Press Release
October 5, 2020

Statement of Sen. Bong Go Re: Pulse Asia Research September 2020 "Ulat ng Bayan" Survey

This is a continuing vote of confidence of the Filipino people in the leadership of President Duterte. True to his words, the President continues to deliver on his campaign promise of providing a better and more comfortable life for all despite the challenges caused by ongoing pandemic.

Bagamat nakakataba ng puso ang 91% approval rating ng Pangulo, hindi pa po tapos ang ating trabaho na maglingkod sa bayan. Sa mga kasamahan ko sa gobyerno, gamitin natin itong inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang ating serbisyo sa taumbayan bilang pagkilala sa tiwala na ibinibigay nila sa atin.

At habang patuloy nating nilalabanan ang pandemyang ito, sisiguraduhin nating maipagpatuloy rin ang lahat ng mga magagandang pagbabagong sinimulan ng ating Pangulo para sa ikabubuti ng buong bansa.

Basta kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Kahit walang mataas na approval rating, magseserbisyo kami para sa ikabubuti ng kapwa naming Pilipino.

News Latest News Feed