Press Release
January 12, 2021

Gatchalian: vaccine hesitancy to prolong pandemic woes, prevent safe schools reopening

Following the release of surveys that showed public hesitancy on receiving the COVID-19 vaccine, Senator Win Gatchalian urged the government to build public confidence on its vaccination program, which is key to putting an end to the pandemic and allowing the safe reopening of schools. The senator called this hesitancy a result of the "Dengvaxia damage," which eroded the public's trust in vaccinations.

Gatchalian flagged that if half of the country would refuse to be vaccinated, the transmission of the virus will not be suppressed. For the basic education sector, this means a prolonged delay in the resumption of in-person classes for more than 22 million public school learners nationwide. In Metro Manila alone, which is considered a virus hotspot, there are 2 million learners enrolled in public schools.

A recent nationwide Pulse Asia survey of 2,400 adults revealed that 47 percent of Filipinos would not get themselves vaccinated, 32 percent would get vaccinated, and 21 percent are undecided. Of the 2,400 adults who joined the survey, 84 percent are worried about the safety of the vaccine.

According to a survey by the University of the Philippines-OCTA Research Group, where 600 participants from Metro Manila aged 18 and above participated, only 25 percent are willing to be vaccinated against COVID-19. The same survey revealed that 28 percent would not get the vaccine, while 47 percent are undecided.

"Magiging malaki ang problema natin kung walang magpapabakuna laban sa COVID. Hindi tayo makakabalik sa normal na pamumuhay," Gatchalian said.

"Dapat nating tugunan ang pangamba ng ating mga mamamayan pagdating sa pagpapapabakuna upang matuldukan na natin ang krisis na ito," the Chairman of the Senate Committee on Basic Education Arts and Culture added.

Gatchalian emphasized the need to be transparent on the potential side effects of COVID-19 vaccine shots and how these can be managed.

Gatchalian also reiterated his call to include teachers in the priority groups for the COVID-19 vaccine roll-out. The government is eyeing to inoculate 60 million Filipinos to achieve "herd immunity."

# # #

Gatchalian: pangamba ng mamamayan sa bakuna kontra COVID-19 dapat tugunan

Matapos lumabas sa ilang survey na malaking bahagi ng publiko ang nangangambang magpabakuna laban sa COVID-19, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tugunan ang pangamba ng taong-bayan sa bakuna, lalo na't mahalaga ang magiging papel nito sa pagwawakas ng pandemya at sa ligtas na pagbabalik-eskwela ngayong taon.

Para sa senador, ang kawalan ng tiwala ng publiko sa bakuna ay maituturing na resulta ng "Dengvaxia damage," kaya patuloy ang duda at takot ng publiko sa pagbabakuna.

Nagbabala si Gatchalian na kung kalahati ng bansa ang hindi magpapabakuna, magpapatuloy lamang ang pagkalat ng virus. Para sa sektor ng edukasyon, patuloy na maaantala ang pagbabalik-eskwela ng mahigit dalawampu't dalawang (22) milyong mag-aaral sa pampublikong mga paaralan at muling pagkakaroon ng face-to-face classes. Sa Metro Manila pa lamang na maituturing na isang virus hotspot, may mahigit dalawang (2) milyong mag-aaral sa mga pampublikong mga paaralan.

Sa isang survey ng Pulse Asia sa buong bansa, lumalabas na halos kalahati (47 porsyento) ng dalawang libo at apat na raang (2,400) respondents ang hindi magpapabakuna. Tatlumpu't dalawang (32) porsyento lamang ang handang magpabakuna at dalawampu't isang (21) porsyento ang hindi pa nakakapagpasya o undecided.

Lumabas naman sa isang survey ng University of the Philippines-OCTA Research Group na dalawampu't limang (25) porsyento lamang ng mga taga Metro Manila ang handang magpabakuna kontra COVID-19. Dalawampu't walong (28) porsyento and hindi magpapabakuna at apatnapu't pitong (47) porsyento naman ang hindi pa nakakapagpasya o undecided. Anim na raan (600) ang respondents sa naturang survey.

"Magiging malaki ang problema natin kung walang magpapabakuna laban sa COVID. Hindi tayo makakabalik sa normal na pamumuhay," ani Gatchalian.

"Dapat nating tugunan ang pangamba ng ating mga mamamayan pagdating sa pagpapapabakuna upang matuldukan na natin ang krisis na ito," dagdag na pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education Arts and Culture.

Para kay Gatchalian, dapat buwagin ng pamahalaan ang mga maling paniniwala ukol sa mga bakuna, kabilang dito ang paglilinaw sa maaaring maging mga epekto ng mga bakuna.

Muli namang isinulong ni Gatchalian ang pagbibigay ng prayoridad sa mga guro sa pagpapatupad ng programa sa COVID-19 vaccination. Layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang animnapung (60) milyong mga Pilipino upang magkaroong ng "herd immunity."

News Latest News Feed