to streamline the present system pagdating sa mga bigayan ng permits, ng mga processes, mga procedures, applications, licenses, clearances, certifications, authorizations. Meron kasing mga simple transactions sa gobyerno, whether local, national, (unclear), whatever that is, yung mga simple transactions ilang araw lang dapat yan. Meron ding inaabot na medium up to longer time transactions which is mga 40-45 days. Pagka ganoon yun yung nireklamo ng Presidente. If you will recall, last week pinatawag ako at pagdating ko doon pinatawag din si Speaker Cayetano. Ang number one reklamo nya, aside from pinagusapan namin yung PhilHealth sandali, ang number one reklamo niya, paano ba natin susugpuin talaga itong corruption sa gobyerno. Hanggang ngayon, report daw sa kanya kukuha lang ng permit, aabutin ng ilang araw. Yung ease of doing business, ginawa na naming batas which is parang amendment to the ARTA or the anti-red tape bill, parang tingin niya kulang. At saka dapat yun, binigay mo three days, three days dapat makukuha mo na yun, yung permit. Pag hindi binigay sa iyo in three days, ang gusto niya, good as approved. Kasi nga daw, doon nanggagaling yung lagayan, ang matinding corruption doon nangyayari. So, itong binibigay namin sa kanyang authority, napagusapan naman namin at naramdaman ko doon sa sinasabi niya na kailangan ganito, ganyan. So nung kinunsulta ko yung leadership namin sa Senado, which include Ralph Recto, Migz Zubiri, Frank Drilon and then of course Senator Lacson who was the principal author of the anti-red tape bill, matagal na yan.

Q: (Unclear) kulang pa pala yun.

SP Sotto: Kulang pa. Yung ease of doing business medyo na-center, mga high level type ng mga gusto nating mga investor na pumasok. So ngayon, sinabi ko sa kanila yan at ang idea ko is, kanino natin ibibigay ito? Bigyan natin ng powers ang Presidente. Give him the authority na baguhin na during the times of emergency, kasi (unclear) sinasabi rin si Migz Zubiri na hindi ease of doing business, nandoon naman yung mga proper procedures pero in times of emergency katulad nito, and then may nakarating kay Presidente na maraming foreign investors na pinagpipilian Vietnam, Thailand, Philippines. So ang sinasabi dito at pinoint out ko rin sa Pangulo, yung Thailand at Vietnam hindi dapat kalaban yan, dapat yan takot sila kasi diyan, parang martial law. Medyo mahigpit ang pagpapatakbo ng gobyerno doon, pag sinabi ng gobyerno doon magsara ka, sarado ka, hindi ba? Eh dito sa atin, democratic, Mr. President, sabi ko. Ang talagang kalaban lang sa atin dito, ang nawawalan sila ng gana, dahil sa corruption. Hinihingan ng kung anu-ano eh di ba? From way up to way down, hanggang barangay, Yun ang nakita namin, so gusto nating makuha yan, alisin natin yan. Yan ang mentality ni Presidente, alisin natin yang corruption na yan, so padaliin natin ang pagkuha nila ng permit, clearances, authorizations, certifications, mga ganoon.

Q: Meron kasing mga bagong patakaran ngayon, precisely because of the pandemic, para maka-adapt ang mga ahensiya at may mga taong nahihirapan diyan kasi hindi sila connected online, for instance, magpapa schedule kayo ng pagpaparehistro ng sasakyan, may online registration, nahihirapan yung mga tao doon na hindi marunong. That is the problem. I do not blame the LTO, kasi dapat ding ganoon, gawa nung naka 50 percent force lang sila halimbawa, papasok sila dahil nag-aalala rin sila na baka magka hawa-hawa yung mga tao sa opisina nila, di nag 100 percent closure naman sila, yun ang problema. And another thing, nababalitaan ko, sa Customs, may mga bagong impositions sila kasi hirap na hirap mag raise ng pondo ang Customs. I am not attributing this to corruption but yung kailangang-kailangan nilang mag raise ng revenues, may mga bagong patakaran sila na inaangal naman ng mga brokers at saka mga importers, halimbawa, magkaroon ka lang ng isang maliit na typographical error doon sa entry mo n a sinubmit sa Customs, may $100 fine kaagad yun, multado ka kaagad, P5,000. (Unclear) kung araw-araw daw kung mamultahan sila, sapin-sapin na.

SP Sotto: Kaya nga. I don't mean to demean or to diminish the intentions ng mga ganyan, kahit yung sa LTO yung problema nila because of the crisis, the pandemic, hindi natin minamaliit yun, or minamasama, kaso, it opens the door for more corruption. Nabubuksan lalo, lalong napapalala. Di ba ganoon nga yung mga feedback sa amin nung araw, tinataasan namin ng penalties sa mga violations, ang siasabi sa amin, hindi naman kami matatakot, matatakot kami sa humihingi n g lagay, mas malaki ang hinihingi na lagay, sabi sa amin.

Q: (Unclear).

SP Sotto: In the meantime, ito, ang nakikita namin dito, forgive me ang tingin ko dito parang band aid ito pero effective na band aid ito, kasi ang gusto namin, during the time of emergency lang muna, hanggang kailan nakadeklara ang Presidente ng emergency.

Q: One year po yun?

SP Sotto: Oo, hanggang 2021 pero it does not preclude the President from declaring it up to 2022, pag hindi pa solved ito, walang pang vaccine, wala pa talagang effective cure. Pwede niya iextend, but at the moment, ang hitsura ng bill namin, Senate Bill 1844, eh ano yan, hanggang 2021, December. It authorizes the President na i-accelerate niya or i-streamline niya ang mga proseso, i-accelerate niya, whether it will be on the national level or sa local level, kasama pati mga council. Pag sinabing one day, bigyan ninyo ng permit, bahala siya, diskarte ng Presidente yan. We are giving him the authority to remove or suspend employees who will not follow the orders. Of course, syempre nandoon naman ang DILG (unclear) ang tingin ko kasi pati sa barangay, di ba nakikita mo naman, isang permit na pwedeng makuha sa loob ng 30 minutes, pababalikin ng ilang araw. Marami rin naman akong naririnig na natutuwa na isang pasok lang ng...kakilala ko halimbawa, pupunta siya sa isang sa Laguna, kailangan niya muna ng ano sa sarili niyang barangay para makalabas, ang dali daw, sabi niya nagulat nga ako, akala ko kung anu-ano ang hihingin sa akin, wala pang kalahating oras tinatawagan na ako na sir, nandito na, balikan ninyo na. Yun yung mga permit na konektado sa pandemic, yung sinasabi ninyo, yung para makalabas siya, parang identification, wala rin akong masyadong naririnig na problema diyan. Ang sinasabi naming permit, yung mga pag gagawa ng negosyo or magtatayo ng negosyo.

Q: Halimbawa, doon sa mga telcos.

SP Sotto: Oo, naku ung cell site.

Q: Pero ang sabi naman ng DICT at secretary of interior and local government, kaya naman nilang gumawa ng mga procedures para mabawasan yung mga ganyan.

SP Sotto: Hindi lang, binigyan namin sa Bayanihan 2. Nasa Bayanihan 2 na yan, wag nilang sabihin na hindi namin nilagay. Nilagay namin doon sa Bayanihan 2. Inalis namin lahat yun, dati limang signatures, isa lang. (Unclear) sa mga telcos ha?

Q: Hindi ba yung mga ganoon, hindi pa ba sapat yun para sa Executive Branch na pag nag declare ng state of calamity, tulad nito inextend ni Presidente yung state of calamity from September 2020 to September 2021, di ba maraming mga suspended na mga procurement rules na pwede mo ng ishort-cut para mapabilis dahil emergency?

SP Sotto: Correct, pero again, yung may hawak, yung si Juan dela Cruz na may hawak ng papeles, hindi nawawalan ng pagkakataon na may nagreklamo sa atin na sasabihin parang kulang itong mga papeles mo, bumalik ka bukas or bumalik ka sa makalawa, hindi mawawala yung ganoon, unless, ito nga, binigyan natin ng authority ang Presidente at matakot sila. Tanggal ka kaagad. Hindi mo agad binalik? Ibigay mo kaagad yan, ganoon yung mentality niya. Yun ang sinasabi niya sa amin, kami naman, pinagbibigyan namin siya dito sa kahilingan niya na ito.

Q: Kasi yun nga ang nakakatakot, pagka magbigay ng mga ganyan, lalong maabuso rin na ma-overprice yung kung anu-anong mga...

SP Sotto: Well, hopefully not, especially now during the pandemic kaya nga limitado itong binibigay nating authority ng Presidente. That is why we do not want to call it emergency powers. Special authority to suspend or waive requirements, pag secure ng mga licenses, permits, clearances, certifications, authorizations, mga ganoon lang. Gusto nga natin, ma-accelerate, gusto natin ma-streamline yung proseso, at habang interesado yung mga... kasi itong area na ito, tayong lahat, Vietnam, Thailand at kung anu-ano, lahat tayo may problema sa pandemic kaya table tayo doon sa laban na yun. Ang laban natin sa kanila, sa foreign investors na gustong pumasok sa atin democratic yung bansa natin pero ang problema, ang reklamo nila, ang hirap kumuha ng permit sa inyo, corrupt yung ibang officials ninyo, yung iba, hindi ko naman sinasabi nilang lahat. Ayaw nila ng ganoon, samantalang ang Thailand nga at ano, dictatorial. Bigyan mo ng permit yan, bigay, ganoon, Gusto nila makapasok lahat doon, Ito yung puntong ano ba ito, pwedeng sabihing between the devil and the deep blue sea.

Q: May nagsasabi naman, eh kasi pro-China tayo kaya yung mga umalis sa China, ayaw lumipat dito dahil baka probinsiya naman ng China ang lilipatan natin.

SP Sotto: Hindi naman siguro. Yun nga, yung mga nag-aalisan na yun, aba ay maganda sa atin. Doon sa China, hirap na hirap sila, kaya lang mura. Ang mura kaya nila gusto doon. Mura lahat.

Q: (Unclear) may imposition doon every year, 10 percent dapat iincrease ng mga labor.

SP Sotto: Ayan, oo. Dito sa amin ngayon, meron kaming pinapasang CREATE. Yung CREATE, ano yun, lowering the corporate income tax, from 30 magiging 25 percent. Maganda itong mga come-on natin sa kanila, yun nga lang, alisin natin yung corruption sa gobyerno.

Q: Pero it has to do also with the speed of executive actions. Parang naaalala ko lang, kaiimbestiga lang sa PhilHealth, yung Executive Branch, matagal ng sinabihan dito, i-streamline ninyo na yan. Mahigit isang taon na ang nakalipas ng imbestigahan ng Senado itong PhilHealth, hanggang ngayon pinanatili yung mga opisyales doon.

SP Sotto: Yes, isa sa mga nilagay namin sa special authority ng Presidente. He is given the authority to remove or suspend a government employee who does not follow the order in relation to the streamlining of the processes or applications of permits and licenses. Kasi ayan, example yung PhilHealth na sinabi mo. Yung isang regional vice president, sinuspinde ng executive nila, ng board nila, pumunta sa korte, kumuha ng TRO. Yung isa naman nililipat, ayaw magpalipat. Nakarating sa Civil Service ang reklamo, nakarating ng korte ang reklamo, at hanggang ngayon, hindi mailipat, yung mga ganoon. Pero when you give the authority to the President to something like that, in relation doon sa sinasabi naming binibigay namin sa kanya, mga (unclear) yun, (unclear) yun. So hopefully it will be able to solve that particular problem pero ba na yung sitwasyon ng PhilHealth, kasi sa PhilHealth inaasahan namin hindi na mapapa (unclear) yung dati na pinalitan lang si Ferrer, naiwan yung buong executive committee, (unclear) with corruption. Wala ring mangyayari doon, kahit palitan mo yung ulo, dahil yung ibaba ay tagilid. Ano ang nangyari? Ganoon nga, ganoon pa rin, nadamay pa nga yung mga bagong upo.

Q: Pero pagkatapos nitong pangalawang imbestigasyon ninyo, mas matindi nga yung ginawa ninyo ngayon, nakikita ninyo ba na may pagbabago kasi kabado ang mga tao dahil yung PhilHealth, diyan nakasalalay yung kanilang kalusugan din?

