Press Release
October 5, 2020

Ambush interview of Senator Win Gatchalian on his assessment during the opening of public schools in Valenzuela City

Q: Assessment?

SEN WIN: Ang assessment ang pinaka malaking problema na nakita natin yung connectivity dahil marami sa mga constituents natin yung ginagamit lang yung dongle at ginagamit nila yung wireless na connectivity. Ibig sabihin marami sa kanila kahit dito sa nakita natin na di abot yun signal or nag la-lag raw kaya dito talaga papasok yung mga telcos para siguraduhin na yung mabilis yung connectivity, may signal sa lahat at siguraduhin din na umaabot sa lahat ng ating mga estudyante. Nakita rin natin na mahalaga yung video, yung pagbabasa can only do so much pero yung video na e-explain mabuti, nakikita ng mga bata yung explanation and yung mga bata very visual kaya importante nakikita nila. Ang pinaka challenge sa first day is the connectivity, pagdating sa modules, pagdating sa pagaalaga ng mga magulang walang pagkukulang doon, kompleto yung modules natin but ang pagkukulang ngayon ay yung connectivity at dito papasok yung telcos gawin naman nila yung kanilang trabaho para masigurado na tuloy-tuloy yung connectivity at walang patid yung connectivity.

Q: Given yung shortcomings sa internet connection kaya ba i-sustain?

SEN WIN: Inaasahan ko in the first two weeks malaking adjustment, mga magulang nag a-adjust, kita naman natin kanina yung mga bata maga-adjust pati na rin yung mga teachers. Mga teachers natin nakatutok sa mga estudyante, kausap ko nga isang estudyante tinatawagan sila kung natututo sila o kung ano yung problema, yung ganito expected na natin, first two weeks magiging malaking adjustment sa ating mga teachers. Ang kagandahan dito yung mga modules nabigay na so nasusundan ng mga bata ano yung dapat nilang pagaralan but again gusto ko ma-stress yung mga magulang ginagawa ang makakaya nila para bumili ng gadgets, bumili ng sim card pero ang importante ngayon hindi nagla-lag at smooth yung pag de-deliver ng mga videos. In terms of sustainability, my assessment as long as may modules, as long as yung teachers natin nakatutok ma su-sustain siya.

For this year, we will make sure na yung 4 billion na niligay sa Bayanihan fund magastos na para sa gadgets at connectivity, meron inilaan na 4 billion para sa DepEd para pangbili ng mga gadgets at connectivity, dapat mabili na kaagad yan at mabigay. For next year sana hindi na ganito pero kung tayo ay babalik pa rin sa ganitong sitwasyon, sigurado yung pagiimprenta ng modules, yung pagbibigay ng load sa mga teachers natin, kasi nakita ko rin yung teachers natin tumatawag at nakikipag-communicate sa mga bata, meron silang pang-load at pangbili ng data plan. So very challenging itong first day natin, talagang very challenging and first hand nakita ko na yung mga bata talagang nag-aadjust. Mahirap kapag naga-adjust ka hindi ka matututo dapat talagang mga teachers natin alisto at nakatutok at yan ay isang challenge para sa teachers natin dahil isang teacher minsan 40 na bata ang hinahawakan so just imagine tatawag ka almost every 10 minutes, 15 minutes sa isang bata medyo mabigat rin sa isang guro.

Q: Ano ang last update natin sa mga telco?

SEN WIN: Ang telco, base sa mga communication namin at sa mga briefing ng DepEd, ang telcos nag-commit to sustain itong connectivity, again nakita natin dito I'm not satisfied with the connectivity here in Valenzuela at least. Hindi ako satisfied na nag la-lag yung pagtuturo dahil sayang naman yung ginagawa ng efforts ng local governments kung hindi madi-deliver yung videos sa mga bata.

Q: Given the shortcomings natin papano yung quality ng education this school year?

SEN WIN: Very challenging yan, that's a very difficult question to answer. Ang akin ang importante hindi umurong yung kaalaman ng mga bata, hindi mag regress dahil kung sila ay nakatengga uurong at uurong ang kanilang kaalaman at mas mahihirapan sila sa pagdating ng pasukan. So ang challenge natin ngayon, at the very minimum, wag mag regress, ang maximum natin ay matuto sila ng mga bagong kaalaman na magagamit nila to move to the next level. We have to remember ang challenge ngayon, pag pumasa sila ngayon, next year next level na sila at yun ang dapat nilang matutunan yung kanilang dapat matutunan at this grade level.

News Latest News Feed