Press Release
November 22, 2020

Gatchalian bats for typhoon-resistant school buildings

Senator Win Gatchalian is urging the Department of Education (DepEd) and the Department of Public Works and Highways (DPWH) to convert school buildings into typhoon-resistant structures.

Considering the Philippines' exposure to natural calamities and hazards all-year round, the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture explained that having typhoon-resistant school buildings would be a long-term investment on the safety of schools, which sometimes serve as evacuation centers.

Gatchalian's Senate Bill No. 747, which seeks to establish a permanent evacuation center in every city and municipality, also proposes that in order to ease the pressure on classrooms of schools already utilized as evacuation centers, constructing additional facilities in these schools is an option.

While they are not built to serve as evacuation centers, schools are normally utilized in the country as such during calamities.

SB 747 or the Evacuation Center Act has identified standards for the improvement of school structures. Under the proposed measure, the design of new evacuation centers and improved facilities should be able to withstand wind speeds of 320 kilometers per hour or 200 miles per hour and moderate seismic activity of at least 7.2 magnitude. These structures should also use materials in accordance with the National Building Code of the Philippines (Republic Act No. 6541).

"Sa ating pagkukumpuni o pagpapatayo ng mga bagong gusali sa mga paaralan, kailangang siguruhin nating ang disenyo ng mga ito ay kayang makaiwas sa pinsalang maaaring idulot ng mga kalamidad," said Gatchalian.

"Ang pagkakaroon ng matitibay na mga paaralan ay mahalaga hindi lamang para sa agarang pagpapatuloy ng edukasyon. Dahil ang mga paaralan natin ay madalas nagsisilbi ring mga evacuation centers, kailangang siguruhin natin ang kaligtasan ng mga ito sakaling sumilong dito ang mga residente sa tuwing may kalamidad," he added.

A DepEd official had said that substandard construction is one of the reasons why many schools sustain damages during typhoons and other calamities, adding that based on observation, ceilings of buildings constructed from 2014 to 2019 are likely to collapse. The official also said that classroom windows and roofs should have storm protectors to make schools more calamity-resilient.

For Gatchalian, roofs should instead be replaced with concrete roof decks, which would spare the government from the cost of replacing damaged roofs every time a typhoon hits.

Based on the Education Cluster Report as of November 15, Typhoon Ulysses has damaged 1,190 schools in 67 divisions. Super typhoon Rolly on the other hand, damaged 1,739 schools in 36 divisions. DepEd estimates that P8.9 billion is needed to rebuild these storm-hit schools.

# # #

Gatchalian: patatagin ang mga gusali ng paaralan laban sa mga kalamidad

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyaking ang mga gusali ng mga paaralan ay kayang tumindig sa gitna ng paghagupit ng mga bagyo.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang mga typhoon-resistant buildings ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga paaralang kadalasan ay nagsisilbing mga evacuation center. Bagama't ang mga paaralan ay hindi tinayo upang magsilbing evacuation center, patuloy pa ring ginagamit ang mga ito sa ganoong paraan.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 747 ni Gatchalian na naglalayong magpatayo ng permanenteng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa, layon din ng naturang panukalang batas na magpatayo ng mga dagdag na pasilidad sa mga paaralan na magsisilbing evacuation center.

Ayon pa sa panukala, dapat ang mga gagawing evacuation center ay kayang labanan ang hanging may bilis na 320 kilometers per hour o lindol na hindi bababa sa 7.2 magnitude. Dapat ding sumusunod ang mga bagong pasilidad na ito sa National Building Code of the Philippines (Republic Act No. 6541).

"Sa ating pagkukumpuni o pagpapatayo ng mga bagong gusali sa mga paaralan, kailangang siguruhin nating ang disenyo ng mga ito ay kayang makaiwas sa pinsalang maaaring idulot ng mga kalamidad," ani Gatchalian.

"Ang pagkakaroon ng matitibay na mga paaralan ay mahalaga hindi lamang para sa agarang pagpapatuloy ng edukasyon. Dahil ang mga paaralan natin ay madalas nagsisilbi ring mga evacuation centers, kailangang siguruhin natin ang kaligtasan ng mga ito sakaling sumilong dito ang mga residente sa tuwing may kalamidad," dagdag ng senador.

Ayon sa isang opisyal ng DepEd, ang substandard construction ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang maraming mga paaralan tuwing bumabagyo. Obserbasyon ng naturang opisyal, malaki ang posibilidad na gumuho ang kisame ng mga gusaling ipinatayo noong March 2014 hanggang 2019. Dapat din aniyang lagyan ng storm protector ang mga bubong at bintana ng mga paaralan upang mas maging ligtas ang mga ito.

Para naman kay Gatchalian, isa sa mga solusyon ang paglalagay ng mga roof decks na konkreto imbes na palaging pinapalitan ang mga nasisirang bubong sa tuwing may bagyo.

Ayon sa Education Cluster Report noong Nobyembre 15, mahigit isang libong (1,190) mag-aaral sa halos pitumpung (69) dibisyon ang apektado ng bagyong Ulysses. Halos isang libo at walong daang (1,739) mag-aaral naman sa tatalumput anim (36) na dibisyon ang naapektuhan dahil sa bagyong Rolly. Ayon sa DepEd, humit-kumulang siyam (8.9) na bilyong piso ang kailangan upang muling maipatayo ang nasirang mga paaralan.

# # #

News Latest News Feed