Press Release
October 11, 2020

Transcript of Senator Nancy Binay's interview on dzRH Review (hosted by Atty. Rina Seco)

Atty. Rina Seco (Q): May ilang makatawag-pansing pondo, well, actually issues. Dalawa dito were pointed out by Sen. Nancy Binay. Una ito pong pondo ng Games and Amusement Board at Philippine Sports Commission. Ang proposed budget for PSC is P208 million, pero may isa pong foundation ang tawag ay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC, na humihiling sa DBM na bayaran ang pagkakautang nito sa operators ng passenger vans in the amount of P387 million. Take note ang pagkakautang na ito ay incurred by a private foundation. And to shed light on this, kasama po natin, Sen. Nancy Binay. Senator, magandang umaga po.

Sen. Nancy Binay (SNBA): Magandang umaga po, Atty. Rina, at magandang umaga sa lahat ng nanonood at nakikinig sa inyong programa.

Q: Kumusta po kayo, ma'am?

SNBA: Mabuti naman po.

Q: Kayo ay, bagaman at hindi pa, of course, matindi pa rin ang usapin sa Lower House, pero kayo ay nag-umpisa na ng pagdinig dito sa proposed budget for 2021. Ito po isang discovery n'yo, tungkol sa P387 million na bayarin, bayarin ba talaga ito ng gobyerno?

SNBA: Mukhang iyon ang lumalabas, pero Atty. Rina, nagtataka lang din ako and siguro pagdating sa floor ng budget ng PSC ay tatanungin natin ulit. Kasi during the committee hearing, ang pagka-phrase po sa tanong ay, "magkano ang pondong naibigay sa PHISGOC?" So sinabi nila P5 billion, initial na P5 billion ang binigay, then P1 billion coming from the Office of the President. Tapos nagdagdag pa sila ng P807 million. On top of that, may utang pa palang P387 (million). But the next day, nag-issue naman ng statement ang PHISGOC, sinasabi nila na walang binigay na ganoong kalaking pondo sa PHISGOC. At in fact, iyong utang daw na P387 million, hindi daw iyon utang ng PHISGOC, utang daw ng PSC. So siguro, magandang klaruhin kung sino talagang may utang, sino ba talagang ahensiya ang dapat magbayad sa P387 million.

Q: So, ang PHISGOC was given the authority, was empowered to enter into contracts with other private entities for the SEA Games?

SNBA: Yes po. In fact, kaya nga po sa hearing tinanong ko rin, kasi alam naman po natin doon sa SEA Games nagkaroon ng donors, or, in fact may ticket sales po yan, so may revenue generation din supposedly on the part of, doon sa pag-host natin ng SEA Games dapat po may revenue generation iyon kasi nagbenta sila ng advertisement, may ticket sales from watching the games. Kaya nga po tinanong ko kung may receivables pang makukuha ang PSC sa PHISGOC, but apparently, kahit iyon wala rin pala silang makukuha.

Q: Question, Senator, bakit po dumaan sa PHISGOC?

SNBA: Isa din yan sa natanong noong budget hearing last year. In fact, I think it was the Minority Floor Leader who raised that question kung bakit kailangan pang padaanin sa foundation. I think sabi nila kasi mas mabilis daw ang proseso kung foundation ang magbi-bid out ng mga kailangan for the SEA Games kasi medyo nagahol na sa panahon.

Q: Pero ito po, definite po ba mayroon nang fixed, like up to this much, ganito lang ang pondo na pwedeng i-commit para sa PHISGOC, or ito lang ang ibibigay, and in excess of that, the government cannot shoulder? May mga ganoon po bang condition?

SNBA: Well, apparently, Atty. Rina, kaya nga po during the hearing I also asked for a copy of the MOA between PSC and PHISGOC, kasi nakasaad po yata doon sa MOA nila na may sovereign guarantee na whatever expense that will be incurred by PHISGOC, ay mukhang may guarantee ang government if PHISGOC cannot pay for it.

Q: Ah, medyo mahirap ito, Senator, kasi maaaring maging unlimited ang expenses para sa pamahalaan to the detriment of our taxpayers' money, of the government.

