Press Release
October 2, 2020

Grace Poe's Transcript Portion on Beep Cards
DOTr budget hearing

Sen. Grace Poe: First, I would like to congratulate you, Secretary Tugade and the DOTr for the quick institution of our Beep system parang cashless system. But my point here is that, how do you load your money here aside from lining up, can you actually do it online? That's one, kung pwedeng online ang pagkakarga ng load dito sa mga beep cards natin? Pangalawa, 'yung beep may dalawang kumpanya kasi na provider, 'yung Beep at saka 'yung Beep Rides. Ito bang mga card na ito pwedeng gamitin both sa jeeps at saka sa bus na hindi na kailangang magpalit-palit ng cards? 'Yun lamang po kasi syempre kapag pumipila ka para magpaload ng mga beep card na 'yun, pareho rin, pero if we can do it online, makakatulong din 'yun. At gaya nga ng point ni Senator Angara baka pwedeng babaan konti ang minimum amount required imbes na P180.

DOTr Sec. Arthur Tugade: Maraming salamat po, Madam Chair. Maraming salamat po sa mga pangunahing mga statement ninyo na nakikita at nakikilala ang ginagawa namin sa interoperability ng card. Bayaan ninyo pong tugunan ko isa-isa, point by point, ang mga ano po. Una, plano namin, hangad namin at naumpisahan na namin na 'yung card ay magiging operational sa bus, sa jeep, sa tren at sa mga barko. Sa modern jeep, andyan na po. 'Yung interoperability sa bus ginagawa na ho 'yan at papalawigin po natin 'yan, as time and as technology will allow. Doon po sa isyu ng affordability, kung maaalala po ninyo, akin pong iminungkahi sa mga service provider na kung saan sana ho doon sa card na tinatawag, huwag na silang maningil lalo't higit kung meron nang load. Meron hong mga abiso o notices na lumalabas na nagsasabi na magbayad ng P80 'pag walang load at P30 'pag may load. Hindi ko ho maintindihan 'yan dapat ho, ang card use po, ang akin pong hangad ay libre lalo't higit na maglo-load ka. Hindi ka naman kukuha ng card kung di ka maglo-load kaya kung maglo-load ka dapat wala nang bayad ang card; nang sa gayon 'yung tinatawag na consumer concern at affordability ay nabibigyan ng buhay. Kanina lang po nakipagmeeting ako sa aking mga kasamahan sa road sector at ipinagtulakan ko libre ang card na ini-implement namin ngayon sa EDSA subway. Doon ho sa requirement na mag-load online, tama po 'yun, may mga proseso at panuntunan na ginagawa kung saan nag-oonline. Proseso po ito, teknolohiya po 'yan at ginagawa ho namin yan, sana ho ma-perfect namin sa lalong madaling panahon. At tinitingnan din namin ang mga pamamaraan na kung saan hindi ka na gagamit ng card, gagamit ka na lang ng cellphone, 'yung QR na tinatawag. Ito ho hopefully ma-implement namin in the coming days. Doon ho sa tanong, sa domestic shipping sa mga charges, tama ho kayo talagang nagkaroon ng problema diyan sa mga rates at charges at ipaalam ko na rin po sa inyo na meron ho akong mga ginawa na kung saan kinontrol ko ho at ibinaba ang mga charges at winaive. Kung mamarapatin ho ng ating Chairman, if time will permit, magsalita 'yung LTFRB ng nauukol ho sa card at magsasalita po ang PPA upang tumbukin ang detalye at detalyado 'yung tinatawag na rates and charges na ini-impose ng PPA at Maritime at kung saan naman binibigyan naman ng tugon at pansin po namin, Madam Chair.

News Latest News Feed