Press Release
January 30, 2021

Gatchalian bats for national education agenda to aid post-pandemic recovery

While the government is expected to launch the Updated Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 which will have a strong focus on reversing damage to the education and labor sectors, Senator Win Gatchalian is also seeking the formulation of a national education agenda to help aid the country's post-pandemic recovery. The COVID-19-induced community quarantine caused schools to remain closed and income levels to fall sharply due to unemployment.

Gatchalian's proposal is articulated in Senate Bill No. 1526 or the National Education Council (NEDCO) Act, which is anchored on national development plans such as establishing the country's road map for improving education through institutionalized coordination and harmonization of policies on critical issues among the Department of Education (DepEd), the Commission on Higher Education (CHED), and the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Under the proposed measure, the NEDCO takes into account the real demand of the labor market and the needs of the industry, an integrated curriculum that will deliver the desired education goals, priorities, and outcomes, and a K to 12 graduates employment plan that ensures a job-skills match between senior high school graduates vis-a-vis the qualifications and needs of the government and the private sector.

Should the proposed measure become a law, Gatchalian said that the NEDCO's most immediate task would be to craft a national education agenda that will reverse the pandemic's damage and address the weaknesses that the health crisis aggravated, including the digital divide and the need to improve quality in education.

According to the United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), more than 28 million learners from pre-primary to tertiary levels were affected by the COVID-19 pandemic.

"Ang muling pagbangon ng sektor ng edukasyon ay nangangailangan ng isang matatag na planong pagbubuklurin ang DepEd, TESDA, at CHED sa pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma. Kung mananatiling kulang ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tatlong ahensyang ito, hindi natin mabibigyan ng sapat na pagtututok ang mga hamon sa edukasyon na kailangan nating tugunan," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

# # #

Gatchalian isinusulong ang National Education Agenda para sa pagbangon mula sa pandemya

Kasunod ng inaasahang paglunsad ng Updated Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 na tututok sa pagsasaayos ng mga pinsalang dinulot ng pandemya sa mga sektor ng edukasyon at paggawa o labor, isinusulong naman ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng national education agenda na makatutulong sa pagbangon ng bansa. Naantala ang pag-aaral ng mga kabataan at marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa pagpapatupad ng mga lockdown.

Ang panukalang batas ni Gatchalian o Senate Bill No. 1526 na kilala sa tawag na National Education Council (NEDCO) Act ay nagsusulong na paangatin ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng maigting na ugnayan at pagkakaisa ng mga polisiya ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) pagdating sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Sa ilalim ng naturang panukala, tututukan ng NEDCO ang mga pangangailangan ng labor market, isang integrated curriculum na makakapaghatid ng mga layunin at mga prayoridad sa sektor ng edukasyon, at isang K to 12 graduates employment plan upang tulungang makapaghanap ng trabaho ang mga nagtapos ng senior high school habang sinisigurung matutugunan ang mga pangangailangan ng gobyerno at pribadong sektor.

Kung maisabatas ang naturang panukala, magiging prayoridad ng NEDCO ang pagbuo ng national education agenda na tututok sa mga pinsalang dinulot ng pandemya para matugunan ang mga hamong dala nito, kabilang na ang digital divide o ang 'di pagkakapantay pantay ng mga indibidwal patungkol sa access sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon. Kabilang din sa mga prayoridad ng NEDCO ang pag-angat sa kalidad ng edukasyon.

Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), mahigit dalawampu't walong milyong mga mag-aaral mula sa pre-primary hanggang kolehiyo ang naapektuhan ng pandemya sa bansa.

"Ang muling pagbangon ng sektor ng edukasyon ay nangangailangan ng isang matatag na plano para sa pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma. Kung mananatiling kulang ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng DepED, CHED at TESDA, hindi natin mabibigyan ng sapat na pagtutok ang mga hamon sa edukasyon na kailangan nating tugunan," ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

News Latest News Feed