SNBA: Iyon na nga po, kasi katulad nga po noong budget hearing, ang talagang sinet aside lang na pondo ng Kongreso is P5 billion for the hosting of the SEA Games, dahil alam naman po natin na every budget season laging may kakulangan ng pondo. As part of our power of the purse, iyon lang po ang binigay namin, P5 billion. But apparently, dahil kulang, they were able to augment it through the budget of the Office of the President, which was an additional P1 billion. Tapos naka-charge pa po sila ng P807 million na ginastos po para doon sa opening at closing ng SEA Games.

Q: Nakakagulat ito. Will the government, will you, I don't know how it goes, pero io-authorize po ba ito, how will this affect the budget of the GAB and Philippine Sports Commission?

SNBA: Titingnan po natin iyon, kasi alam din naman po natin kasama sa mandato ng PSC ang pag-participate natin sa Olympics, na it was postponed this year, mangyayari po siya next year. So out of the P207 million, kumbaga nakalaan na po iyon sa mga international competitions na sasalihan natin. But going back sa SEA Games, siguro, kasi inaantay din po namin ang kopya dahil I think they hired an auditing firm to audit kung paano nga po nagastos ang pondo ng PHISGOC. So, on my part, hinihintay ko, hopefully bago mag-plenary discussion sa budget ng PSC na-submit na po itong audited account ng PHISGOC.

Q: Maganda talagang matingnan nga, Sen. Nancy, ano, itong kontrata, kasi we cannot give a private entity an unlimited power to enter into contracts lalo na malaking gastusin ito at marami sa ngayon, napakaraming expenses ng pamahalaan at maraming mga, iyong sa Covid response natin, limitado ang budget.

SNBA: Idadagdag ko lang, ang kawawa po ngayon is iyong mga suppliers na maliliit. Kasi mukhang sila po ang hindi, sila po iyong bahagi noong 387 million na may pagkakautang whether it's PHISGOC or PSC and in fact, isa po iyon sa sinasabi noong Vice Chair na siya mismo naka-experience dahil may lumapit sa kanya na UV driver yata, sinasabi na magi-isang taon na silang hindi nababayaran.

Q: Senator ito ba ay hindi covered ng provision tungkol sa conflict of interest, considering ang chairman ng PHISGOC, isang private foundation, is Speaker Alan Peter Cayetano?

SNBA: Siguro maganda pong pag-aralan iyan kasi last year nga po hindi din masyadong napagtuunan dahil kumbaga naintindihan natin na kailangan natin ipakita na nagkakaisa tayo pagdating doon sa hosting ng SEA Games. Maybe dahil tapos na siya, at well naging successful din naman siya, baka ngayon magandang tingnan kung ano na nga ba nangyari sa pondo dahil alam naman natin po ngayon may problema tayo sa funding dahil nga sa problem sa pandemic. Tapos maririnig ninyo na may kailangan bayaran na 387 million.

Q: Lalo pa, you know, kailangan natin ng unity pagdating sa aktibidad na ganito, pero hindi naman dapat na isantabi ang probisyon ng batas especially pagdating sa ethical standards at iyon na nga, probisyon sa conflict of interest. That's something we have to look into. And anyway, Senator Nancy, isa pa rin po sa nakatawag-pansin iyong sinasabi ninyo, iyong pahayag ninyo na DOTR wasted P21.5 billion in foreign loans dahil doon sa mga hindi nakukumpleto na major mass transport projects most in Cebu and Metro Manila. Paki-detalye po ito.

SNBA: During the budget season, even last year pa po, nire-raise ko na itong mga ODA na proyekto ng DOTR. Dahil kahit po last year, napansin ko na matatapos na ang loan term eh mukhang hindi pa po nagu-umpisa iyong proyekto. Kaya nga during this budget season, ni-raise po natin ulit kung ano ba talaga ang plano pagdating dito sa mga BTR (BRT), hindi naman po ito grant na kung saan wala tayong babayaran. Utang po ito na isho-shoulder, at hindi lang naman DOTR ang magbabayad.

Q: May interest and penalties ito, and kasama po ba sa penalty ang failure to complete the project within the specified period?

SNBA: In fact po, I think every year we are already paying a commitment fee for this project kasi ano po iyan eh, sa mga ODA po, may mga milestone event, na kunwari for this year, ganito na ang natapos n'yo, 2nd year, 3rd year, 4th year... and then kapag hindi nahi-hit ang milestones na iyon, there's a commitment fee that we have to pay on top of the loan.

