Press Release
October 9, 2020

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE DEFERMENT OF THE 13TH MONTH PAY

Those pronouncements are ridiculous, distasteful, and completely devoid of empathy and compassion for our people in these trying times. We are in the middle of a pandemic. The timing cannot be more wrong.

The grant of 13th Month Pay is required by our labor laws. It is a mandatory benefit for all rank-and-file employees. Kaya iyan isinabatas ay para siguraduhin na may sapat na kita ang bawat manggagawa na maiuuwi sa kanilang pamilya sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang ano mang pagpapaliban at hindi pagbibigay ng benepisyo sa ating manggagawa, sa gitna ng pandemya, ay isa na namang pasanin. Ito ang inaasahan ng marami na pwedeng dagdag sa araw-araw na gastusin ng pamilya lalo pa't parating pa ang Kapaskuhan. Huwag na nating dagdagan pa ang ngayo'y napakabigat na nilang dinadala.

Sa halip, tulungan dapat ng gobyerno na isalba ang mga kumpanyang 'distressed' at humaharap sa krisis. Dapat alagaan at suportahan natin ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidy at cash assistance sa kanila at hindi yung hahayaan natin na sila ang patuloy na magdusa.

News Latest News Feed