Press Release
November 21, 2020

Gatchalian conducts ocular in Cagayan, Isabela to ascertain damage of typhoon

Senator Win Gatchalian conducts site inspections in Cagayan and Isabela provinces today as a prelude to the anticipated Senate probe on the severe flooding in several parts of Luzon following the onslaught of typhoon Ulysses more than a week ago.

Gatchalian, Vice Chairman of Economic Affairs Committee, said he wanted to personally ascertain the damage left behind by deep floods that practically submerged the entire Cagayan province and some parts of Isabela ahead of the said Senate inquiry.

"There may be a need to revisit the protocols being observed by those in the know in order to prevent this from happening again or at the very least, lessen the damage to properties, infrastructure and agriculture," the senator explained.

"Paulit ulit na lang itong mga ganitong pagbaha. Hindi ito ang unang pagkakataon na ganito kalawak ang naging pinsala ng pagbaha dulot ng pagbubukas ng mga dam, hindi lang ng Magat kundi pati 'yung iba na nakaapekto rin sa Marikina. Gusto kong malaman kung bakit paulit-ulit na lang ito," Gatchalian added.

The entire system, the release of water from the dam all the way to the catchment and river basin, should be studied very carefully not only in Cagayan but in other areas that were flooded at the height of typhoon Ulysses, the senator said.

"Ang pagdinig ay tungkol sa pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam. Ganito rin ang nangyari noong bagyong Ondoy ilang taon na rin ang nakalipas. Hindi pwedeng paulit-ulit na lang ito dahil maraming ari-arian ang nasisira at maraming buhay ang nasasakripisyo," he added.

Gatchalian is distributing 2,000 sacks of rice worth P4 million from the city government of Valenzuela for residents in Tuguegarao, Aparri, Enrile, Solana, Amulung in Cagayan and Cabagan, Ilagan and Tumauini in Isabela. The senator is joined by Valenzuela Vice Mayor Lorie Natividad-Borja and Councilor Rovin Feliciano.

The senator's family is separately donating one million peso-worth of sacks of rice to the Cagayan Provincial Government, Tuguegarao City, and the municipality of Aparri, the hometown of the Gatchalian matriarch. They will also give out face masks, face shields, and slippers to ensure that everyone is protected from COVID-19.

Officials from Cagayan and Isabela receive the said donations in a turnover ceremony.

# # #

Gatchalian inalam ang lawak ng pinsala ng pagbaha sa Cagayan, Isabela

Iikot ng Cagayan at Isabela si Senador Win Gatchalian para mag-inspeksyon at personal na alamin ang lawak ng pinsalang idinulot ng

bagyong Ulysses bago buksan ng Senado ang imbestigasyon hinggil dito.

"Baka kinakailangang repasuhin ang mga protocol na sinusunod ng mga may kinalaman sa pagpapatakbo ng mga dam nang sa gayon ay hindi na maulit ang perwisyong dulot ng pagbaha na sumira ng mga ari-arian, imprastraktura at agrikultura at kumitil ng buhay ng ilan," ayon sa senador.

Ang pagpapakawala ng tubig ng Magat dam ilang araw bago dumating ang bagyong Ulysses ang tinuturong nagpalala ng pagbaha sa mga nasabing probinsya.

"Paulit ulit na lang itong mga ganitong pagbaha. Hindi ito ang una na ganito kalawak ang pagbaha dulot ng pagbubukas ng iba't ibang dam, hindi lang ng Magat kundi pati 'yung iba na nakaapekto rin sa Marikina. Personally, gusto ko malaman bakit paulit-ulit na lang ito," diin ni Gatchalian.

Sa pagsasagawa ng pagdinig, kinakailangang pag-aralang mabuti ang kabuuan ng sitwasyon mula sa pagpapakawala ng tubig sa dam hanggang sa pagdaloy nito sa catchment at river basin hindi lang sa Cagayan kundi pati maging sa ibang lugar na sinasabing naapektuhan ng pagpapakawala ng tubig mula sa dam noong kasagsagan ng bagyong Ulysses, sabi ng senador.

Minabuti na rin ni Gatchalian na gamitin ang pagkakataon ng kanyang pagbisita sa dalawang probinsya para makapaghatid ng tulong sa mga residente ng Tuguegarao, Aparri, Enrile, Solana, Amulung sa Cagayan at Cabagan, Ilagan at Tumauini sa Isabela.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, namigay ng dalawang libong sako ng bigas ang senador na may kabuuang halagang P4 milyon. Kasama sa pagbisita sina Valenzuela Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at Councilor Rovin Feliciano.

Makikipagpulong sila sa mga opisyal ng Cagayan at Isabela na silang pormal na tatanggap ng mga donasyon sa isang turnover ceremony.

Mamimigay rin ng hiwalay na tulong ang pamilya ng senador sa mga nasalantang lugar. Sako-sakong bigas rin na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang ipapaabot nila para sa Cagayan Provincial Government, Tuguegarao City, at munisipalidad ng Aparri, ang bayan ng butihing ina ng mambabatas.

At para siguruhing protektado ang mga residente laban sa COVID-19, mamimigay din ng face masks, face shields, at tsinelas ang senador at pamilya nito.

# # #

News Latest News Feed