Q: So ang sa detalye na, sa nabasa ko po sa inyo, nasa P7 billion para sa Cebu Rapid Bus Transit System, pero walang ni isa mang paghuhukay na nagagawa gayong dapat 2015 ay naumpisahan na ito, at ang utang magma-mature na in June 2021?

SNBA: Yes po, parang, I'm not sure if it's 2021 or 2022 yung maturity nung loan and hanggang ngayon ho hindi pa rin sya, sabi ko nga ho, ni isang hukay wala pang nangyayari dun sa BRT project sa Cebu and parang meron din hong intramurals na nangyayari on the ground about the viability of the project. So ang akin naman ho, kung hindi talaga siya doable, baka our finance managers can, kumbaga, talk dun sa World Bank na baka pwede i-transfer na lang yung pera na yun sa another transportation project na talaga namang magagawa kesa naman na magbabayad tayo ng utang na kumbaga walang proyekto na matatapos.

Q: Sen. Nancy, can the government do that, considering, syempre when we apply for loans ito ay mahaba-habang justification, duly supported ng mga documents and in the middle of, well patapos na dapat, nagsisimula na ang pagbabayad, ay magmamature na ang loan and yet wala pang nauumpisahan. And then suddenly sasabihin natin 'ilipat na lang natin sa ganitong proyekto'. Can we validly do that?

SNBA: I think ho, baka naman ho, because nabanggit din ho sa budget hearing na since wala pa nga, parang they're asking for extension of the loan. Parang may ganung option ho, baka maging option ho a) extension of the loan then divert to another project.

Q: Pero ito, syempre, kahit pa magkaroon ng extension e that will incur additional expense on our part because of the interest and penalties.

SNBA: Ganun na nga ho ang lumalabas. I think isa yan dun sa mga sigurong bantayan din because in the past, e parang may ganung sakit din ho e, na we enter into an ODA tapos medyo nagkakaproblema doon sa implementation.

Q: That's something you really have to look into. Kailan ho ba ang ine-expect ninyo na pagdinig, lalo na yung itu-turn over na budget na naaprubahan ng Lower House?

SNBA: Sa schedule ho namin, kasi magbi-break na ho kami sa (October) 16, so ang target ho namin talaga, pagbalik naman ng November e sisimulan na ho namin yung plenary discussion para ho talaga by December e naapprove na yung budget.

Q: Maaapektuhan ho ba itong mga proposed, medyo malaki-laki rin, or is this the regular proposal for DOTr? They have, they're asking for P143 billion na budget for 2021.

SNBA: Yes po. More or less ganoon din naman po ang nakukuha nila. Siguro despite the fact na ganoon kalaki ang budget nila, ang dami pa ring programa na hindi nila nabigyan ng pondo. For example, ang mga budget po ngayon ng DOTR ay nakafocus sa mga railways.

Q: Which is kailangan naman talaga natin. Kaya lang we incur expenses, we borrow money pero hindi natatapos ganito ang nangyayari nakalulungkot ano...

SNBA: Yes po at nakita nga po namin sa budget na for our airports, our seaports, mukhang hindi napagtuunan ng budget kaya siguro isa yun sa mga magiging ammendments kasi kailangan din naman natin gastusan yung mga seaports at airports.

Q: By the way Senator Nancy we would like to congratulate you kasi you are doing your job well the past years and we are happy that you are looking into these things at sana mabigyan ng pansin ito pagdating ng deliberations sa proposed 2021 budget.

SNBA: Thank you attorney, and hopefully within the week, matapos na rin yung gulo sa House of Representatives kasi kami din po ay nabibitin. We cannot start our deliberations until we really know ano ba talaga ang ipapasa ng House of Representatives so we are waiting for the final copy before the chairs and vice chairs of the finance committee, bago po nila magawa yung committee report nila, we need the final version from the House of Representatives.

Q: Sana naman po ay mapukpok niyo ito ng husto para ang mga budget na inaallocate natin sa mga ahensya ng pamahalaan ay hindi napupunta lang sa kawalan.

SNBA: Yes po lalong lalo na in the time of pandemic, every peso counts.

Q: Senator Nancy maraming salamat po sa inyo.

SNBA: Maraming salamat din po sa pagkakataon na mapakinggan tayo ng ating mga kababayan.

News Latest News Feed