Press Release
October 12, 2020

Dispatch from Crame No. 941:
Sen. Leila M. de Lima on the Recent Bilibid Riot

10/12/20

Nine dead in the Bilibid riot. This is the highest number of dead in a single riot inside Bilibid that anyone can remember.

Apat na taon sa panunungkulan ni Duterte at kanyang mga tirador na BuCor Director-General, lalo lang sumasama ang kalagayan ng mga PDLs sa Bilibid, pagkatapos nilang ibato sa akin lahat na lang ng isyu doon pag-upo na pag-upo nila sa pwesto. Nakailang Director-General na si Duterte, ni isa sa kanila walang naayos sa mga problema na walang sawa nilang pinagbabato sa akin kahit sila na ang nakapwesto ng apat na taon.

Sa kayabangan nila na kaya daw nilang lutasin ang mga problema sa Bilibid, wala naman silang naipakikitang maayos na resulta.

Bagkus ay puro anomalya ang pinaggagawa nila sa loob ng apat na taon. Todo bigay sila ng mga pribilehiyo sa mga ginamit nilang mga testigo laban sa akin. Pinalabnaw nila ang GCTA at pinakawalan pati ang mga hindi pa dapat makalaya sa ilalim ng GCTA Law. Lumalala ang problema sa droga at iba pang mga kalokohan sa Bilibid. Ilan ang patay na inmates, o kunwaring namatay, dahil sa COVID-19. Ngayon siyam na patay naman dahil sa riot.

Sinisingil ba nila si SOJ Guevarra sa kapalpakan sa Bilibid katulad ng pagsingil nila sa akin? Ano ang gagawin mo, Sec. Guevarra, sa gitna ng mga anomalya at patayan sa Bilibid? Halatang di na kaya ng BuCor Director-General ninyo. Iyan ang magiging problema nyo sa Bilibid kapag taga-hagis lang ng granada ang karanasan sa jail management ng BuCor director nyo. Ni wala pa ngang nangyayari sa imbestigasyon ng DOJ sa mga COVID-19 victims kuno na namatay sa Bilibid.

Ang dali talagang mambato, di ba, kapag hindi kakampi at panggigipit lang ang layunin. Naghihintay na, Sec. Guevarra, ang sambayanan sa iyong napakatagal na aksyon sa mga anomalya at karahasang nangyayari sa Bilibid. Patunayan ninyo na hindi lang pag-imbento ng ebidensya sa mga kaso ko ang kayang gawin ng DOJ. ###

Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 941, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_no._941

News Latest News Feed