Press Release
October 13, 2020

Transcript of interview with Sen. Imee Marcos by Erwin Tulfo & Bongbong Marcos, Radyo Pilipinas

ET: Mam, di ko na ipapakilala itong partner ko.

SIRM: Parang di ko kilala yan, bakit naligaw yang ading ko na yan dyan?

ET: Mam, every Tuesday, kasama ko yan (BBM), partner ko. Tinutulungan tayo rito.

SIRM: Talaga naman, Manong Erwin, yan talaga ay maligalig kasi walang trabaho . . .

ET: Mam, tingnan mo ang aming views ngayon, 4.6K, tuwing umuupo siya rito aabot ako sa ganung live views, 4.6K.

BBM: Ngayong andyan na si Sen. Imee, dodoble na yan.

ET: Deretso na po tayo. May mga parents na nagrereklamo para raw hindi na-review, para raw hindi nabasang mabuti bago maimprenta, mali-mali raw po, Senadora, mam. Kayo po na nasa Committee on Educaton, ano po ang plano nyo rito, will you talk to the Department of Education, mam?

SIRM: Actually sa totoo lang, Erwin, talagang sinita na namin ang DepEd dahil ang natuklasan naming module may bastos na sagot, alam mo di naman ako malisyoso, bastos talaga, nakakaloka. Tapos ngayon, mali-mali naman ang arithmetic . . . 35 mistakes ang bilang namin, sabi ng isang kasama, 37. Si Bongbong makakatuklas pa yan ng mali-mali. Naawa naman ako sa DepEd, kasi paspasan naman talaga ang paggawa nila ng modules, baka naman nagkamali sa pag-type at sa pag-imprenta. Pero sana ayusin, nakakatakot, at yung ating mga titser dito sa Cordillera, sa Northern Luzon, sa Mindanao, talaga naman extra challenge ang pag-distribute ng modules, tapos pagdating ng module, walang nakaka-intindi at mali-mali. Nakakahiya naman. May reklamo rin ang ibang nanay, sabi ng ibang nanay kaya raw gusto magpa-aral kasi hindi raw sila nakapag-aral. At wala raw syang maintindihan sa module na pagka-komplikado noong high school.

ET: Mam, may isa pang concern. Actually, isa lang po nakapansin nito na viewer namin ni BBM last Tuesday na yung module daw ng anak nya binasa nya, I think sa History yata yun, yung tungkol sa mga Pangulo at mga legacies. Yung isa raw nakita nya sa legacy daw ni Cory Aquino ay ang pagpapalawig sa Agrarian Reform program o sa pag-uumpisa ng agrarian reform, ay hindi sya sang-ayon kasi alam nya raw si Ferdinand Edralin Marcos ang nagpasimuno ng Agrarian Reform at hindi si Corazon Cojuangco Aquino, Senadora, mam.

BBM: Sen. Imee, you are on the Committee on Education, pambihira naman, they should be reminded of Executive Order number 1 by President Marcos.

SIRM: More importantly yung P.D. No. 27, pero siguro yung pagpapalawig yun ng CARP, yung extended CARP na sa awa ng Diyos saksakan ng palpak na actually ang aking inihain na bill ngayon ay ipamigay na ang lupa ng libre, i-condone na natin ang utang ng ating mga marginal agrarian reform beneficiaries, eh wala namang pera, ano pa ang kokolektahin natin, alam naman natin yun, ngayon pang taghirap. At yung palay ay dumadagundong na lang sa P8 kada kilo. Aba'y ipamigay na natin ng libre yan. Wala namang silbi yan. In the meantime, ang DepEd baka kailangang mag-aral ng kaunti. Isa pang problema, Erwin, na kinatatakutan ko ay yong software na ginagamit. Sobrang open access yung DepEd software, na ang kinatatakutan ngayon may pumapasok na online child pornography solicitation, inaakit yung mga bata nitong mga foreign child pornographers na sumanib na dito sa criminal syndicate. Nakakatakot nga kasi tinutukoy ang Pilipinas na epicenter ng child pornography . . . nakakahiya pati ba naman yun, papasukan ng DepEd.

ET: Sana mam, maayos yan kaagad yan isyu na yan ano partner?

BBM: Oo talaga, bago yan, yung political na kulay, yan problema yan since '86, pero itong sa child pornography, I didn't hear it before, delikado yan. Nakakahiya naman yan.

SIRM: Yes, it's scary. Number one na tayo sa buong mundo. At ito pa.

BBM: Ganun ba kahirap i-secure yan, yung kanilang software?

SIRM: Yun na nga, sabi ko nga, yun mga ISP, yung mga telco kayang-kaya nilang i-filter yung kung ano-ano. Yung Facebook pini-filter nila ang Philippine Army, at yung pulis, aba kayang-kaya pala nilang i-filter. Ano ba naman yung pagsasamantala ng ating mga anak. Dapat naman i-filter yan at i-ban na yang mga yan. E walang takot ata kasi one billion dollar industry yan, malakas yata ang kita kahit pakonti-konti ang bayad na 3K, P1K. Ayun pala, lumolobo yan, pag kinumpuni mo ay lagpas pala ng one billion US-dollar industry na yan.

Erwin, one last no, na-late ako kasi nasa Department of Energy (hearing) kami, nakikinig sa energy requirements . . . ang sabi ng ERC, di ba meron tayong moratorium na wag magbabayad sa ating power connection, palugit ng kaonti, tapos yung MERALCO sabi hanggang October 31 . . . Yung iba kusa na talagang pinostponed pero hindi nila kakayanin na i-postpone forever, kaya coming Oct. 31, nanganganib na naman ang mga may bahay na puputulan ng kuryente ngayong kasagsagan ng pangangailangan ng kuryente, ngayong lahat ng anak natin nakatutok sa computer, kailangan ng ilaw, may aircon pa, naku talaga namang problematic yan. Pag pinutulan tayo ng kuryente, pati yung mga e-business na yan na lang ang trabaho ng ating mga kabataan at nanay pag naputulan ng kuryente, malaking problema yan. Kaya nananawagan ako sa ating ERC, sa ating mga utilities na please naman wag muna! At hindi natin kaya yan.

BBM: Tama yan, Sen. Imee, dahil kami ni Erwin namimigay kami ng tablet sa mga nangangailangan, hindi nila mapigilan ang sarili nila pag humingi ng tablet may kasamang manghingi ng tulong kasi naputulan na nga ng kuryente, naputulan na nga ng tubig. So this is . . . liquidity is the single most serious problem of every economy in the world ngayon . . . Walang cash, walang pera, kahit sino.

ET: Thank you very much, Senadora.

SIRM: Thank you very much.

News Latest News Feed