Press Release
November 2, 2020

Gatchalian: It's high time to put up permanent evacuation centers

Senator Win Gatchalian said the government should seriously consider constructing permanent disaster-resilient and fully-equipped shelters for evacuees during natural calamities.

"Experience has taught us, like the harrowing super typhoon Yolanda, to rethink our strategies in emergency preparedness and invest in sophisticated early warning systems to mitigate the number of casualties," the senator said.

"Typhoons are natural occurrences which allow us ample time to prepare for any eventuality and given the frequency of tropical cyclones in our country yearly, the exigency of having permanent evacuation centers in the most vulnerable communities is something that should be given serious consideration," he added.

Gatchalian has taken the initiative of filing Senate Bill No. 747 which seeks to establish structurally sound evacuation centers, especially in municipalities and cities prone to typhoons, flooding and other calamities.

"It's high time that we put behind the thinking of converting public schools and basketball courts as the go-to places whenever there's forced evacuation. We should instead put up a facility for evacuees that can withstand wind speeds of 320 kilometers per hour (kph) or 200 miles per hour (mph) and moderate seismic activity of at least 7.2 magnitude," he stressed.

Fully-equipped and fully operational, Gatchalian said the permanent evacuation centers should also ensure that there will be no congestion as public health and safety concerns should be considered in the suitability of the premises especially during pandemic.

Besides the provision of water and electricity, Gatchalian said these facilities should have the most basic amenities such as sleeping area, eating area, shower and toilet, kitchen and food preparation area, laundry area, clinic and isolation area for potentially infectious people and pet and livestock holding area.

Under the proposed measure, priority will be given to local government units with the most vulnerable communities and with less secure infrastructure based on the assessment of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gatchalian said it is imperative that strict compliance with the National Building Code of the Philippines is observed and that inputs of structural engineers are integrated into the design and specifications of evacuation centers to ensure that it can withstand climatic and other hazards.

"Bigyan natin ang mga biktima hindi lang ng dignidad kundi kapanatagan ng loob sa gitna ng kinakaharap nilang kalamidad. Dapat masiguro nating nasa maayos na lagay sila. At kung may mga ganitong pasilidad, mas madali natin silang mahikayat na lumikas kung kinakailangan para masiguro ang kanilang kapakanan," he concluded.

# # #

Panahon na para sa permanenteng evacuation centers! - Gatchalian

Nanawagan si Senador Win Gatchalian na isaalang-alang na ang pagpapatayo ng mga matitibay at may sapat na pasilidad na evacuation centers para sa mga ililikas tuwing may kalamidad. Higit sa lahat, dapat permanente na ang mga ito aniya.

"Dapat natuto na tayo base sa naging karanasan natin noong manalasa ang hindi makakalimutang super typhoon na Yolanda at pag-aralang maigi ang mga diskarte sa emergency preparedness. Kinakailangan ding mamuhunan sa mga dekalidad na early warning systems upang maiwasan ang mga nasasalanta sa tuwing may bagyo o anumang kalamidad," ani Gatchalian.

"Tuwing may paparating na bagyo, nabibigyan tayo ng sapat na panahon para maisalba ang ating mga sarili at mga gamit. Sa dami ng bilang na tinatamaan tayo ng bagyo taon-taon, ang pagkakaroon ng maayos na matutuluyan ng mga apektado nating mga kababayaan ay dapat palaging isinasaalang-alang," dagdag pa ng senador.

Layon ng panukalang inihain ni Gatchalian o ang Senate Bill No. 747 na magtatag ng mga ligtas na matutuluyan o evacuation centers sa lahat ng munisipyo at mga lungsod na karaniwang nasasalanta ng mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad.

"Panahon na para isantabi natin ang nakagawiang pagpapatuloy sa mga eskwelahan o 'di kaya ay basketball court ng mga inililikas nating kababayan. Dapat mayroon na silang matutuluyan na permanenteng pasilidad na hindi matitinag ng lakas ng bagyo na umaabot sa 320 kilometers per hour (kph) o 200 miles per hour (mph) at lindol na may moderate seismic activity na 7.2 magnitude," pagdidiin ni Gatchalian.

Ipinapanukala ni Gatchalian na dapat may sapat na pasilidad ang mga evacuation center na ito at tiyakin na hindi siksikan ang mga residente para masiguro ang health and safety protocols sa kasagsagan pa rin ng pandemya.

Bukod sa maayos na suplay ng tubig at kuryente, iminungkahi din ni Gatchalian ang pagtatalaga ng maayos na lugar para sa tulugan, kainan, palikuran, lutuan, labahan, clinic at isolation area para sa mga taong may mga nakahahawang sakit at sapat na lugar para sa mga alagang hayop.

Sa kanyang panukala, bibigyan ng prayoridad ang mga local government units (LGUs) na karaniwang nasasalanta ng kalamidad at walang sapat na ligtas na evacuation center base na rin sa pagsusuri ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Importante aniya ang pagsunod sa alituntunin ng National Building Code of the Philippines sa pagpapagawa ng mga ganitong istraktura at pagpapahalaga sa mga payo ng mga eksperto nang sa gayon ay masiguro ang matibay na pundasyon para sa kanlungan ng mga biktima ng kalamidad.

"Bigyan natin ang mga biktima hindi lang ng dignidad kundi kapanatagan ng loob sa gitna ng kinakaharap nilang kalamidad. Dapat masiguro nating nasa maayos na lagay sila. At kung may mga ganitong pasilidad, mas madali natin silang mahikayat na lumikas kung kinakailangan para masiguro ang kanilang kapakanan," pagtatapos ni Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed