Press Release
November 10, 2020

Gatchalian hails Senate nod of teaching supplies' allowance increase

Senator Win Gatchalian hailed the Senate's third reading approval of a measure that would increase teachers' allowance for teaching supplies.

Senate Bill No. 1092 or the Teaching Supplies Allowance Act of 2020, which Gatchalian co-authored and co-sponsored, aims to institutionalize and increase the annual teaching supplies allowance, previously known as the "chalk allowance," from the current P3,500 to P10,000 by S.Y. 2024-2025.

The increase, however, would be gradual considering the fiscal burden that the country faces because of the COVID-19 pandemic. For S.Y. 2021-2022 and S.Y. 2022-2023, the teaching supplies allowance would be P5,000 per teacher, which would increase to P7,500 for S.Y. 2023-2024. By 2024-2025 onwards, the amount would be P10,000.

While Gatchalian originally proposed an amount of P5,000 for the teaching supplies allowance before the pandemic, he welcomed the increases that he said would help teachers cope with challenges in the roll-out of distance learning.

Under the measure, this allowance can be used to purchase teaching supplies and materials for the implementation or conduct of various learning modalities. Once approved into law, the allocation for the teaching supplies allowance will be included in the General Appropriations Act (GAA) and charged against the budget of the Department of Education.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture pointed out that prior to the pandemic, teachers have been shelling out money from their own pockets to augment the teaching supplies' allowance they receive annually. The pandemic exacerbated this challenge as teachers face additional expenses related to distance learning, including the cost of internet connectivity, Gatchalian explained.

According to the senator, the measure is timely and essential to support teachers who have been serving as "frontliners" of learning continuity.

"Napapanahon nang taasan natin ang pondong ibinibigay sa mga guro para mabili nila ang kanilang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sa ating pag-responde sa mga hamon ng pandemya at sa pagbangon ng sektor ng edukasyon, nararapat lang na ibigay natin ang lahat ng suporta para na rin sa kapakanan ng mga estudyanteng tinuturuan nila," said Gatchalian.

"Hindi na natin dapat hayaan ang mga gurong mag-abono ng malaking halaga upang magampanan nila ang kanilang tungkulin," he added.

# # #

Panukalang pagtaas sa teaching supplies allowance ng mga guro aprubado na sa Senado

Ipinagbunyi ni Senador Win Gatchalian ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na taasan ang teaching supplies allowance ng mga guro.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1092 o ang Teaching Supplies Allowance Act of 2020, ang kasalukuyang tatlong libo at limang-daang (3,500) piso na natatanggap ngayon ng mga guro ay magiging sampung libong (10,000) piso na sa School Year (S.Y.) 2024-2025. Sa ilalim din ng panukalang batas, magiging bahagi na rin ang allowance na ito ng mga guro sa taunang budget ng Department of Education. Si Gatchalian ay isa sa mga may akda at co-sponsor ng naturang panukla.

Unti-unting tataas ang naturang allowance simula sa susunod na taon hanggang sa 2025.

Para sa S.Y. 2021-2022 at S.Y. 2022-2023, ang teaching supplies allowance na matatanggap ng bawat guro ay magiging limang libo na (5,000) piso. Aakyat ang halagang ito sa pitong libo at limang-daang (7,500) piso para sa S.Y. 2023-2024 hanggang sa maging sampung libo para sa S.Y. 2024-2025 at sa mga susunod na taon.

"Napapanahon nang taasan natin ang pondong ibinibigay sa mga guro para mabili nila ang kanilang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sa ating pag-responde sa mga hamon ng pandemya at sa pagbangon ng sektor ng edukasyon, nararapat lang na ibigay natin ang lahat ng suporta para na rin sa kapakanan ng mga estudyanteng tinuturuan nila," ani Gatchalian.

Bago sumiklab ang pandemya, unang pinanukala ni Gatchalian ang halagang limang libong (5,000) piso para sa teaching supplies allowance. Ngunit dahil malaking hamon para sa mga guro ang pagpapatupad ng distance learning sa gitna ng pandemya, nararapat lamang na taasan ang panukalang halaga bilang suporta sa mga guro, paliwang ni Gatchalian. Sa ilalim kasi ng panukalang batas, maaaring gamitin ang naturang allowance para matustusan ang paggamit sa iba't ibang learning modalities.

Dagdag pa ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, humuhugot ang mga guro mula sa sarili nilang bulsa upang makabili ng sapat na kagamitan sa pagtuturo, lalo na't hindi sapat ang kasalukuyang halagang natatanggap nila taon-taon. Lumala pa ang suliranin dahil sa pandemya kung saan kinakailangan na ring tustusan ng mga guro ang mga bagay tulad ng internet connectivity.

"Hindi na natin dapat hayaan ang mga gurong mag-abono ng malaking halaga upang magampanan nila ang kanilang tungkulin," dagdag na pahayag ng senador.

# # #

News Latest News Feed