Press Release
February 12, 2021

Gatchalian seeks more aggressive gov't response to teenage pregnancy surge

Following the Commission on Population and Development's (POPCOM) report that pregnancies among minors aged 10-14 was up by 7 percent in 2019 compared to the previous year, Senator Win Gatchalian is calling for a more aggressive government response to prevent young girls from being pregnant and falling in the trap of 'intergenerational poverty.'

Gatchalian also warned that the COVID-19 pandemic threatens to further increase the number of adolescent pregnancies, citing experiences from past calamities and disasters. When Typhoon Yolanda struck, 23.5 percent of teenage girls in Eastern Visayas got pregnant, according to a study by the Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP).

For Gatchalian, curbing the surge of adolescent pregnancies requires reproductive health education with a grassroots approach, which will mobilize schools and barangays in reaching out to girls and their parents. Keeping girls in schools, Gatchalian said, is the best strategy to prevent teenage pregnancy, where they can access information and sexuality education.

The senator also emphasized the role of parents as health educators in shaping young people's attitude and behavior. Parents need to be capacitated in terms of effectively talking to their children about sexuality and reproductive health issues.

Republic Act 10354 or Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 calls for an age-appropriate and development-appropriate reproductive health education, which aims to build knowledge and skills on protecting one's self from teen pregnancy, sexual abuse, gender based violence, and responsible teenage behavior, among others.

"Bago pa tumama ang pandemya sa ating bansa ay isang krisis nang maituturing ang pagdami ng mga kaso ng teenage pregancy sa bansa. Sa ating pagtugon sa krisis na ito, kailangan nating tulungan ang mga kabataan at ang kanilang mga magulang sa pamamagitan ng mga mas pinaigting na programang pang-kalusugan at edukasyon," said Gatchalian.

The lawmaker recently filed Senate Bill No. 1985, which seeks to institutionalize and establish the Parent Effectiveness Service Program in every city and municipality. The program aims to assist parents and parent substitutes in building their skills and knowledge to provide quality care during the critical stages of children's development.

# # #

Mas agresibong pagresponde sa pagdami ng teenage pregnancy isinusulong ni Gatchalian

Kasunod ng ulat ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ang pagbubuntis ng mga menor de edad, lalo na yung may edad sampu (10) hanggang labing-apat (14), ay umakyat ng pitong (7) porysyento noong 2019 kumpara noong nakaraang taon, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas agresibong pagresponde ng pamahalaan upang mapigilan ang pagdami ng mga batang ina at ang kanilang pagkakaipit sa tinatawag na "intergenerational poverty" o namanang kahirapan na madalas nararanasan sa mga minority groups o mahihirap na mga komunidad.

Nagbabala din si Gatchalian na posibleng dumami pa ang mga kaso ng teenage pregnancy dahil sa COVID-19 pandemic tulad ng mga naging karanasan sa mga lugar na dinaanan ng kalamidad. Noong tumama ang bagyong Yolanda sa Eastern Visayas, halos dalawampu't apat (23.5) na porsyento ng mga babaeng teenager sa rehiyon ang nabuntis ayon sa isang pag-aaral ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP).

Para kay Gatchalian, kinakailangan ang edukasyon sa reproductive health kung saan ang mga paaralan at mga barangay ay may mahahalagang papel para maabot ang mga kabataan at kanilang mga magulang. Dagdag ng senador, ang pananatili ng mga kabataang kababaihan sa mga paaralan ang isa sa mga pinakamabisang hakbang laban sa teenage pregnancy, lalo na't dito sila nakakakuha ng impormasyon at angkop na sexuality education.

Binigyang diin ni Gatchalian ang mahalagang papel ng mga magulang sa epektibong pagtalakay sa mga usapin ng reproductive health, lalo na't itinuturing ang mga itong maseselang mga paksa. Kaya isinusulong ng mambabatas ang pag-angat sa kanilang kaalaman at kakayahan dahil sa kanilang impluwensya sa kanilang mga anak.

Mandato ng Republic Act 10354 ang pagkakaroon ng angkop na reproductive health education na layong maglatag ng mga usaping tulad ng proteksyon sa sarili mula sa maagang pagbubuntis, pang-aabusong sekswal, gender-based violence, at responsableng pag-aasal.

"Bago pa tumama ang pandemya sa ating bansa ay isang krisis nang maituturing ang pagdami ng mga kaso ng teenage pregancy sa bansa. Sa ating pagtugon sa krisis na ito, kailangan nating tulungan ang mga kabataan at ang kanilang mga magulang sa pamamagitan ng mga mas pinaigting na programang pangkalusugan at edukasyon," ani Gatchalian.

Kamakailan ay inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1985 na layong gawing institusyonado ang Parent Effectiveness Service (PES) Program sa bawat lungsod at munisipalidad. Layon ng naturang programa na paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at mga parent substitutes sa pagbibigay ng kalinga sa kanilang mga anak, lalo na sa mga mahahalagang yugto ng kanilang edukasyon.

News Latest News Feed