Press Release
November 9, 2020

Gatchalian: Non-performing GOCCs' subsidies should augment disaster relief, COVID-19 programs

Senator Win Gatchalian broached the idea of realigning some of the P200 billion subsidies appropriated for 2021 to losing government-owned and controlled corporations (GOCCs) to augment funds needed in pandemic and calamity response efforts.

Being a high-risk country in experiencing natural calamities, Senator Gatchalian emphasized that the Philippines should always prepare for any disasters that occur every year. Add to this, he said, are COVID-19 recovery efforts that are likely to continue by 2021 if a vaccine has not yet been developed by that time.

"We have seen the recent destruction of typhoons Quinta and Rolly. Government resources are getting limited due to the coronavirus pandemic and have become more troublesome because of the devastation left behind by the recent spate of typhoons," said Gatchalian.

In a recent Senate budget hearing, Gatchalian noted the continuing allocation in the proposed 2021 national budget of P201 billion as subsidies to 118 GOCCs that remitted only P47 billion dividends last year.

Governance Commission for GOCCs (GCG) Chairman Samuel Dagpin Jr. told the Senate Finance Subcommittee that some underperforming GOCCs have been recommended to be abolished and one of which is PNOC Renewables Corporation (PNOC RC), a subsidiary of Philippine National Oil Company (PNOC), as it has been operating at a loss for the past seven years.

Dagpin told Gatchalian that the GCG had already submitted a recommendation to the Office of the President as early as March to abolish PNOC RC.

Gatchalian, as the Vice Chairperson of the Committee on Finance, recommended that PNOC should not give any funds to PNOC RC, except if it is for the purpose of winding up the corporation.

"I cannot, in my good conscience, endorse any new funds and I recommend to the management to start the proceedings of absorption, winding down and also probably liquidating or divesting the assets of PNOC RC. That is my recommendation and we will proceed with that recommendation in plenary," Gatchalian stressed.

"There's nothing personal here. This is in line with my mandate of representing the people and making sure that taxpayers' money are well spent," the senator further emphasized.

# # #

Gatchalian: Subsidiya ng mga naluluging GOCCs ilagak na lang sa disaster relief, COVID-19 programs

Para mapunan ang pangangailangan sa pagtugon sa pandemya at kalamidad, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian na ilipat na lang dito ang ilang bahagi ng P200 bilyong subsidiya sa susunod na taon na ibibigay sa mga naluging government-owned and controlled corporations (GOCCs).

"Habang nagiging limitado ang pondo ng gobyerno dahil sa gastusin sa coronavirus pandemic, mas naging nakakabahala ang sitwasyon matapos ang sunod-sunod na pagtama ng mga bagyo na nag-iwan ng malaking pinsala sa atin," ani Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na dahil sa taon-taon tayong dindadalaw ng kalamidad, dapat pinaghahandaan na rin ito ng gobyerno taon-taon sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking pondo para sa kaligtasan ng mga tao at tulungan agad silang makabangon sakali mang masanlanta ng mga kalamidad. Bukod dito aniya ay magpapatuloy pa rin ang mga programa kontra sa pandemya sa susunod na taon.

"Sira ang mga tahanan at nawala ang ari-arian ng mga kababayan nating nasalanta ng mga magkakasunod na bagyo. Lugmok na rin ang mga lokal nilang opisyal sa kawalan ng pondo para sa kanilang mga nasasakupan dahil nagastos na nila itong pang-ayuda sa mga tao magmula ng magkaroon ng Covid-19 pandemic," dagdag pa ng senador.

Sa isang budget hearing sa Senado, napag-alaman ni Gatchalian na may inilaang P201 bilyong subsidiya sa panukalang 2021 national budget para sa 118 GOCCs.

Sa nasabing pagdinig, binanggit ni Governance Commission for GOCCs (GCG) chairman Samuel Dagpin Jr. na ang ilan sa mga naluluging GOCCs ay inirekomenda na nilang buwagin at ang isa dito ay ang PNOC Renewables Corporation (PNOC RC), isang subsidiary ng Philippine National Oil Company (PNOC), na pitong taon nang hindi kumikita.

Dagdag pa ni Dagpin na nagsumite na ang GCG ng rekomendasyon sa Office of the President noon pang Marso para tuluyan nang ipatigil ang operasyon ng PNOC RC.

Sa mga sumunod na pagdinig kung saan tinalakay ang 2021 budget ng Department of Energy (DOE), nabanggit ni Gatchalian, na siyang Senate Energy Committee Chairman, na hindi na nya i-e-endorso sa PNOC ang pagbibigay ng anumang pondo sa PNOC RC sa kadahilanang ibinigay ng GCG.

"Wala nang dahilan para i-endorso ko ito lalo na't may isang ahensya na nagsasabi na dapat nang i-abolish ang PNOC RC," pahayag ni Gatchalian.

"Mas mamarapatin kong irekomenda sa mga namahahala nito na simulan na ang proseso ng absorption ng mga empleyado, pati na rin siguro ang liquidation at pagsasaayos ng mga assets ng PNOC RC. Iyan ang aking rekomendasyon at iyan din ang aking magiging rekomendasyon sa plenaryo ng Senado," giit ni Gatchalian.

"Hindi personal ang naging basehan ko dito. Ito ay naayon sa mandato ko bilang kinatawan ng publiko at sa pagsisiguro na ang perang mula sa mga taxpayers ay hindi nasasayang," pagtatapos ng senador.

# # #

News Latest News Feed