Press Release
November 18, 2020

Transcript of DZBB interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: Ang sabi n'yo nga, if it ain't broke, why fix it. Ano po ang assessment n'yo sa sunud-sunod na bagyo?

SFMD: Ang kailangan natin ngayon ay dagdag na calamity fund, hindi dagdagan ang bilang ng secretary, undersecretaries, assistant secretaries, regional directors at assistant regional directors. Dahilan ang calamity fund natin sa kasalukuyang taon ay P16 billion lamang at P20 billion next year. Sa katunayan noong 2019 ay P20 billion bumaba pa ngayong taon. Ang laki ng damage sa atin paligid, aabot ng billion, hindi sapat ang calamity fund, maliban pa roon sa mga tinamaan ng Covid-19.

Alam n'yo ba na mayroong 1.8 million kawani sa national government. Iyan ay maliban sa mga kawani sa LGUs. Yung payroll lang sa national government ay P1.18 trillion at ang budget sa susunod na tayon ay P1.3 trillion. Kaya siguro dapat mag-ingat lang tayo rito. Karagdagang gastos ang bawat departamento na itatayo natin. Ang estimate ng DBM mga P1.5B ang kailangan sa bawat dept in terms of salaries at operating expenses. Mayroong bills sa Senate na nagpapanukala na magtayo ng 7 departamento - Dept. Disaster Resilience, Dept. of OFWs, Dept. of Water, Dept. of Fisheries, Dept. Sports, Dept of Highland Security, Dept. of Culture. Dito lang sa 7 departamento, ang kailangan natin bawat taon ay at least P10.5 billion sa sweldo at operating expenses. Yet, may mga ahensya diyan na yung mga mandate ay nawaga na tulad ng DAR. Ang mga serbisyo na dapat nilang gawin sa mga beneficiaries ay pwede nang gampanan ng DA at DENR.

Kaya ko sinusuportahan ko ang panukalang batas ni Sen. Sotto na dapat i-rationalize muna yung bureaucracy, mag-offer ng voluntary retirement, para ma-rationalize muna natin ang structure ng ating bureaucracy bago magbuo ng bagong department. Ang sabi pa ni Sec. Recto kahapon siguro sa susunod na taon huwag muna tayo magtayo ng bagong ahensya, bigyan muna natin ng pondo para sa Covid-19 vaccines, P100 billion ang kailangan dito. Yung bagyo, kailangan natin ng malaking budget para tugunan ang mga nasirang agrikultura at imprastraktura. Hindi panahon ngayon na magbuo ng bagong departamento. Siguro ngayon pa lang taong ito, wala akong nakitang budget na sobrang laki ng pangangailangan ng bayan except sa budget next year. Kaya dapat ipagpaliban muna natin ang pagtatayo ng bagong department. I-rationalize muna natin ang number of employees ngayon.

Q: Ano po ang suhestyon rito para tugunan yung mga nakulangan sa response dito sa calamity?

SFMD: Ang dapat ay dagdagan ang calamity fund at palakasin ang NDRRMC. Sinusuportahan ko na palakasin ang ahensya rather than making a new department.

Q: Sabi n'yo nga ipagpaliban muna dahil sa timing at money involved to create a new department. Ito pong panukala ni Sen. Lacson na dapat may dedicated office under OP na bigyan din ng cabinet rank.

SFMD: Ako ay sang-ayon sa sinasabi ni Sen. Lacson. Yung sinasabi niya na palakasin ang NDRRMC. Yung task force na pinamumunuan ng Executive Secretary. Yung task force hindi uubra unless yung puno ng task force ay may kapangyarihan sa pamahalaan tulad nitong task force na pinamumunuan ni ES Medialdea.

News Latest News Feed