Press Release
December 30, 2020

Extended subsidized electricity bill awaits low-income households in 2021 - Gatchalian

Glad tidings for the more than five million underprivileged Filipino families as Senator Win Gatchalian said the proposed measure seeking to extend for another 10 years the subsidy in their electric bills has inched closer to being enacted, just in time before it expires next year.

Those consuming electricity of not more than 100 kilowatt hour (kWh) or less per month and cannot afford to pay at full cost are the ones entitled to the discount, according to Gatchalian.

"Hiling natin na maisabatas ito sa lalong madaling panahon para makatulong sa mga naghihikahos nating mga kababayan. Ang bawat pisong matitipid ay malayo ang mararating sa mga pamilyang kapos sa buhay," Gatchalian said.

Dubbed by his colleagues as a "happy measure", Senate Bill No. 1877 intends to allow the struggling 5.5 million households to enjoy an annual average savings of Php900 on electricity expenses. The bill has already breezed through second reading.

"Halos kalahating kaban ng bigas ang katumbas ng Php900 na matitipid nila dito. Sapat na para maitawid ang ilang linggong kunsumo nila ng kanin na hindi galing sa mga ayuda ngayong may pandemya" he added.

"Humanitarian considerations dictate the extension of the 'Lifeline Rate.' It is called the Lifeline Rate because it is intended to help low-income households stay afloat as they struggle to pay for the basic needs of their families," the Senate Energy Committee Chairman said, referring to the provision in the Section 73 of the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) providing a socialized pricing mechanism called "lifeline rate" for qualified marginalized end-users.

Under the bill, qualified marginalized end-users are either those who are household beneficiaries under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), or who have applied and have been certified by their respective distribution utilities based on criteria set by the Energy Regulatory Commission (ERC), taking into account the poverty threshold set by the Philippine Statistics Authority (PSA).

"By specifically defining the qualified marginalized end-users, we will ensure that only those genuinely underprivileged households and not those staying in condo units with the same level of consumption will be able to avail of this subsidy," he said.

"Now more than ever, extra savings by our underprivileged kababayans are needed as they struggle even harder due to the difficulties brought about by the COVID-19 pandemic. The adverse impacts of the pandemic are likely to extend next year and even further," Gatchalian added.

The Lifeline Rate provision, which was already extended 10 years ago, is due to expire on June 26, 2021, thus the need to pass the amendatory bill.

Although the cost to cover the subsidy to lifeline rate beneficiaries is being passed on to regular consumers, the lawmaker emphasized that the amount is somewhat insignificant as only one (1) percent or approximately P0.07 centavos is being charged to their electricity bills.

Gatchalian expresses hope that this will be passed into law before June 26 next year.

# # #

Pagpapalawig ng diskwento sa singil sa kuryente malapit nang maging batas

Magandang balita sa bagong taon para sa higit Iimang milyong Pilipinong kumukunsumo ng kuryente. Malapit nang maging batas ang panukalang magpapalawig ng diskwento sa mga kumukunsumo ng kuryenteng hindi hihigit sa 100 kilowatt hour (kWh) kada buwan sa susunod na sampung taon simula sa taong 2021, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Napipintong mag-expire sa Hunyo 2021 ang subsidiyang tinatawag na "Lifeline Rate" at ang panukalang palawigin pa ito hanggang Hunyo 2031 ay lumusot na sa second reading sa Senado.

"Hiling natin na maisabatas ito sa lalong madaling panahon para makatulong sa mga naghihikahos nating mga kababayan. Ang bawat pisong matitipid ay malayo ang nararating sa mga taong kapos sa buhay," sabi ni Gatchalian.

Binansagang "happy measure" ng kapwa niya mga senador ang panukalang batas ni Gatchalian o Senate Bill No. 1877, na naglalayong mabigyan ng diskwentong aabot sa P900 kada taon ang may 5.5 na pamilyang Pilipino.

"Halos kalahating kaban ng bigas ang katumbas ng siyam na raan. Sapat na para maitawid ang ilang linggong kunsumo nila ng kanin na hindi galing sa mga ayuda ngayong may pandemya," ani Gatchalian.

"Layon ng Lifeline Rate na matulungan ang mga pamilyang maliit ang kinikita at maitaguyod ang kanilang buwanang gastusin sa kanilang mga pangunahing pangangailangan," paliwanag ng Senate Energy Committee Chairman.

Sabi ni Gatchalian kaugnay ito ng probinsyon sa Section 73 ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nagpapatupad ng socialized pricing mechanism sa mga kwalipikadong lifeline consumers o mahihirap na customer.

"Ngayon higit na kailangan ng ating mga kinakapos na kababayan ang diskwento dahil patuloy silang nakikibaka sa mga hamon sa buhay na lalong pinalala pa ng pandemya na dulot ng Covid-19. Inaasahang ang masamang epekto ng pandemya ay patuloy na mararamdaman hanggang sa susunod na taon," dagdag pa niya.

Ang probisyon sa Lifeline Rate ay una nang pinalawig 10 taon na ang nakakaraan at ito'y nakatakdang matapos sa darating na Hunyo 26 ng sususnod na taon kaya kinakailangang magpasa ng batas upang maipagpatuloy pa rin ang pagpapatupad nito sa susunod pang 10 taon, ayon sa senador.

Bagamat ang mga regular na customer ang umaako ng bayarin ng mga nakikinabang sa Lifeline Rate, binigyan diin ni Gatchalian na kakarampot lamang ang singil dito. Aniya, isang porsyento lamang ito o hindi lalagpas sa P0.07 sentimos sa buwanang bayarin sa kuryente.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga kwalipikadong marginalized end-users ay kinakailangang kabilang sa mga nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o napatunayan ng mga distribution utilities na kwalipikado batay sa pamantayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at poverty threshold ng Philippine Statistics Authority (PSA).

"Hindi natin dapat putulin itong Lifeline Rate na kritikal sa panahon ngayon lalo na sa mga taong patuloy na nakikibaka para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya at malampasan ang kahirapan sa buhay. Hinihiling natin na maisakatuparan ang pagpasa ng panukalang batas na ito bago mag Hunyo 26 ng susunod na taon," sabi ni Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed