Press Release
October 2, 2020

DabigC interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Clovis Sabornido at Ryan Villarino ukol sa World Teacher's Day at Alternative Learning System

Q: Three days ago to go what do you think, ano yung preparedness nakita niyo sa DepEd ngayon three days to go before opening of classes?

SEN WIN: Unang-una nagpapasalamat ako sa mga guro at mga non-teaching staff dahil talagang napakalaking hamon ang paglulunsad nitong pagbubukas ng eskwelahan natin sa darating na Oktubre singko at marami ho talagang bago na hinaharap ang ating mga guro, tulad ng mga modules, pagiimprinta at pagdi-distribute para di tayo mahawaan. Kaya malaki po ang aking saludo at pagpapasalamat sa ating mga guro dahil kahit na ang hamon na ito ay nakakalula, hinarap pa rin nila ng buong puso para po maturuan at maipagtuloy ang pag-aaral ng ating kabataan. Sa aking pagaanalisa, pinakamahalaga dito yung boses at tinig ng ating mga guro, kinonsulta ko sila halos lahat, masasabi ko mga 80 to 85 percent ng ating mga eskwelahan, handa na at pag sinabi kong handa, nakaimprenta na yung mga modules, naka-distribute na yung mga modules at yung ating mga guro handa na ilunsad yung pagbubukas po ng klase sa darating na Oktubre singko. Sa darating na Monday, personal ko imomonitor ito, pupuntahan natin ang ilang eskwelahan para po makita natin mismo kung ano ginagawa ng ating mga eskwelahan sa pagtuturo at para maabot nila yung kanilang mga estudyante.

Q: Nakita namin dito sa Davao del Sur na meron kaming online learning, ang problema, may problema sa internet connectivity, may modular at broadcast, what do you think, ito na ba yung new normal?

SEN WIN: Magandang tanong yan, in fact yan yung tinanong ko sa DepEd kung ano yung kanilang forecast. Yung ina-analyze natin yung budget, nakita namin na itong budget sa darating na 2021 meron pa ring pondo sa pagimprenta ng modules. Ang ibig-sabihin ang pananaw ng DepEd sa 2021, malaki ang posibilidad na ipagpatuloy itong distance learning. Nabanggit po ng ating kalihim ng kagawaran po ng edukasyon na sa darating na Enero ay magkakaroon na ng face-to-face learning pero ito ay nakadepende pa rin sa sitwasyon natin. sana lumabas na yung vaccine by December at pwede na ito gamitin ng ating bansa para bumalik na sa normal ang ating pamumuhay pero kung hindi pa dapat maging handa din tayo lalo na sa pondo at sa tulong na bibigay natin sa ating mga guro. Tama kayo, natutuwa ako dahil nabanggit ninyo kanina diyan sa Davao del Sur ang ating mga guro ay gumagawa ng paraan through broadcast at tama rin sinabi ninyo, tatlong pamamaraan yan; modules, online kung kaya at broadcast kung kaya. Marami sa ating mga school districts ay ginagamit yung broadcast. Dito samin sa Valenzuela ang gamit namin Facebook Live dahil tinanong namin yung mga magulang lahat sila may Facebook, alam mo naman sa atin mahilig mag Facebook, mahilig sa tsimisan, kaya ginamit namin ang Facebook Live sa pagtuturo. Sa Lunes, for example grade 2, Mathematics so manunod kayo ng alas diyes hanggang alas onse, ang magtuturo sa Facebook Live yung pang grade 2. So gumawa kami ng studio sa aming mga eskwelahan at doon nila ibro-broadcast. Pwede rin ito i-review dahil iuupload namin ito sa Youtube. So yung mga magulang pwede nila i-review ito pag kailangan pa i-review, kailangan mapanood ulit ng bata para kaya nilang gawin ito sa kanilang oras.

Q: Teacher po ba kayo dahil napaka hands-on niyo po?

SEN WIN: Hindi po, matagal kasi ako naging Mayor, nine years ako naging Mayor tulad ng ating Presidente, si Pangulong Duterte, matagal na si Mayor, 23 years at kung Mayor ka alam mo yung nangyayari sa baba at hands-on ka, wala kang choice kung hind imaging hands-on at madalas kong kausap yung ating mga guro at superintendent kaya sila po yung nagbibigay sakin ng feedback sa mga nangyayari.

Q: Author daw po kayo ng ALS, ano pong update dito sa ALS?

SEN WIN: Marami talagang natigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan lalo na noong nag K to 12 tayo maraming nagsabi na mag trabaho na lang keysa mag-aral pa ng senior high school. Ngaoyn, para makakuha ng disenteng trabaho, trabahong pwede makapaguwi ng ma malaking kita, dapat may pinagaralan tayo lalo na kapag nakatapos ng high school at kolehiyo. Itong ALS program na isinabatas na ay para sa pagpapatibay ng ALS at pagpapalawak ng ALS para maabot ho natin ang lahat ng kababayan natin na nangangailangan ng pangalawang pagkakataon ito yung tinatawag na 'second chance.' Maganda ito dahil mabibigyan po ng pangawalang pagkakataon makabalik sa pag-aaral at pag natapos nila yung pag-aaral pwede silang pumasok ng kolehiyo, pwede silang maghanap ng mas magandang trabaho na nangangailangan ng high school diploma at kaya pa nilang dagdagan ito yung tinatawag natin na 'lifelong learning.' Kaya ho itong batas na ito ay mahalaga lalo na sa ilalim sa pandemya dahil alam natin maraming nag dropout at marami napatigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan.

