Press Release
October 11, 2020

TRANSCRIPT OF INTERVIEW SEN. IMEE R. MARCOS WITH PAUL GUTIERREZ OVER RADYO PILIPINAS

Q: Good morning po mam, Senator. Live na po tayo sa ating programang Meet the Press on Air nationwide dito sa Radyo Pilipinas, kumusta na po kayo mam?

SIRM: Mabuti naman, at eto nga mabuti nag-umpisa na yung ulan, tuwang-tuwa naman yung mga magsasaka, pero kulang na kulang, mababa na nga ang presyo ng palay ay wala pang nagdidilig mula sa langit, naku talagang pahirapan ito. Ang hirap hirap ng agrikultura ngayon.

Q: Mukhang itong nakaraang linggo ay parang umuulan din dyan sa Senado sapagkat I was reading all your releases, and I notice na magaganda po itong isyu na dinadala nyo ngayon, maybe unahin ko na itong isyu po ng Financial Technology o Fintech, gaya ng Gcash at Paymaya, I believe na mayroon kayong panawagan sa kanila mam na kung pwede ngayong panahon ng pandemya ay wag naman pong maningil ng kung ano-ano sa mga kababayan natin?

SIRM: Yun na nga, pambihira naman talaga naman na nagsusumikap ang ating pamahalaan na talagang magbawas ng hirap dito sa ating taumbayan, tapos tinanggal na naming yung bayarin, yung mga utang, may 60-days moratorium abay sa itong sa mga bangko naman, kung ano-ano ang ipinataw. May 5% additional, 30% additional. Wag naman silang ganyan, eto nga, naghahanap tayo ng pamamaraan na makatulong sa tao bigla naman kayong nag-increase nang kung ano-anong fees na hindi naman natin maintindihan, Ang sabi ko sa kanila makisuyo naman tayo. At least kayo kumikita, ang lakas nga ng online ngayon, yung Gcash, Paymaya, ang lakas-lakas nga ng online, ngayon pa kayo magsasamantala, wag naman! Konting malasakit naman!

Q: Parang di naman yata kayo pinakinggan kasi, yung service fee na 2% ay ako nadale ako nitong Gcash. Kamakailan lang, nagulat ako.

SIRM: Yun na nga, sabi ko nga sa kanila, hindi naman sila sumusunod, kapag ganyan, magpaimbestiga na tayo, kung saan ba napupunta ang additional percent, percent dyan, may additional P30, P5, di naman pinapaliwanag saan ba yan? Bakit biglang nangailangan ng ganyan, samantalang ngayon lang sila nakakadale ng transaction, aba'y nagsamantala pa. Hindi naman yata tama yun, so sabi ko sa kanila, pakisuyo naman. We are giving you a chance na tingnan ninyong maigi, kung tuloy-tuloy pa rin yan ay talagang magpa-pa-imbestiga na ako kasi di na nakatuwa yan, marami na sa mga nanay, mga kabataan yan na nga lang ang trabaho nila kasi ang daming nasi-sante sa trabaho, puro online sales na lang, yung niluluto, yung mga ginagawa ng ating mga nanay, online ang benta tapos dadagdagan nila ng fees and charges, wag naman!

Q: Yes mam, nagulat nga ako kasi for every certain amount ngayon ay 2% fee, kung titingnan ay maliit sa pandinig mam, pero translated into cash involving so many Filipinos, milyong Filipino napakalaki po ng kinikita nila sa loob ng isang araw, practically for doing nothing, Senator?

SIRM: Sinabi mo, at saka ang tanong saan ba mapupunta ang 2%, bakit dati nung kokonti lang yong transaksyon ay kayang-kaya nilang ibigay ng libre yung 2%. Bakit ngayon na ang dami-dami, at talagang kikita sila ng todo-todo, ngayon pa papatungan ng todo-todo rin...Baliktad naman yata ang mundo. Hindi ba pag mas maraming benta, mas lalong bababa ang presyo, baliktad naman yata ito.

Q: Kung ang mga ito po, hindi kayo pakikinggan madam Senator, you'll be forced to call an investigation on the issue mam?

