Press Release
Februrary 8, 2021

Gatchalian to DepEd, IATF: learn from U.S.-based experts in allowing face-to-face classes

As the country prepares for the COVID-19 vaccination rollout, Senator Win Gatchalian is calling on the Department of Education (DepEd) and the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to study the findings of the Centers for Disease Control and Prevention in allowing face-to-face classes. The CDC is a national public health institute in the United States.

Gatchalian cited a January 2021 journal article published by CDC experts which pointed out that while schools in the U.S. opened for in-person instruction, there was little evidence that they increased community transmission of COVID-19. Citing recommendations by these same experts, Gatchalian emphasized that the resumption of face-to-face classes is possible if the risk of community transmission is reduced and health protocols are observed including handwashing, frequent use of alcohol, wearing face masks, and practicing social distancing.

"Kung papayagan lang naman natin ang mga batang lumabas ng kanilang bahay, mas mainam na lang na sa eskwelahan na lang sila magpunta. May malaking maitutulong pa sa kanilang kapakanan kung magagabayan sila ng personal ng kanilang mga guro sa kanilang aralin at makakasalamuha pa nila ang kanilang mga kamag-aral," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

The CDC report stated that during the fall of 2020, 11 school districts in North Carolina with 90,000 students and staff opened for in-person classes for nine weeks. During that time, there were only 32 infections acquired in schools compared to 773 community infections, while no cases of student-to-staff transmission were recorded.

In 17 K to 12 schools in rural Wisconsin, where mask wearing was a requirement, only seven out of 191 infections among staff and students recorded were proven to be results of in-school transmission. These findings were generated during a 13-week period in the fall of 2020.

Gatchalian added that allowing safe face-to-face classes will help address the challenges hounding distance learning, which include unstable internet connectivity and the lack of physical interaction with teachers and fellow students.

He also reiterated calls to prioritize teachers in the COVID-19 vaccination program since they are at the forefront of school preparations.

# # #

Gatchalian: pag-aaral ng mga eksperto sa U.S. maaaring gabay sa pagbabalik ng face-to-face classes

Habang papalapit ang inaasahang pagsisimula ng COVID-19 vaccination program, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pag-aralan ang mga rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Tinukoy ni Gatchalian ang isang artikulo mula sa mga eksperto ng CDC nitong Enero 2021. Base sa kanilang rekomendasyon, ang muling pagkakaroon ng face-to-face classes ay posible kung mapipigilan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad at patuloy na ipatupad ang mga health protocols. Kabilang dito ang regular na paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, pagsuot ng face mask, at pagpapatupad ng social distancing.

"Kung papayagan lang naman natin ang mga batang lumabas ng kanilang bahay, mas mainam na lang na sa eskwelahan na lang sila magpunta. May malaking maitutulong pa sa kanilang kapakanan kung magagabayan sila ng personal ng kanilang mga guro sa kanilang aralin at makakasalamuha pa nila ang kanilang mga kamag-aral," pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Lumabas sa ulat ng mga taga-CDC na sa loob ng siyam (9) na linggo sa mga huling buwan ng 2020, naitala sa labing-isang (11) mga school districts sa North Carolina na sa siyamnapung libong (90,000) mga mag-aaral at mga kawani, tatlumpu't dalawa (32) lamang ang naging kaso ng COVID-29 sa mga paaralan. Samantalang umabot sa halos walong daang (773) kaso ang naitala sa mga komunidad.

Sa labing-pitong (17) paaralan naman ng elementary at high school sa Wisconsin, kung saan mahigpit ang regulasyon sa pagsusuot ng face masks, pito (7) lamang sa halos dalawang daang (191) naitalang mga kaso sa mga mag-aaral at mga kawani ang napatunayang nagmula sa mga paaralan. Ang datos na ito ay nakalap sa loob ng labing-tatlong (13) linggo sa mga huling buwan ng 2020.

Para kay Gatchalian, ang pagkakaroon ng ligtas na pagbabalik-eskwela ay tutugon sa mga problema sa distance learning tulad ng mahinang internet connection at kakulangan ng pakikipag-ugnayan sa mga guro.

Muli ding nanawagan si Gatchalian na bigyang prayoridad ang mga guro sa pagpapabakuna kontra COVID-19 .

News Latest News Feed