Press Release
October 4, 2020

DZRH interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Milky Rigonan ukol sa pagbubukas ng klase, Internet Transactions Act at online transaction fees

Pagbubukas ng klase

Q: Kumusta ang konsultasyon ng Committee on Basic Education sa DepEd dahil bukas ang simula ng klase sa pampublikong paaralan?

SEN WIN: Tatlong bagay ang naobserbahan natin, unang-una yung sa pagbubukas ng klase may mga karagdagang budget na inilagay sa Bayanihan 2 para sa karagdagang gastos dito sa pagbubukas ng ating klase bukas. Kasama dito yung four billion pesos na ipangbibili ng gadgets o pwede rin gamitin ito sa pagiimprenta ng modules kaya ho may dagdag suporta po ang DepEd sa mga gadgets at iba pang mga kagamitan sa pagbubukas ng klase. Ngayon ang aking suhestiyon sa kanila ay gamitin ito sa pagbibili ng laptop para ipamigay sa mga guro natin at sa punong guro dahil marami pa rin sa kanila ay kulang ang kagamitan para maumpisahan yung pagbubukas ng klase, marami silang gagawin yung mga modules at assessment. Pangalawa po, next year, meron din budget para sa mga modules so ibig sabihin mayroong posibilidad na hindi pa rin matutuloy yung face-to-face next year, mabilis ang panahon, Oktubre na ngayon, sa tatlong buwan mag babagong taon na naman at kailangan natin paghandaan yung aktibidad para sa next year. Ang pangapat rin yung iba pang budget ay natapyasan, yung Special Education na isang programang mahalaga para sa mga batang may kapansanan na natyapasan at zero yung budget ay yun ang aayusin natin para mabigyan ng karagdagan na tulong.

Q: So wala itong budget sa ngayon?

SEN WIN: For 2021 walang budget kaya isa sa mga hakbang na gagawin natin ay amyendahan at lagyan ng budget itong special education para makabili at makatulong sa mga bata may kapansanan.

Q: Yung four billion pesos for gadgets and modules pero ang sabi nga ho ng mga teachers, sayang lang ang pera kung imo-modules lang kasi ang sabi nga rin ni Senator Imee sa nakalipas na hearing din ng Senado baka matambak lang ang learning materials.. dapat ba ilaan na lang

for the gadgets at gamit n teachers at estudyante?

SEN WIN: Ang aking mungkahi sa DepEd ay gamitin ito para sa pagbili ng laptops para sa paggawa ng modules, assessments at iba pang reports ng mga guro. Kaya ang unang hakbang po ay dapat mabigyan ng tamang suporta at tamang kagamitan ang ating mga guro sa pagtuturo. Marami pa rin tayong mga guro na kulang at wala silang mga ganitong mga laptop, kailangan nila ito para magawa nila ng maayos ang kanilang trabaho.

Q: Hanggang ngayon malabo ang signal sa malayong lugar sa ating bansa ano ang contingency plans ng DepEd?

SEN WIN: Aminin ko hindi madali itong problema na ito, kakailanganin ito ng oras. Doon po sa Bayanihan 2 naglagay din ang mga Senador ng isang probisyon kung saan sa halip na katakot takot na permits yung kailangan na kunin sa pagpapatayo ng cell sites ay isa na lang po ang kakailanganin, ito yung building permit. Noong una umaabot ng taon bago makapagpatayo ng isang cell site at natuklasan din ng mga kasamahan natin na kakailanganin natin ng mahigit pa sa 50,000 cell sites para bumilis yung internet speed sa atin at lumawak yung tinatawag nating connectivity. Ang solusyon dito ay padamihin yung cell sites at isa ngang solusyon dito ay bawasan yung mga requirements, yung mga dokumento sa pagpapatayo ng cell sites. Pero ito ay hindi madali, kakailanganin natin ng oras, medium to long-term ito, nagumpisa na at hopefully in the next six months makakita tayo ng mas mabilis na internet speed.

Q: Ang ginagamit ng DepEd for public schools yung DepEd commons, meron na bang agreement with the telco na i-libre muna ito?

