Press Release
December 9, 2020

Gatchalian: laptop, connectivity for every learner to enhance academic performance

A recently-released Southeast Asia-wide study on the learning outcomes of Grade 5 learners in 2019 revealed that around 20 percent of learners in the Philippines share Mathematics or Reading textbooks. For Senator Win Gatchalian, this adds urgency to providing every public school learner with laptop and internet connectivity for a more efficient and equitable distribution of learning materials.

The senator is mulling a law on universal access to laptops and connectivity for learners.

The Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019 reported that more than two learners share textbooks sometimes, which also revealed a consistent relationship between textbook availability and higher average achievement in Reading, Writing, and Math.

The pen-and-paper large scale assessment by the Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) and the United Nations Children's Fund (UNICEF) revealed that only 10 percent of Filipino learners in Grade 5 developed enough reading proficiency to transition to secondary school. Only 17 percent are proficient enough in Math towards the end of primary school and only one percent can write cohesive texts with detailed ideas and a good range of appropriate vocabulary.

The lawmaker explained that given the delays of delivering physical textbooks and learning materials, these can be made available in digital formats, distributed through the internet, and accessed through learners' laptops.

With schools due to reopen until a vaccine for COVID-19 is found, authorities plan to continue with distance learning.

"Kung mabibigyan natin ang bawat mag-aaral ng laptop at internet connection, magiging mas madali pa para sa pamahalaan ang magpamahagi ng mga aklat kung nasa digital format na ang mga ito. Mahalaga ang ganitong mga hakbang upang masigurong lubos na natututo ang mga estudyante, "said Gatchalian.

"Sa pagbangon ng ating sektor ng edukasyon mula sa pinsalang dulot ng COVID-19, kailangang siguruhin natin na hindi na kinakapos ang ating mga mag-aaral sa mga aklat at iba pang mga learning materials, tulad ng lumabas sa ulat ng SEA-PLM 2019," he added.

The lawmaker cited the effect of access to computers and connectivity on learners' performance. According to a study by the Center for Educational Measurement (CEM) on the results of the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), the proportion of learners without computers and internet is much higher in the lower proficiency groups compared to higher proficiency groups.

The same study revealed that around 60 percent of Filipino learners who participated in the PISA did not have access to computers and connectivity at home. Results of the 2018 PISA showed that out of 79 countries, the Philippines ranked lowest in Reading Comprehension and second lowest in Mathematics and Science.

The Department of Education (DepEd) reported that out of more than 22 million public learners, only 1.9 million have laptops and 3.6 million have internet access.

# # #

Gatchalian: bigyan ng laptop at internet ang bawat mag-aaral upang humusay sa pag-aaral

Ayon sa kalalabas pa lamang na pag-aaral na pinamagatang Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019 na sumuri ng academic performance ng mga batang nasa Grade 5 sa Timog-Silangang Asya, bente porsiyento sa Pilipinas ang naghihiraman ng aklat sa Math o Reading. Sabi ni Senador Win Gatchalian, ipinapakita lamang dito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling laptop at internet connection ang bawat isang estudyante para mapaghusay pa nito ang kanyang pag-aaral.

Ayon sa pagsusuri na isinagawa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) at United Nations Children's Fund (UNICEF), ang pagkakaroon ng sariling aklat ay naiuugnay sa mas mataas na marka sa Reading, Writing, at Math.

Lumabas sa naturang pag-aaral na sampung (10) porsyento lamang sa mga mag-aaral ng Grade 5 sa bansa ang may sapat na kakayahan sa pagbabasa upang makatuntong sa high school. May labing-pitong (17) porsyento lamang ang may sapat na kakayahan sa Matematika sa pagwawakas ng elementarya, at isang porsyento lamang ang kayang sumulat ng malinaw gamit ang malawak na bokabularyo.

Sinabi ng senador na ngayong nagkakaroon ng pagkaantala ng paghahatid ng Self-Learning Modules (SLMs) sa mga mag-aaral, lalong kailangan aniya ng mga estudyante ang laptop at internet connectivity. Maaari aniyang gawin sa digital format ang mga aklat upang matiyak na ang bawat isa sa kanila ay may kopya ng mga aklat at iba pang learning materials.

Inihahanda na ng mambabatas ang kanyang ihahaing panukalang batas na layong bigyan ng laptop at internet connection ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Inaasahang magpapatuloy pa rin ang distance learning at wala pang kasiguruhan kung kalian magbubukas ang mga paaralan sa bansa habang wala pang mabisang lumalabas na bakuna laban sa COVID-19.

"Kung mabibigyan natin ang bawat mag-aaral ng laptop at internet connection, magiging mas madali pa para sa pamahalaan ang magpamahagi ng mga aklat kung nasa digital format na ang mga ito. Mahalaga ang ganitong mga hakbang upang masigurong lubos na natututo ang mga estudyante,"ani Gatchalian.

"Sa pagbangon ng ating sektor ng edukasyon mula sa pinsalang dulot ng COVID-19, kailangang siguruhin natin na hindi na kinakapos ang ating mga mag-aaral sa mga aklat at iba pang mga learning materials, tulad ng lumabas sa ulat ng SEA-PLM 2019," dagdag na pahayag ng senador.

Ayon sa pagsusuri ng Center for Educational Measurement (CEM) sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), karamihan sa mga mag-aaral na nakilahok at nakakuha ng mas mababang marka ay walang computer at internet sa kanilang mga tahanan.

Dagdag pa ng naturang pag-aaral, animnapung (60) porsyento ng mga mag-aaral sa bansa na nakilahok sa PISA ang walang computer at internet sa bahay.

Lumbas sa resulta noon ng PISA na sa halos walumpung (79) mga bansa, ang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa Reading Comprehension at pangalawang pinakamababang marka sa Science at Mathematics.

Ayon sa Department of Education (DepEd), halos dalawang (1.9) milyon lamang sa mahigit dalawampu't dalawang (22) milyong mga mag-aaral ang may nagagamit na laptop. Higit tatlong (3.6) milyon naman ang konektado sa internet.

# # #

News Latest News Feed