Press Release
January 31, 2021

Gatchalian: learners may not be dropping out, but are they learning enough?

Though the Department of Education (DepEd) reported that there is no clear indicator of massive dropouts among learners as they either shifted from one mode of learning to another, Senator Win Gatchalian said there should be equal focus in tracking their learning progress under the distance learning setup.

According to Gatchalian, an equally alarming scenario is having a high proportion of learners who are unprepared for their next schooling level. If this becomes the case, Gatchalian said that the entire school year would end up being a waste of both time and resources.

This is where assessment plays a crucial role, Gatchalian said, which should also identify areas where learners struggle so they could be targeted in remedial programs.

The lawmaker cited nonprofit organization Synergeia's current roll out of assessment tests covering Filipino, English and Mathematics, which will be administered to learners in Grades 2 to 6. The tests aim to help educators and local governments determine both weaknesses and competencies that learners develop. In a meeting with Synergeia last October, mayors from Central Luzon requested an assessment tool to find out whether remote education is

"Ang ating layunin ay masigurong ang ating mga mag-aaral ay natututo at hindi umuurong ang kanilang kaalaman sa ilalim ng distance learning. Kaya mahalaga ang assessment tools upang matukoy natin kung saang aspeto natin sila dapat tulungan," said Gatchalian.

Filipino learners are already struggling prior to the COVID-19 pandemic as shown by three global assessments: the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), the Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019, and the Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019. All three studies showed a pattern of Filipino learners struggling to master basic competencies and lagging behind their global peers.

A teachers group has recently expressed frustration that even though learners may not have formally dropped out of class, they have barely shown up in online classes or have hardly submitted their class requirements.

Gatchalian reiterated that there is also a need to assess the effectiveness of the alternative learning modalities being used, which include modular distance learning, online learning, and television and radio-based instruction.

###

Gatchalian: pagkatuto ng mga mag-aaral sa ilalim ng distance learning dapat suriin

Bagama't nanindigan ang Department of Education (DepEd) na walang malinaw na basehan ang mga ulat ng massive dropouts, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na dapat suriin kung natututo nga ba ang mga kabataan sa ilalim ng distance learning setup.

Para kay Gatchalian, isa ring nakakabahalang sitwasyon kung umakyat ang bilang ng mga mag-aaral na hindi handa para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral. Ayon sa Senador, masasayang lamang ang panahon at salapi na ginugol sa isang buong school year kung umabot sa sitwasyon na wala palang sapat na natututunan ang mga mag-aaral.

Dito papasok ang papel ng assessment sa distance learning para malatag kung saang aspeto ang dapat tutukan sa pag-aaral ng mga bata nang sa gayon ay malaman kung saan sila nahihirapan. Para kay Gatchalian ang pagtukoy sa mga ito ay makakatulong para sa pag-target ng mga mag-aaral kung kinakailangang magsagawa ng mga remedial programs.

Ginawang halimbawa ni Gatchalian ang pagsasagawa kamakailan ng assessment tests ng non-profit organization na Synergeia. Ang mga naturang tests ay para sa mga mag-aaral sa Grade 2 hanggang Grade 6. Saklaw nito ang subjects na Filipino, English, at Mathematics. Layon ng isasagawang pagsusulit na matulungan ang mga guro at ang mga lokal na pamahalaan na matukoy kung saan sapat at may kakulangan ang natututunan ng mga mag-aaral.

Sa isang pagpupulong noong nakaraang Oktubre, hiniling ng mga alkalde ng Central Luzon sa Synergeia ang pagkakaroon ng assessment tool upang masuri kung epektibo nga ba ang remote education o distance learning.

"Ang ating layunin ay masigurong ang ating mga mag-aaral ay natututo at hindi umuurong ang kanilang kaalaman sa ilalim ng distance learning. Kaya mahalaga ang assessment tools upang matukoy natin kung saang aspeto natin sila dapat tulungan," ani Gatchalian.

Bago pa tumama ang pandemya, lumabas sa iba pang mga pag-aaral na hindi sapat ang natututunan ng mga mag-aaral na basic competencies at nahuhuli sila kung ihahambing sa mga mag-aaral ng ibang bansa. Ito ay pinakita ng tatlong global assessments: ang 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), ang Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019, at ang Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019.

Nagpahayag din ng pagkabahala kamakailan ang isang grupo ng mga guro na iniulat na bagama't ang mga mag-aaral ay hindi pormal na nag-drop sa kanilang mga klase, mayroon sa kanila na hindi nakikilahok sa online class o kaya naman ay hindi nagsusumite ng kanilang mga requirements.

Dagdag ni Gatchalian, dapat ding suriin kung epektibo nga ba ang paggamit ng iba't ibang paraan ng pagtuturo, kabilang ang modular distance learning, online learning, at paggamit ng radyo at telebisyon.

News Latest News Feed