Press Release
October 3, 2020

Gatchalian urges safe school opening; donates back-to-school essentials

As classes for the school year 2020-2021 get underway, Senator Win Gatchalian raises concerns on the safety and welfare of educators nationwide as they distribute self-learning modules.

The senator reiterates that teachers and school personnel should be assured that all of their school needs are addressed since they are crucial in the roll-out of the Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP). A back-to-school list should now include face masks and face shields, according to Gatchalian. He, however, is quick to point out that investing in safety gears and protective equipment for a long period of time could be costly to teachers.

"Kailangan nating tulungan ang mga guro na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. Mayroon sa kanila ang naglabas na mula sa sarili nilang bulsa para may maipambili lang ng gagamitin para sa distance learning, pati pambili ng face masks at alcohol. Huwag nating hayaang madagdagan pa ang gastusin nila," said Gatchalian.

The lawmaker is donating 3.5 million face masks and 600 thousand face shields to various schools in the National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, and Laguna. More than 150 thousand (155,536) public school teachers, school and assistant school principals, public school district supervisors, school division superintendents, and assistant school division superintendents will benefit from the donation.

The donation kicks off today at the Valenzuela School of Mathematics and Science with Senator Gatchalian personally turning over face masks and face shields to the school's teachers and principals.

"Isa lamang ito sa mga eskwelahan na bibisitahin natin para mamigay ng face masks at face shields. Kailangang masiguro natin na ligtas ang mga guro, punong-guro, pati na ibang kawani ng paaralan sa pagbubukas ng klase sa Lunes," said Gatchalian.

Education officials earlier said that the agency's 2020 budget does not cover COVID-19 medication, treatment, or hospitalization of teachers and non-teaching staff.

"Dahil hindi naman sakop ang mga guro sa pondo ng ahensiya para sa mga gastusing may kinalaman sa COVID-19, mas mainam na makaiwas sila sa posibleng pagkahawa sa virus kaya malaking bagay ang face masks at face shields para hindi rin makahawa sa mga estudyanteng tatanggap ng mga learning modules, " said Gatchalian.

The DepEd has earlier said that regional offices and school division offices should have established health and safety protocols ahead of the October 5 school opening in order to distribute the modules without endangering teachers and students.

"By stocking up on face coverings, we're hoping that teachers and school heads can protect themselves and their students from the coronavirus disease," he said.

# # #

Gatchalian hinimok ang ligtas na pagbubukas ng klase; namigay ng 'back-to-school essentials'

Nagpaalala si Senador Win Gatchalian na dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga guro ngayong nalalapit na ang pauskan, lalo na't tuloy tuloy ang kanilang pag-iikot kasunod ng pamimigay ng self-learning modules.

Ayon sa senador, malaking bahagi ang mga guro sa pagpapatupad ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) kaya importante na nabibigyan sila ng kanilang mga pangangailangan sa gitna ng pandemya. Kasama na daw ngayon sa tinatawag na 'back-to-school essentials' ang face masks at face shields. Pero nangangahulugan ito aniya na madadagdagan din ang gastusin ng mga guro.

"Kailangan nating tulungan ang mga guro na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. Mayroon sa kanila ang naglabas na mula sa sarili nilang bulsa para may maipambili lang ng gagamitin para sa distance learning, pati pambili ng face masks at alcohol. Huwag nating hayaang madagdagan pa ang gastusin nila," ayon kay Gatchalian.

Dahil dito mamimigay ng 3.5 milyong face masks at 600 thousand na face shields si Gatchalian sa iban't ibang mga paaralan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna. Higit 150 thousand (155,536) na public school teachers, school and assistant school principals, public school district supervisors, school division superintendents, at assistant school division superintendents ang mabibiyayaan ng naturang donasyon.

Magsisimulang mag-ikot ang senador ngayong araw sa Valenzuela School of Mathematics and Science para personal na mamigay ng face masks at face shields sa mga guro at punong guro.

"Isa lamang ito sa mga eskwelahan na bibisitahin natin para mamigay ng face masks at face shields. Kailangang masiguro natin na ligtas ang mga guro, punong-guro, pati na ibang kawani ng paaralan sa pagbubukas ng klase sa Lunes," said Gatchalian.

Samanatala, nauna nang sinabi ng mga opisyal ng Department of Education o DepEd na hindi kasama sa 2020 budget ng ahensiya ang pagpapagamot o pagpapaospital ng mga guro at iba pang kawani ng paarlan na may kinalaman sa COVID-19.

"Dahil hindi naman sakop ang mga guro sa pondo ng ahensiya para sa mga gastusing may kinalaman sa COVID-19, mas mainam na makaiwas sila sa posibleng pagkahawa sa virus kaya malaking bagay ang face masks at face shields para hindi rin makahawa sa mga estudyanteng tatanggap ng mga learning modules, " dagdag ni Gatchalian.

News Latest News Feed