SIRM: Yes, that's right, I will be compelled to call them for an investigation to explain exactly what's going on at hindi naman yata tama na nagsasamantala sila, palibhasa ang mga tao, hindi makalabas, di mabuksan yung mga tindahan, at online na lang ang transaksyon. Abay itataas ng todo-todo, syempre nakakapikon naman yung ganun, wag naman ganyan, kasi lahat tayo ay nag-eeffort na magtutulungan, bayanihan series tayo...ito nga yung mga bangko nagmagandang loob na 60-days hindi magbabayad kaagad-agad yung ating kuryente, yung tubig, 3 gives 4 gives pa..e makibagay naman sila. Hindi naman yata maganda yung ganyan.

Q: I hope, sana po nakikinig silang lahat sa inyo at matakot sa ginagawa nyong warning sa kanila na ngayong panahon ng pandemic ay they have to moderate their profit, di ba?

SIRM: Oo naman, mukha naman yung profit ay nagpo-profit na sila noong medyo malaki ang benta, di hamak na malaki ang profit nila, sila na lang yata ang kumikita ngayon, lahat hirap sa negosyo, pero yung mga online, kumikita yan, lalo na yung mga payment portal...so ang akin lang lang lahat tayo ay nagsa-sakripisyo, kasi alam natin hirap ang ating mga mamamayan abay, tumulong din naman sila. Hindi naman yata maganda yun...yung ating mga estudyante, di ba yung mga bagong graduate ng class 2020, wala namang trabaho yan kundi ang online tapos papatayin mo ng extra-fees na 2%, P30, P20, P5. Tama na!

Q: Mam, by the way, moving to another topic, meron akong natanggap na release from your office, parang umangat yata ang kilay mo dito sa ating National ID system?

SIRM: Nakakatawa naman tayo, etong mga kumpanya dapat blacklisted na yan kasi blacklisted na sa buong mundo. Kung tutuusin yang Smartmatic na yan, ang dami ng palpak na record sa ibang bansa. Bago magsi dating yan sa Pilipinas, alam na natin yun. Bakit hinahayaan pa natin, pinapanalo pa, ano ba tayo talaga, walang kadala-dala. Sabi na sa India, palpak yan (Madras Security Printers), may record na yan kung saan saang bansa na na-blacklist. Bakit yan na naman ang ating binigyan ng kontrata? Ang sabi yung national ID daw hindi yun plastic na parang credit card. Hindi daw e, ang ibibigay daw parang cartoon lang, mabubura yun, pambira! Konting ulan yan ay tunaw na tunaw na. Sabi ko, anong klaseng kapalpakan yan? Hindi yata tama ang record nila na walang kwentang kumpanya yan. E yan din ang nangyari sa Smartmatic, dami-daming record nyan sa ibang bansa, Venezuela, Indonesia, Amerika...ang dami-dami na nilang kapalpakan, kinuha pa rin natin ang Smartmatic.

Q: Syempre ang pinaka-notorious na na-Smartmatic ay yung kapatid mo, mam, si Bongbong Marcos di ba?

SIRM: Dito na yun sa Pilipinas, mabait lang yung kapatid ko, hindi umaalma, sa totoo lang sige sige lang sya sa SC. Pero talagang kababalaghan yung mga ginawa nila, grabe!

Grabe ang Smartmatic, yan na nga ang mahirap, itong national ID, bilyun-bilyon ang iaambag ng ibat-ibang bahagi ng pamahalaan, taun-taon yan may release para sa national ID bilyunes, isipin mo na yung tatanggap itong kumpanya na walang kakwenta kwenta, kung ano-anong karton ang ibibigay sa atin, hindi naman yung plastic na water proof na talagang pangmatagalan. Aba'y ito na na naman tayo, sino na naman ang nakinabang nito?

Q: Sino ba ang dapat magpaliwanag dyan, mam?, NEDA, PSA?

SIRM: Yung NEDA and PSA. Sila yata ang nagpa-bid out...It's an Indian company, hindi ko naman nilalahat maraming Indian company ang nag-ooperate sa Pilipinas sa mga call center, ang titinik ng mga yan, ang gagaling, hindi ko naman nilalahat. Dahil itong kumpanyang ito mismo sa India, blacklisted sa sarili nilang bansa, palpak daw. Tapos sa ibang bansa nangontrata rin sila ay nalusaw daw yung mga ID kasi hindi raw ung polycarbonate na talagang matibay na ginagamit sa pangmatagalang card. So ito nga, nagtataka ako pumasok na naman tayo sa mga alanganing kontrata. Unang una, hindi Pilipino ang pinagbigyan so ayaw na natin yan, dapat first choice Pinoy, ayan tulad ng Smartmatic. Tapos may record pang masama, tapos ikatlo, nakapagtataka binago-bago na naman ang qualifications na lahat nung mga requirement iisang kumpanya lang ang magko-comply.

