Press Release
September 30, 2020

Gatchalian seeks to improve quality of teacher education, training

Senator Win Gatchalian has filed Senate Resolution No. 526 seeking a Senate inquiry on the quality of teacher education and training in the country, including the performance of Teacher Education Institutions (TEIs).

The quality of teacher education and training and the performance of TEIs eventually reflected in the learning outcomes of students, Gatchalian said, citing the results of the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA). The global survey revealed that out of 79 countries, the Philippines ranked lowest in Reading Comprehension and second lowest in both Science and Mathematics.

The senator also cited a Congressional Commission on Education (EDCOM) report which stated that the teachers' poor performance is due to poor teaching training, low quality of students enrolled in teacher training, and meager opportunities for professional development.

Gatchalian emphasized that despite the creation in 1994 of the Teacher Education Council (TEC) and the National Educators Academy of the Philippines (NEAP) in 1992, the training for distance learning, which is a Twenty-First (21st) Century skill that a teacher should readily possess, has only commenced this year due to the COVID-19 pandemic.

TEC is tasked to design collaborative programs for pre-service teacher training, in-service training, re-training, orientation, and teacher development. NEAP, for its part, is mandated to provide the learning and development needs of the increasing number of teachers and school leaders by streamlining professional development.

To date, 620,794 out of 800,000 teachers have been trained for distance learning, the Department of Education (DepEd) reported.

Even before the pandemic hit, Gatchalian said teacher quality has already been a challenge in the country, pointing to the results of the Licensure Examination for Teachers (LET) in previous years. Between 2014 and 2019, the elementary teacher licensure examination results showed that the average passing rate was only 28 percent while results of the secondary teacher licensure examination showed that the average passing rate was only 36 percent.

The expertise of teachers is another cause for concern, Gatchalian said. Elementary and high school teachers are not equipped to teach considerable portions of the K to 12 curriculum, results of the World Bank's Philippines Public Education Expenditure Tracking and Quantitative Service Delivery Study (PETS-QSDS) revealed. Except for English elementary teachers, the average elementary or high school teacher could correctly answer fewer than half of questions on subject content tests.

"Ang husay at kaalaman ng ating mga mag-aaral ay nakasalalay sa kahusayan at kahandaan ng ating mga guro. Upang mai-angat natin ang kalidad ng edukasyon sa bansa, kailangang masuri natin ang edukasyon at paghahanda na natatanggap ng ating mga guro upang masiguro nating handa silang tugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

###

Panukalanang suriin ang edukasyon, pagsasanay ng mga guro isinusulong ni Gatchalian

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng isang pandinig sa Senado upang masuri ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa.

Inihain ng mambabatas ang Resolution No. 526 na layong matukoy ang mga posibleng hakbang upang i-angat ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay na natatanggap ng mga guro. Sa kalaunan ani Gatchalian ay makatutulong ito upang mai-angat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon sa senador, sinasalamin ng kalidad ng mga guro ang kaalaman ng mga mag-aaral. Matatandaang sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment o PISA, ang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa pitumpu't siyam (79) na mga bansang lumahok sa naturang pag-aaral pagdating sa Reading Comprehension o pagbasa. Pangalawang pinakamababa pa rin ang Pilipinas pagdating sa Science at Mathematics.

Binalikan din ng senador na sa ulat ng Congressional Commission on Education (EDCOM), ang kakulangan sa performance ng mga guro ay dahil sa kalidad ng pagsasanay o training na kanilang natatanggap. Ayon pa sa ulat, kulang din ang mga natatanggap na mga oportunidad ng mga guro pagdating sa professional development.

Binigyang diin ni Gatchalian na sa kabila ng pagkakatatag ng Teacher Education Council (TEC) at National Educators Academy of the Philippines (NEAP) ilang taon na ang nakakaraan, ngayon lamang nagkaroon ng pagsasanay para sa distance learning dahil sa COVID-19. Kung tutuusin, maituturing na 21st Century Skill ang kahandaan para sa distance learning na dapat ay taglay na ng mga guro.

Mandato ng TEC na magdisenyo ng mga programa para sa iba't ibang antas ng training para sa mga guro mula sa kanilang pag-aaral hanggang sa kanilang pagtuturo. Ang NEAP naman ay itinuturing na professional development arm ng Department of Education o DepEd.

Sa ngayon, hindi pa lahat ng guro ay nakapagsanay na para sa distance learning sa darating na pasukan o higit anim na daang libo (620,794) sa walong daang libong (800,000) mga guro.

Kung susuriin ang mga resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) nitong mga nakaraang taon, nakakabahala na ang kalidad ng teacher training bago pa tumama ang pandemya, pahayag ni Gatchalian. Mula 2014 hanggang 2019, ang average passing rate sa licensure exams ng mga guro sa elementarya ay dalawampu't walong (28) porsyento lamang. Sa high school naman, ang average passing rate ay tatlumpu't anim (36) na porsyento lamang.

Lumalabas din sa isang pag-aaral ng World Bank na kulang ang kahandaan ng mga guro sa elementarya at high school upang ituro ang malaking bahagi ng K to 12 curriculum.

Maliban sa mga English elementary teachers, ang mga pangkaraniwang guro sa elementary at high school ay hindi nasasagot nang tama ang kalahati ng mga tanong sa mga subject content tests.

"Ang husay at kaalaman ng ating mga mag-aaral ay nakasalalay sa kahusayan at kahandaan ng ating mga guro. Upang mai-angat natin ang kalidad ng edukasyon sa bansa, kailangang masuri natin ang edukasyon at pagsasanay na natatanggap ng ating mga guro upang masiguro nating handa silang tugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral," pagtatapos ni Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

News Latest News Feed