Press Release
October 31, 2020

Gatchalian on beating the COVID-19 'infodemic:' boost media and information literacy among learners

Amid the celebration of the Global Media and Information Literacy Week from October 24-31, Senator Win Gatchalian urged public and private schools to boost their initiatives against misinformation, especially those that concern COVID-19.

Since the country's more than 25 million learners are more exposed to various media because of distance learning, Gatchalian said that they are prone to encountering inaccurate information that could lead to confusion and panic. He pointed out, however, that since media and information literacy is part of the K to 12 curriculum, schools are crucial in beating what the World Health Organization (WHO) called the 'infodemic' crisis or the rise of misinformation and disinformation around the COVID-19 pandemic.

According to the United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), some of the most common themes of the infodemic include the origins and spread of the disease, false and misleading statistics, and dangerous information about diagnosis and treatment.

Gatchalian proposed that the Department of Education (DepEd) also tap the expertise of seasoned journalists who were already involved in training the so-called teacher-broadcasters. According to the lawmaker, seeking the input of these experts can be a boost to programs aimed at enhancing media and information literacy. At the local levels, Gatchalian said partners from local radio and television stations can also be tapped to help spread awareness.

Media literacy is also seen playing a key role in providing age-appropriate health education, Gatchalian pointed out.

According to the "Key Messages and Actions for COVID-19 Prevention and Control in Schools" by the United Nations Children's Fund (UNICEF), World Health Organization (WHO), and the International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), media literacy can empower students to be critical thinkers and makers, effective communicators and active citizens. Part of the proposed student activities related to this is the creation of public service announcements for social media, radio, and television.

"Ang pagkalat ng fake news o anumang maling impormasyon sa kalagitnaan ng isang pandemya ay kasing lala o mas malala pa sa isang malalang sakit na kailangan ding sugpuin. Mahalaga ang papel ng edukasyon sa pagbabahagi ng tamang impormasyon upang mas magabayan natin ang ating mga kababayan sa gitna ng kinakaharap nating krisis," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Sa pagsugpo natin sa COVID-19, higit na kailangan nating maturuan ang ating mga mag-aaral na maging mapanuri at maging aktibo sa pag-angat ng kanilang kaalaman," he concluded.

# # #

Labanan ang COVID-19 'infodemic', paigtingin ang media and information literacy -- Gatchalian

Sa gitna ng pagdiriwang ng Global Media and Information Literacy Week na nagtatapos ngayong araw, ika-31 ng Oktubre, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga pribado at pampublikong paaralan na paigtingin ang kanilang mga programa laban sa pagkalat ng maling mga impormasyon o minsinformation, lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa COVID-19.

Dahil ang mahigit dalawampu't limang (25) milyong mga mag-aaral sa bansa ay mataas ang exposure sa iba't ibang anyo ng media dahil sa distance learning, nagbabala si Gatchalian na mas nanganganib silang makatanggap ng mga maling impormasyon na maaring magdulot ng kalituhan. Ngunit dahil ang media and information literacy ay saklaw ng K to 12 curriculum, mahalaga ang papel ng mga paaralan upang masugpo ang lantarang pagkalat ng mga maling impormasyon o ang tinatawag ng World Health Organization (WHO) na 'infodemic crisis' hinggil sa COVID-19, sabi ng mambabatas.

Ayon sa United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), ilan sa mga tema ng infodemic ay ang pinagmulan at kung papaano kumakalat ang sakit, mapanlinlang na mga datos, at mapanganib na impormasyong may kinalaman sa lunas at paggamot ng naturang sakit.

Upang mapaigting ang mga programa sa media and information literacy, ipinapanukala rin ni Gatchalian na palawigin ng DepEd ang pakikipag-ugnayan nito sa mga batikang mamamahayag na una nang nakapagbigay ng pagsasanay o training para sa mga tinaguriang teacher-broadcasters. Maaari rin aniyang makipagtulungan sa mga lokal na istasyon ng radyo at telebisyon sa iba't ibang probinsiya para sa distance learning.

Mahalaga rin ang papel ng media literacy para sa pagpapaigting ng edukasyon sa kalusugan, ani Gatchalian.

Batay sa "Key Messages and Actions for COVID-19 Prevention and Control in Schools" na binuo ng United Nations Children's Fund (UNICEF), WHO, at International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), mahalaga ang papel ng media literacy upang maging mapanuri ang mga mag-aaral, mahasa ang kanilang kakayahan sa komunikasyon, at maging aktibo sa kanilang pakikilahok sa lipunan.

Bahagi ng rekomendasyon ng tatlong organisayon ang paglikha ng mga public service announcement sa radyo, telebisyon, at social media.

"Ang pagkalat ng fake news o anumang maling impormasyon sa kalagitnaan ng isang pandemya ay kasing lala o mas malala pa sa isang delikadong sakit na kailangan ding sugpuin. Mahalaga ang papel ng edukasyon sa pagbabahagi ng tamang impormasyon upang mas magabayan natin ang ating mga kababayan sa gitna ng kinakaharap nating krisis," ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Sa pagsugpo natin sa COVID-19, higit na kailangan nating maturuan ang ating mga mag-aaral na maging mapanuri at maging aktibo sa pag-angat ng kanilang kaalaman," pahayag ng mambabatas.

News Latest News Feed