Q: Kumbaga mam, tailor-made?

SIRM: Oo, parang tailor-fit lahat ng requirement doon sa kagamitan ng kumpanyang ito. Pagka-duda duda na natin dyan hindi pa ba tayo nadadala, pambihira, bakit tayo pasok ng pasok dyan...

Q: So, papaano po ang magiging next step nito mam isa pa ang problema nito mam, paano yung data security mam di ba?

SIRM: Isa pa yan. Yun nga ipinagtataka namin kasi di ba ilalagay natin ang lahat ng pangalan, edad, address, naku lahat nariyan abay, tapos after a while, ita-top up pa yan, dadagdagan pa ng impormasyon abay malalaman na nila lahat, mamaya kung saan ibenta yan, ibigay yan sa mga kumpanya. Higit sa lahat, ang masama dyan, baka maibenta pa nila sa mga criminal yan ang nakakatakot.

Q: Ano sabi sa inyo ng PSA at NEDA?

SIRM: Ang problema kasi ng NEDA, si Sec. Karl Chua, bagong-bago nabid-out naman talaga before his time. Ngayon, tinatanong nga naming ang PSA so magre-require kami dahil budget hearing ngayon, chance na nila na magpaliwanag, eh magtatanong kami nyan. Kasi kelangan ipaliwanag nilang maigi bakit iisang bidder na lang ang natira sa bandang huli. Kasi yung qualifications daw, iisang bidder lang ang mag-comply. Parang ano kaya yun, "lutong macau", nakakanerbyos e.

Q: Actually, mam. Dapat maintindihan nila kapag nagkamali-mali sila ay Ombudsman ang bagsak nila?

SIRM: Ayun na nga, yun ang nakakatakot dun, ayaw na nating mauwi sa kaso-kaso pagkatagal tagal at saka sa totoo lang tapos na ang boksing pagsapit na sa husgado..dapat iwasan na lang natin ang trouble, sakit ng ulo yan, di wag na nating pasukan in the first place kung bakit naman hindi pa rin tayo nadadala.

Q: Magkano po ba ang hinihingi dyan ng PSA for the initial (implementation) ng ating national ID?

SIRM: Ang laki nyan ha. Ang laki nyan kasi halos taon-taon, may P4B, P5B, P3B...kasi multi-year obligation, kasi hindi naman magagawa agad-agad ang mga national ID matatapos sa isang taon, so ang sinasabi pa nga nila unahin ang mga marginal sector, mga mahihirap ang uunahin para mapapakinabangan at maidistribute ng mahusay . . . kasi umaasa sa mga SAP, 4Ps, sa lahat ng ayuda, dapat sila ang mauuna. Baka sila pa ang madali nito, kaya nga most vulnerable yan, yan pa ang uunahin, mamaya kung ano-anong card yan...ito na naman tayo.

Q: Kelan haharap ang mga taga-PSA sa budget hearing? Ano ba talaga, ito ba ay makakatulong?

SIRM: Madami talagang involved dyan, ang National ID syang magiging basehan ng ibat-ibang ayuda ng gubyerno pati yung listahan ng PhilHealth, listahan ng SSS, lahat yan. Sooner or later matatali yan sa ating nat' ID kaya nga yun ang kagandahan ng national ID system. Kaso nga lang kung palpak naman at hindi maihold properly tapos yung card na ibibigay malulusaw sa konting ulan, naku ito na naman tayo. Tapos higit sa lahat yung peligro pa na mapunta sa walang kwentang grupo itong impormasyon, yan ang kinatatakutan ng lahat.

Q: Before I let you go, tanong ko lang mam, ano po ba talaga ang gagawin natin sa DOH, mukhang may nabisto na naman kayo andami pa palang gamot, bilyun ang halaga na hindi naman naididistribute.

