Press Release
October 11, 2020

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DZBB Bantay Balita sa Senado with Ms. Nimfa Ravelo

Q: Pwede po bang i-defer ang 13th month pay?

SFMD: Hindi po. Bilang dating kalihim, ang PD 851 na nagbibigay ng 13th month pay ay walang sinasabing exemption. Lahat ng kumpanya maliban na lang doon sa nagbibigay ng Christmas bonus na ay dapat magbigay ng 13th month pay. Walang exemption kahit nalulugi ka. Yung exemption ay nakalagay lang sa sa IRR. Sa batas mismo, walang exemption kahit nalulugi ka. Sa akin, doubtful po iyan at pwedeng kwestyunin. Kung magbibigay ng exemption, ito ay dapat isa-isa. The exemption must be per enterprise, hindi buong industriya.

Uulitin ko lang. wala sa batas iyon. Yung proposal to defer, kahit magkasundo ang dalawang partido ay hindi pwede. Walang authority sa batas. Kung may agreement man individually, employer at employee, hindi pwedeng aprubahan o i-sanction ng DOLE. Uulitin ko lang, ang ganoong klaseng agreement ay hindi pwedeng i-sanction ng DOLE dahil iyan ay bawal sa batas. Walang Karapatan ang DOLE na palitan ang batas.

Sa PD 851, walang provision na nagsasabi na kapag ikaw ay nalulugi ka ay exempted ka sa pagbibigay ng 13th month pay; exempted ka lang kung ikaw ay nagbibigay na ng Christmas bonus which is the equivalent of 13th month pay.

Q: Dapat po ibigay not later than December 24.

Iyan po ang nakalagay sa batas, hindi nila pwedeng palitan iyan.

Q: Mag-uusap daw po ang DOLE, labor groups, employer, paano po iyon?

SFMD: Kahit mag-usap sila, employee at employer, kung magkasundo sila, assuming na magkasundo, na i-defer to next year ang 13th month pay, hindi pwede iyon. Dahil kung pwede iyan, pwede ring pag-usapan na hindi muna magbabayad ng minimum wage, wala munang benefits at wala munag sick leave dahilan sa pandemya. Such agreement is invalid as it is contrary to public policy and can be a dangerous precedent.

Q: Pinag-uusapan na lang daw sa exemption ay tutukuyin kung classified na distressed ang isang kumpanya

SFMD: Wala po iyan sa batas. Sa wage order, generally, may exemption for distressed company ngunit iyan ay bawat isang kumpanya pag-uusapan. Iyan ang mangyayari diyan, humihingi ka ng exemption sa DOLE. Pero dito sa PD 851 walang ganoong klaseng kapangyarihan ang DOLE para ito i-defer.

Q: On the 2021 budget

SFMD: Sa akin, dapat maaprubahan on 3rd reading ang 2021 budget para po makarating sa amin on time. Kailangan maipadala sa amin bago matapos ang buwan ng October para hindi tayo mapunta sa reenactment ng budget. Dahilan sa pwedeng naming talakayin sa senado ito mula November 9 hanggang 13 sa plenaryo. Sa November 18, pwedeng mag-bicam at sa November 30 ay maibigay naming sa Presidente. Sa akin po, pwedeng tumawag ulit ng special session on November 9, dahilan babalik kami ng Nov. 16. Kaya pwedeng tumawag ang Pangulo ng special session from November 9 to 13 para po makapagdebate sa plenaryo. Usually mga limang araw o pito pwede na iyan. Tatapusin namin yung debate from November 9 up to November 13 o hanggang November 16 o 17. Bigyan natin ng two weeks para matapos yung bicam.

Uulitin ko, yung special session pwede ring tawagin ulit sa November 9 para magkaroon ng sapat na panahon. Hindi pwedeng magkaroon ng reenacted budget. Dalawampung taon ko nang titiningnan ang budget, alam ko na ang sama ng epekto kapag nagkaroon ng reenacted budget lalo na ngayong may pandemya. Kaya aking sinasabi ay magtawag ang Presidente ng special session mula November 9-13 para magkaroon ng safety iyan.

News Latest News Feed