SP Sotto: Doon ako gigil na gigil, kaya ako, nung pinaguusapan nga namin yan, sabi ni Senator Lacson, Committee of the Whole para si SP ang chairman. Kasi nga gusto namin na mas madiin, isipin ninyo yung mga kababayan natin, ulanan, arawan, nakapila sa mga pilahan ng mga ospital para makakuha ng PhilHealth, pagkatapos malalaman mo na imbes na makarating sa tao yung dapat na ibibigay kaagad, kasi ang mga ospital, kapag bayad sila lagi ng PhilHealth, magaan din magbigay. Magaan tumulong or magaan sa gamutan. Pero kung yung ospital, puro nakabaon sa utang yung PhilHealth sa kanila, (unclear), o eh ano ang nangyayari, napakaraming ospital na hingi ng hingi ng reimbursement or ng mga claims nila, bitin na bitin, hindi nakakarating. Pero merong mga ospital na wala namang pasyente kungdi isang Covid patient, P200 million ang ibibigay mo, advance? Merong P168 million advance? Meron kang mga dialysis center na walang mga pasyenteng dinadialysis, hanggang 90 percent capacity ang binabayaran mo? Milyon-milyon and in seven days bayad? Kawawang kawawa ang mga kababayan natin na walang inaasahan kungdi PhilHealth, walang pampagamot at kaya nga ako gigil na gigil doon. Ibang klase nga yung nangyaring yun, dahil studies mismo ng PhilHealth ang aabutin nilang gastos na kailangan nila para doon sa sinsasabi nilang interim reimbursement mechanism, sa studies nila, hanggang December 2020, P3.3 billion ang kakailanganin lang nila, aside from the regular talaga na mga claims. P3.3 billion set aside for Covid. Ano ang ginawa nila? Ang inallot ay P28 billion. Pagkatapos from March, April, May, June, four months, gumastos ka na ng P14.8 billion? Aba'y grabe. Sobra-sobra talaga, wala sa hulog kaya nga in the first place, it was illegal on day one sapagkat ang PhilHealth is an insurance corporation. Ngayon lang ako nakarinig ng isang insurance company na nagbibigay ng advance. Nag insure ka ng kotse mo, pagkatapos ang insurance ng kotse mo, let's say full coverage, halaga ng kotse mo P1.5 million, ibibigay na kaagad sa iyo ng insurance mo yung P1.5 million pagka pasok mo sa kanila, hindi ka pa nababangga? Hindi ka pa nababangga bibigyan ka ng P1.5 million? Ganoon yung reimbursement mechanism nila.

Q: Mababawi ba yun sa mga private hospitals?

SP Sotto: Kasama doon sa rekomendasyon ng Senado na mag liquidate kayo, lahat ng hindi ninyo maliquidate, ibalik ninyo.

Q: Sana within seven days din.

SP Sotto: Sana, I wish.

Q: Sinasabing mamamatay na daw itong PhilHealth dahil nauubos na yung pera?

SP Sotto: Hindi naman mangyayari yun, ang idea nga ng Presidente nung una, iabolish na, kung pwede raw iprivatize, kaya nga hindi naman sa pag ano pero sabi ko sir wag muna siguro, alam ninyo naman ako, gigil na gigil ako diyan pero wag naman muna, baka mabigla. Sabi ko okay naman itong inupo ninyo, si Dante Gierran, tingnan muna natin, bigyan ninyo hanggang December, sabi ko. Baka kako tumino, makita kung ano yung mga masasama, (unclear) masamang gawain, baka naman tumino, eh di ayos, sabi ko. Pero kung hindi, then saka natin pagusapan yung privatization. Pero don't worry, sa mga kababayan natin, wag tayong mag-alala dito sa 2021 budget, pinaguusapan namin at ako ay kinausap na rin ni Sec. Wendell Avisado, DBM natin, meron tayong allotment na P71 billion para sa PhilHealth, at saka maraming pang natitira ang PhilHealth, may pondo, talagang masama lang ang pag gamit. Kaya nga napigilan na natin yun, pipilitin nating mabawi yung iba, kung hindi man, we can help. Government will be able to help our own corporation.

News Latest News Feed