SIRM: Nakakainis di ba, nakakangitngit dalang-dala na tayo dyan.. Last year, ganyan din, ilang bilyun-bilyon na gamot. Tapos this year, ipinagpipilitan nila tinuturo nila yung regional hospital daw sa probinsya, sa loob-loob ko ang totoo lang kulang na kulang ang gamot. Paano mabubulok pa yan ay kapos nga ano pang mabubulok dyan? Ang dahilan nila hindi yan pangkaraniwang gamot, pinagpipilitan nila yung mga dental daw, yung mga dentista hindi daw nagagamit. Ang sabi ko ano ba yan, taon-taon ba ganyan talaga, bakit pa kayo bili-bili ng gamot, hindi naman nauubos, eh di gamitin na lang sa high blood, cholesterol, e lahat nangangailangan nyan, pagkamahal-mahal nyan. Nagtataka talaga ako bakit bili kayo ng bili ng dental (equipment) at saka yung micro-nutrient sa mga batang maliliit. Ayaw nga nyan, ang kulang ng mga bata ay pagkain. Kain na lang, wag na yang mga micro-nutrients na yan na expire ng expire na hindi naman pala essential medicine. Ang sabi ko nga noong gobernor ako sa Ilocos (Norte), sa isang maliit na probinsya na dulo ng daigdig, mayroon kaming software, na first in, first out...alam mo naman ang laman ng bodega mo, ibigay mo na kaagad kaysa sa mabulok, bakit sila nabubulukan lagi.

Q:Mam, mukhang ang may problema yung kabilang logistic set-up ng DOH, and dahil nabisto ninyo mukhang naghahanap na lang ng masisisi itong mga nandyan sa DOH mam?

SIRM: Nakakatawa nga, ang itinuturo pa raw yung Eastern Visayas Medical center. Ang sabi ko naku-naku, wag na wag ninyong ituturo yan kabisado ko yan, yung nanay ko taga-diyan, pinapakialaman namin yan. Pati yung mayor dyan pinsan ko, congressman, pinsan buo ko. Naku wag ninyong ituturo kami, di kami nagbubulok ng medisina, kami nga yung nagpupumilit na magtatag ng ospital, wag kayong ganyan. Mali pa nga yung tinuro, nakakainis, ang sabi I have personal knowledge wag kayong ganyan.

Q:And they are also asking the same amount mam for the purchases mukhang wala naman pong kinauuwiang maganda para sa ating mga kababayan mam?

SIRM: Ewan ko nga bakit order ng order ng mga hindi essential medicine, kung ganyan din lang, wag na sa dental na never heard naman, syempre kung ganyan din lang pwedeng ibigay na ninyo sa mga ordinaryong tao, na kailangan ng mga gamot sa araw-araw, yung mga pang-diarrhea, mga sira ang tiyan, ubo, yung mga ganyan ba na talaga namang parating kapos. Sana iuwi na sa ganyan, nakakaduda tuloy sabihin na natin na mga "esoteric" na medisina, bakit yun ang binibili, di naman dpat yun.

Ang pinakaka-inis eto pa, may P71B na naman na subsidy ang gubyerno sa PhilHealth, sabi ko sa dinami-dami na bilyun-bilyon na nawawala sa PhilHealth...bakit naman bibigyan natin ng pera ang PhilHealth na yan. Ano ba? Di ba dapat hinto muna, alamin muna kung magkano talaga ang matitira dyan sa reserve fund ng PhilHeath na yan. Kasi magbigay tayo ng magbigay sa PhilHealth, mawawala at mawawala rin pala.

Q: Mam, given itong nadiskubre ninyong nabubulok gamot na gamot sa DOH, at problema sa PHILHEALTH? Do you think Sec. Duque is still on top of this situation mam?

SIRM: Well eto nga, may rekumendasyon dati ang mga senador, kung maaari pwede ba palitan na si Sec. Duque, ay taga amin, taga Pangasinan yan. Problema wala na talaga akong excuse sa tao, kung paano ba ipaliwanag, sobra nang kapalpakan at pagnanakaw nangyayari sa PhilHealth at saka sa DOH, wala na akong marason, so kahihiyan na talaga, so nagrecommend kami nang ganun. Syempre at the end of the day, si Presidente pa rin ang may say dyan, sabi ni Presidente kasi naiintindihan ko naman, mahirap na magpalit nasa gitna tayo ng pandemya, eto nga magpapalit ng kapitan. Totoo rin naman yun, kaya nga lang eto nga sana naman, kumilos naman itong (?) at itong kapitan higit sa lahat.

Q: Mam ito po kasing PhilHealth talagang walang choice ang gubyerno, kundi bigyan ng subsidiya mam, do you think tamang halaga ba yun na P71B na naman ang ibibigay sa PhilHealth?

