Press Release
December 23, 2020

Gatchalian wants teachers prioritized in COVID-19 vaccination roll-out

Senator Win Gatchalian is urging the National Task Force Against COVID-19 to include public school teachers in the prioritized groups for the roll-out of the COVID-19 vaccine, together with non-teaching staff and school administrators.

According to the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, giving teachers the COVID-19 vaccine is a crucial step in ensuring the safety of school premises and in building confidence for the gradual resumption of face-to-face classes.

Gatchalian said that since the pandemic struck earlier this year, the country's more than 900,000 teachers and non-teaching staff have been serving as frontliners to ensure learning continuity for more than 22 million learners.

The lawmaker recalled that when teachers were preparing for the implementation of distance learning, they risked their health and safety by distributing learning materials used by almost 87 percent of public school learners.

In his earlier statements, Gatchalian said that reopening the schools should be a priority to prevent an exacerbation of the learning crisis hounding the country. He noted that global assessments such as the Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, the Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019, and the Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019---all of which were administered before the pandemic---found the country's learners lagging globally and failing to master basic competencies.

Last October, a policy brief from the United Nations identified the suppression of the virus transmission as the most significant step to hasten the reopening of schools. Only recently, the United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) recently called on governments to treat teachers as frontline workers and give them priority access to COVID-19 vaccines.

"Dahil ang ating mga guro, mga punong-guro, at kawani ng mga paaralan ay nagsisilbing mga frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon, nararapat lamang na mabilang sila sa mga unang makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19. Mahalagang hakbang ito upang matiyak nating ang pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa mga paaralan ay magiging ligtas," Gatchalian said.

As the Department of Education (DepEd) braces for a dry run of limited and localized face-to-face classes in selected schools ahead of the COVID-19 vaccine roll-out, Gatchalian reiterated the need to strictly observe health protocols such as physical distancing, the wearing of masks, and regular hand washing. He also added that schools and local governments should ensure access to testing and treatment for teachers and non-teaching staff.

# # #

Gatchalian: bigyang prayoridad ang mga guro sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang National Task Force Against COVID-19 na isali ang mga guro, kabilang ang mga punong-guro at kawani ng mga paaralan, sa mga grupong unang mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang pagpapabakuna sa mga guro ay mahalagang hakbang sa ligtas na pagbabalik sa mga paaralan. Aniya, makatutulong ito upang makampante ang publiko bago muling magkaroon ng face-to-face classes sa buong bansa.

Ani Gatchalian, ang halos isang milyong (900,000) mga guro at mga non-teaching staff ay nagsisilbing mga frontliners upang patuloy na makapag-aral ang mahigit dalawampu't dalawang (22) milyong mga mag-aaral sa pampublikong mga paaralan. Paalala ni Gatchalian, ibinubuwis ng mga guro at kawani ng mga paaralan ang kanilang buhay at kalusugan upang ihanda at ipamahagi ang mga learning materials para sa distance learning, kabilang ang mga self-learning modules na ginagamit ng halos siyamnapung (87) porsyento ng mga mag-aaral.

Dagdag ni Gatchalian dapat bigyang prayoridad ang muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong nalalapit na ang pagkakaroon ng bakuna. Ayon sa mambabatas, mahalaga ang muling pagbubukas ng mga paaralan upang hindi lumala ang krisis sa edukasyon na kinakaharap ng bansa. Pero dapat pa rin aniya na ipatupad nang mahigipit ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, at palagiang paghuhugas ng mga kamay.

"Dahil ang ating mga guro, mga punong-guro, at kawani ng mga paaralan ay nagsisilbing mga frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon, nararapat lang na mabilang sila sa mga unang makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19. Mahalagang hakbang ito upang matiyak nating ang pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa mga paaralan ay magiging ligtas," pahayag ni Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na bago pa tumama ang pandemya, ipinakita ng mga global assessments na Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019, at ng Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019 na nahuhuli ang mga mag-aaral sa bansa at hirap silang matutunan ang mga tinaguriang "basic competencies."

Noong nakaraang Oktubre, tinukoy ng United Nations na ang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 ang pinakamahalagang hakbang upang muling makapagbukas ang mga paaralan. Kamakailan naman ay nanawagan din ang United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) na bigyang prayoridad ang mga guro sa pagpapamahagi ng bakuna kontra COVID-19.

Bagama't wala pang tiyak na petsa kung kailan unang ipapamahagi ang mga bakuna, naghahanda na ang Department of Education (DepEd) para sa limitadong face-to-face classes sa mga piling paaralan na matatagpuan sa mga lugar na walang banta ng COVID-19. Aniya dapat tiyakin ng mga paaralan at ng mga lokal na pamahalaan na ang mga guro at mga kawani ay makatatanggap ng suporta pagdating sa testing at pagpapagamot.

# # #

News Latest News Feed