Press Release
September 28, 2020

RE: Social Weather Stations (SWS) Survey on hunger incidence
SEN BONG GO's STATEMENT:

Maraming mga kababayan natin ang nagutom dulot ng epekto ng pandemya sa ating kabuhayan noong nakaraang mga buwan. Maraming nawalan ng trabaho, may mga negosyong nagsara, at naging limitado ang galaw natin upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Mahalaga na ngayon ay dahan dahang binubuksan na ang ating ekonomiya at patuloy rin ang pagbigay ng tulong ng gobyerno. Maliban sa mga recovery measures na itinakda ng Bayanihan to Recover as One Act, may mga programa rin ang DTI, DA, DSWD, TESDA at iba pang ahensya upang makabangon tayo muli, maibalik ang sigla ng ating kabuhayan, at masiguro ang food security sa bansa.

Habang wala pang bakuna sa COVID-19, patuloy po tayong mag-ingat. Ang pera po ay kikitain natin muli kung magsikap lang tayo. Pero ang buhay ay hindi po nabibili ng pera. Unahin po natin ang mga mahihirap at siguraduhin natin na makarating sa kanila ang tulong mula gobyerno para maiwasan ang gutom at tuluyan nating malampasan ang krisis na ito.

News Latest News Feed