SIRM: Akala naming lahat may P220B yung tinatawag na RESERVED FUND, talagang meron siyang puhunang sarili, yun ang pagkukunan nya yung kikitain nun. Ang kaso binabawasan ng binabawasan pala ng taun-taon nang walang awtoridad yun.

Supposed to be insurance yan, gaya ng GSIS, SSS mayroon dyang pondo talaga. Tapos yung interes nun yun ang magpapaikot, ipi-payout taon-taon. Ayun pala taon-taon, kung saan saan sila nagpo-fraudulent claim binabayaran itong mga hospital na hindi naman pala totoo, yung dialysis ng mga patay kung ano-anong upscaling ng pneumonia, e nag-Tylenol lang pala yung bata. Yung mga kalokohan na yan, sa sobrang daming palpak at hindi totoong claim, naubos na pala yang fund na yan.

Dati yun ang reporter nila, kaya yung gubyerno nao-obliga talagang magbayad ng pagkalaki-laki, kayat ito mag-imbestiga kaya muna, alamin natin magkano talaga ang pera nyan para baka yung P71B talaga kulang yun. On the otherhand, saan napunta yung bilyun-bilyon na nailagay na dyan?

Q: Mam, it turns out 220B na laging nirereport sa inyo sa Senado ng PhilHealth sa papel na lang pala yun?

SIRM: Oo, puros drawing na lang pala yun, naku kampante kaming lahat ayan ok naman may pera pa. Aba'y biglang may nagtestigong accountant ng PhilHealth, hindi na raw tatagal lampas ng 2021. Ang sabi ko sa susunod na taon na yan, ano ba kayo? Ay hindi kaya kailangan na naman namin ng pera. Aba'y teka-teka tingnan natin paano ba ang nangyari?

Q: Yun pala ang nadiskubre nyo mam na ito palang PhilHealth, without informing anyone, anybody even the President, even the Senate ay kumbaga ginagastos na nila ito, sila lang ang nakakaalam?

SIRM: Korek yun, inuubos ng inuubos ay hindi naman nirereport ng maigi, kunwari ay okay na okay sila at buong-buo pa yung reserve fund nila, yun pala kakarampot na lang ang natitira. Sana magtulong-tulong tayo, maganda naman ang hearing namin sa badyet, sana mapasa, hindi madelay for whatever reason sa Congress or anumang alitan, wag na nating isipin yung mga pulitika na yan, ang kailangan ngayon ay tulungan muna ang mga tao na nawalan ng trabaho, yung mga nagutom, yung mga nagkasakit, higit sa lahat ang mga doctor at nurse, Unahin na muna natin yan, para makatulong ng kaonti at maibsan ang hirap.

Q: Speaking of Congress, ang sabi ng ilang kaibigan natin dyan, actually kung nagkaroon ng eleksyon, ang mananalo dyan ay yung pinsan mo si Ferdinand Martin Romualdez?

SIRM: Ang sabi nga ay bumoto raw yung pinsan ko, masyadong mabait ang pinsan ko, ang sabi naman ay kung dadagdag naman ako sa gulo, wag na lang. nagkaka-bangayan na yung dalawa, dadagdagan ko pa ang sakit ng ulo ni Presidente, e di steady na muna ako sa majority, sabi ko nga, hindi fight, fight tayo, baka makatulong sa gulo. Ang sabi nya hindi, wag na wag na. Disappointed nga yung ibang barkada nya kasi may boto raw sila, pero ayaw na niyang makipag-bangayan, sobra-sobra na yung gulo...

Q: Any parting words po?

SIRM: Asahan po ninyo, narito po tayo at sa kabila ng lahat ng problema ay may solusyon, ImeeSolusyon! Pilitin natin na may solusyon, ImeeSolusyon, dahil kailangan natin na makaraos dito sa pandemya, alam natin na napakahirap ng sitwasyon at kinakailangan na buksan talaga ang ekonomiya. Kaya nga lang, maingat tayo sa lahat ng health protocols, higit sa lahat, kumbidahin ko na kayo sa Ilocos, bukas na kami, ang aking anak na Gobernador ay open for business ang Ilocos Norte. Mag-iingat lang, medical certificate lang at travel documents, you're welcome to Ilocos, Thank you!

News Latest News Feed