SEN WIN: Ito ay merong agreement with the telcos, Smart and Globe para magamit ng libre ng mga guro natin at para doon po sa mga gumagamit ng DepEd commons. Ito ay may agreement na, ito yung tulong, kumbaga corporate social responsibility ng mga telcos para makatulong sa pagaaral ng mga estudyante. So libre ho ito yung paggamit ng DepEd commons. Yung DepEd commons po sa mga nakikinig sa atin, andito ho lahat ng materyales na kakailanganin ng ating mag-aaral at mga guro na rin. So ang ginawa ng DepEd lahat ng mga modules, lahat ng mga iba pang mga dokumento, inupload ho nila dito at kung kakailanganin ng mga mag-aaral at guro hindi na nila kailangan tumawag sa sentral, dito pwede na nila i-download.

Q: Panukala na mabawasan yung load ng mga teachers?

SEN WIN: Paunti-unti, dapat lumuwag yung load ng ating mga guro dahil sa ngayon kausap ko yung mga guro natin talagang overloaded sila. Yung iba gumagawa pa ng mga broadcast, yung iba pumupunta pa sa radio stations para mag taping, yung iba gumagawa ng graphics, talagang mabigat. Ang mangyayari din kasi kakausapin ng mga guro natin isa-isa yung mga estudyante dahil nga hindi sila makakapasok kaya makakaubos ito ng oras, kaya dapat i-manage nang mabuti yung mga binibigay na work sa mga guro at sa punong guro na rin dahil ang mga principals din natin mino-monitor yung pagdi-distribute ng mga modules kaya importante na makita natin yung kanilang mga workload, bawasan ang kanilang workload at isa pa dapat paigtingin yung tinatawag na mental health support. Ang mga guro rin natin natatakot rin sila sa paglabas at natatakot sila para sa kanilang pamilya tulad nating lahat. Kailangan din ng ating mga magulang ng mental support. Marami na tayong nakausap sa lokal na pamahalaan na nagpro-provide ng mga ganitong support.

Internet Transactions Act

Q: Senate Bill 1591 para naman sa sa mga proteksyon ng online buyers, bakit ipapataw ang probisyon ng panukala sa mga online sellers eh hindi naman ito naipapatupad sa ibang mga nagtitinda, sa mga sari-sari stores, mga tiyangge?

SEN WIN: Isang probisyon dito sa panukala natin yung tinatawag na solidary liability. So ibig sabihin kung yung nagbebenta o yung produkto ay may problema, kasama yung nagbebenta sa liability o sa pananagutan nung produkto dahil karamihan ng mga produktong binebenta oline ay nanggagaling sa ibang bansa. For example, may nabili kang produkto tapos sira, dapat ang nagbenta neto ay may pananagutan din pero dahil nasa ibang bansa ito mahirap silang habulin, hindi tulad ng tiyangge o mall na yung produkto andito lang, pwede mong balikan o pwede mong sumbong sa DTI at pwede nilang i-confiscate, kunin yung mga bulok na produkto. Pero itong online, saan mo pupuntahan yung nagbenta sayo? Pangalawa yung produkto siguro mga 70 percent or 80 percent nasa ibang bansa kaya mahihirapan tayo. So ang puno't dulo dapat bigyan natin ng pananagutan yung nagbenta satin, ito yung mga platforms para sila ay maging mahigpit, mapanuri, at maging masinop sa pagtitingin kung itong mga produktong binebenta satin ay ligtas at maganda yung quality.

Q: So itong bill ba na ito ay tatapos sa mga problema ng hindi magandang klase ng mg produkto o maling impormasyon tungkol sa produkto?

SEN WIN: Nakita natin doon sa pagidinig, sa hearing, hindi lang yung mga illegal na gamit, pati mga fake na gamit. May mga fake na rubber shoes, fake na branded na bags, ang nakaktakot yung mga gamot at supplements na hindi aprubado ng FDA dahil ito yung kinakain natin, baka yung sapatos pwede pa nating palampasin pero pag nakain mo na mas mahirap yun. Maraming supplements, yung pangpapayat, madaming naeenganyo bumili dahil gusto magpapayat. Eh pano kung nagkaroon sila ng allergic reaction doon? Nagkaroon ng komplikasyon, sino ang hahabulin nila? Karamihan sa mga produktong ito nasa ibang bansa at hindi natin mahahabol yan. Kaya nilagay natin dito kung sino nagbenta satin meron din dapat pananagutan para hindi sila pwedeng mag hugas ng kamay.

