Press Release
February 11, 2021

Awareness Week should prompt gov't on heightened crackdown vs. online child sexual abuse - Gatchalian

Amidst the observance of the National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation every second week of February every year, Senator Win Gatchalian called on the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) and the Inter-Agency Council Against Child Pornography (IACACP) to sustain and boost efforts to curb online sexual exploitation of children (OSEC) in the country.

According to Gatchalian, this entails steps such as the continuous monitoring of internet service providers' (ISPs) compliance with the Anti-Child Pornography Act of 2009 (Republic Act No. 9775) following a surge of activities linked to OSEC.

For Gatchalian, the urgency on the part of lawmakers is to amend the country's anti-trafficking laws. Senate Bill No. 1794, which he filed, seeks to strengthen Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended by Republic Act No.10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) to improve standards, guidelines, and methodologies on surveillance, interception, investigation, and prosecution of different forms of human trafficking.

The proposed measure provides that in cases involving child trafficking, regional trial courts can authorize law enforcers to conduct surveillance and record communications and information involving persons charged with or suspected of trafficking.

"Ang pagdami ng mga akitibidad na may kinalaman sa online sexual abuse laban sa mga kabataan ay naging parang isa na ring pandemya na kailangan nating masugpo. Maliban sa patuloy na pagtugis sa mga gumagawa ng mga krimeng ito, kailangan din nating patatagin ang ating mga batas upang mailigtas natin ang maraming nanganganib na mga kabataan," said Gatchalian.

The IACAT has reported that online tips on alleged OSEC activities rose from 1.2 million in 2020 or triple the 400,000 recorded in 2019.

Enforcement activities also increased last year. The Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) rescued 172 victims in 2020, higher than the 120 rescued in 2019. The number of victims that the National Bureau of Investigation's Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTD) rescued also rose from four in 2019 to 19 in 2020.

# # #

Pagsugpo sa online sexual abuse sa mga kabataan paigtingin at ipagpatuloy---Gatchalian

Sa gitna ng pagdaraos ng "National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation" tuwing pangalawang linggo ng Pebrero, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at Inter-Agency Council Against Child Pornography (IACACP) na ipagpatuloy at paigtingin pa ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa online sexual exploitation of children (OSEC).

Ayon kay Gatchalian, bahagi nito ang patuloy na pagsuri sa pagsunod ng mga internet service providers (ISPs) sa Anti-Child Pornography Act of 2009 (Republic Act No. 9775).

Ang mahigpit na pagpapatupad ng naturang batas ay isa sa mga rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) upang masugpo ang pag-akyat ng mga aktibidad na may kinalaman sa OSEC. Sa isang pandinig, ibinahagi ng IACAT na ang mga online tips sa mga pinaghihinalaang kaso ng OSEC ay lumobo sa mahigit isang (1.2) milyon noong 2020, mas malaki ng tatlong beses sa apat na raang libong (400,000) naitala noong 2019.

Dumami rin noong nakaraang taon ang bilang ng mga nasagip na mga biktima. Ang halos isang daan at walumpung (172) nasagip ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) ay mas mataas sa isang daan at dalawampung (120) nasagip noong 2019. Dumami rin ang mga nasagip ng National Bureau of Investigation Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTD) na umabot sa labing-siyam (19) noong 2020 mula apat noong 2019.

"Ang pagdami ng mga akitibidad na may kinalaman sa online sexual abuse laban sa mga kabataan ay naging parang isa na ring pandemya na kailangan nating masugpo. Maliban sa patuloy na pagtugis sa mga gumagawa ng mga krimeng ito, kailangan din nating patatagin ang ating mga batas upang mailigtas natin ang maraming nanganganib na mga kabataan," ayon kay Gatchalian.

Ayon pa sa senador, kailangan nang madaliin ng Kongreso ang pag-amyenda sa mga batas na may kinalaman sa trafficking. Ang Senate Bill No. 1794 halimbawa, na inihain niya mismo, ay naglalayong patatagin ang Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) na inamyemdahan ng Republic Act No.10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) para sa mas mabisang pagsugpo ng iba't ibang anyo ng human trafficking.

Pagdating sa mga kasong may kinalaman sa child trafficking, layon ng panukalang batas na bigyan ng kapangyarihan ang mga regional trial court na pahintulutan ang mga law enforcers na magtala ng mga komunikasyon at iba pang impormasyong may kinalaman sa mga pinaghihinalaang sangkot sa trafficking.

Layon din ng naturang panukala na bigyan ang mga ISP ng mga responsibilidad tulad ng paglalagay ng teknologiya o programang haharang sa ano mang uri ng child pornography. Para sa mga tourism-oriented establishments naman, isinusulong ang pagsasagawa ng mga pagsasanay sa pag-ulat ng mga krimeng may kinalaman sa human trafficking.

News Latest News Feed