Press Release
October 3, 2020

Dispatch from Crame No. 930:
Dispatch from Crame No. 930: Sen. Leila M. de Lima on the 'no beep card, no ride' policy

"No beep card, no ride" naman ngayon. Anong kabalbalan ito? Lalo pang pinaliit ang access ng ordinaryong mamamayan sa mga pangunahing serbisyo, katulad ng transportasyon. Mukhang hindi na naman napaghandaan at napag-isipan ng gobyerno ang contactless payment system na ito na bumulaga na lamang sa ordinaryong commuters.

Para isipin pa kung paano makakabili ng isang P180 na beep card upang makapunta sa trabaho ay dagdag pahirap na naman sa ordinaryong manggagawa. At kung kailan lumarga na ang polisiya at nakubrahan na ang mga tao, saka tayo magkukumahog na ayusin ang sistema at sabihing dapat libre na ang beep cards. Ano ba yan?

In the first place, this contactless payment system should have been regulated by the government. Isn't this system supposed to ensure public health safety among users of public transportations? Usapin ito ng pampublikong sasakyan, ng pamasahe, ng commuting public. Eh bakit hinayaang maningil nang sobra-sobra ang mga private service providers at pigain nang husto ang mamamayan? To ensure that ordinary people have access to basic services, especially amid a pandemic, should be a top priority of the Duterte administration, not lurking in the Facebook accounts of government critics.

Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 930, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._930

 

News Latest News Feed