Q: Yung mga teachers na nagtuturo ng ALS na kakaonti, nasama ba natin dito yung pagha-hire?

SEN WIN: Talagang nakita namin sa daming gusto mag-aral kulang yung ating mga guro. So meron tayong tatlong mekanismo na nilatag sa batas na ito, unang-una yung DepEd ay pwedeng kumuha ng sarili, pwede sila mag-hire ng sarili nilang guro. Pangalawa, sa local government pwede rin kumuha ng sariling ALS teachers at pangatlo, yung pinaka mahalaga yung pribadong sektor dahil napakadaming mga NGO's mga religious groups ang nagbibigay na ng ALS program, diyan po sa Mindanao ang dami na, marami po akong nakilala yung SULADS group, ito ay isang religious group na boluntaryo, binibigay nila yung kanilang oras para makapagturo ng ALS. Ang maganda dito at nakakatuwa yung mga tinuturuan nila ang ganda ng passing rate, on the average ang passing rate 30 percent, sila umaabot ng 70 percent. So makikita natin na malaki itong bahagi ng pribadong sektor sa pagbibigay at sa pagpapatatag ng ALS at yun po yung ating gusto palawakin pa at itaguyod para mahikayat nating ang pribadong sektor na makilahok dito sa pagpapalawak ng ALS.

At Bago tayo magtapos gusto ko sana pasalamatan, alam ko to mahal na mahal ninyo siya, kasama namin sa pagbubuo ng ALS, si Senator Bato Dela Rosa, siya ang kasama namin sa pagbubuo ng ALS noong una hanggang huli dahil nga sa kanyang karanasan sa Davao del Sur at bilang Chief PNP natin, nakita niya yung kahalagaan ng ALS at nagpapasalamat ho ako kay Senator Bato sa kanyang pagbibigay ng oras at atensyon sa pagbubuo netong ALS bill.

Q: Yung mga guro natin medyo nakikita namin na na-burnout na, ano yung gusto niyong gawin sa kanila sir? Suggestion ninyo?

SEN WIN: Dalawang bagay yan una, nananawagan tayo sa DepEd na tignan mabuti yung schedules ng ating mga guro at bigyan din ng oras ang mga guro para sa kanilang sarili at kanilang mga pamilya. Alam kong dahil ngayon, paspasan yung pagbubukas ng eskwelahan, talagang binuhos nila yung kanilang oras para dito sa school opening pero tingin ko dapat na rin bigyan sila ng panahon para sa kanilang pamilya at para sa kanilang sarili para makapagpahinga. Pangalawa, natuklasan namin na halos 40,00 teachers ang hindi pa nakukuha ng DepEd, ito yung tinatawag na 'unfilled position' ang ibig-sabihin neto ay bakanteng positions sa DepEd na pwedeng magpadami pa ng guro at para hindi po maging overworked ang ating guro dahil madadagdagan. Isa sa mga tinutulak namin eh bilisan ng yung pagkuha ng guro dahil meron nang pondo, andiyan na yung pangpasweldo, andiyan na yung position ang kailangan na lang ay mag hire. Kaya pinaalala namin sa DepEd na bilisan yung proseso ng pagkukuha ng guro at para hindi pa rin matambakan ang isang guro ng napakadaming responsibilidad pati yung pagaalaga sa mga bata, yung kalusugan ng bata nagiging responsibilidad na rin ng ating mga guro.

Q: World's Teacher's Day, message ninyo po sa ating mga guro?

SEN WIN: Maraming salamat sa oportunidad para mabati ang ating mga frontliners ng edukasyon, tawag ko sa kanila frontliners at ngayong Oktubre singko magbubukas na ang ating mga paaralan sa pamamgitan ng distance learning kaya nagpapasalamat po ako sa ating mga guro, sa kanilang sakripisyo at kanilang malikhain na pagtuturo para ipagpatuloy po ang pag-aaral ng ating kabataan. Talagang kakailanganin natin dito ang mga malikhang isip, o innovation dahil iba po yung pandemyang dinadanas natin ngayon, kailangan natin maghanap ng ibang paraan para ipagpatuloy po ang edukasyon. Para sa ating mga guro, hindi po namin kayo pababayaan, gumagawa pa kami ng maraming paraan at programa para masigurado ang inyong kalusugan ay laging nasa maayos, maprotektahan para hindi kayo malalgay sa alanganin sa pagbubukas ng ating mga paaralan.

News Latest News Feed