Q: Ano na ho status ng bill?

SEN WIN: Mag te-technical working group na at dito paguusapan yung mga ganitong mga punto, ganitong mga bagay at pakikinggan rin naman natin yung mga online sellers at yung mga online platforms. Ang puno't dulo gusto lang naman ng batas na proteksyonan yung mga consumers natin at para makita natin yung pinakamainam na paraan para hindi maagrabyado ang ating mga consumers.

Q: Meron na bang koordinasyon itong mga malalaking online sellers natin? yung Shopee, Lazada diba may commitment na makikipagtulungan na sila?

SEN WIN: In fairness to them gusto nila tumulong at inaamin nila na may ganitong problema. Hindi naman nila tinatanggi na may problema at sinabi nila mag ko-cooperate sila at titignan nila kung ano yung pinakamaganda para maproteksyonan yung consumers natin. may kooperasyon tayo sa mga online platforms.

Online transaction fees

Q: Marami rin sa ating mga kababayan na nagbabayad via online, pero may pagtaas ulit ng collection of fees and digital transactions, ano ba ang pwedeng gawin dito ng gobyerno?

SEN WIN: Dapat yung mga ganitong online transactions sa ngayon ay maging maluwag. To be honest kahit ako sa online na rin ako nagbabayad dahil ayoko na pumunta yung aming messenger sa bangko at baka mahawaan pa. ako ang suhestiyon ko sa Bangko Sentral, wag munang taasan, hayaan natin maging habit ng ating mga kababayan na magbayad online dahil kahit na tapos na ang pandemya, magandang paraan ito para bumaba ang bilang ng traffic at para mas maraming gagamit na ang online. Alam naman natin na yung online mas mura para sa ating ekonomiya dahil hindi nga gagamit ng aktwal na pera sa pagbabayad. Dapat hindi ito isabay ngayon, bigyan muna natin ng palugit hanggang masanay ang ating mga kababayan sa paggamit ng online.

Q: Pwedeng dapat corportate social responsibility sa mga bangko dahil bawat transaction ngayon ang daming namang pinapatong na bayad?

SEN WIN: In fairness to Meralco noong nangkaroon ng pagdinig, una mayroong convenience fee na 47 pesos pero tinanggal na ho nila yun. Ganun yung tamang suporta na dapat ibigay natin sa consumers natin, hikayatin natin sila na gumamit ng online para masanay ho sila at kung masanay ho sila mas kumbinyente ito para ito na yung gagamitin nila. Kaya huwag dapat samantalahin yung sitwasyon sa pagtataas ng mga fees sa pagbayad sa online dahil sa ngayon ito na yung pinakamagandang paraan para makatulong sa pagpigil netong COVID.

Q: Itong mga transactions fee ito yung mga inaangal ng ating mga kababayan.

SEN WIN: Correct, ang gusto nga natin wag na silang lumabas ng kanilang tahanan hangga't meron ganitong pandemya at isa itong magandang paraan para mahikayat silang gumamit ng online at masanay, maging habit-forming para doon na nila gawin ang kanilang mga transaksyon.

Q: Baka meron ka pang gustong iparating sa ating mga kababayan? Mga teachers, estudyante?

SEN WIN: Maraming salamat sa pagkakataon at bukas napakalaking araw para sa ating lahat dahil bukas po magbubukas ang klase at gamit natin dito ay yung distance learning. nagpapasalamat ako sa ating mga guro, sa ating mga punong guro, sa non-teaching staff dahil sa kanilang pagod at sakripisyo para maipapagpatuloy natin yung pag-aaral ng ating mga kabataan. At sa ating mga magulang din, kailangan natin ang tulong ng mga magulang dahil malaking papel ang kanilang gagampanan dito sa pagtuturo. Challenging ito sa ating mga magulang pero importante na maging bahagi sila sa prosesong ito dahil family bonding na rin nila ito at madami rin silang matututunan.

News Latest News Feed