Press Release
February 20, 2021

Gatchalian raises more benefits of safe school reopening

Aside from the need to hasten learning recovery following the disruptions caused by the COVID-19 pandemic, learners' continued access to safety nets adds urgency to the safe reopening of schools, Senator Win Gatchalian said.

The lawmaker explained that aside from providing education, schools also offer different programs to support vulnerable learners. For some learners, the school-based feeding program is their only source of nutritious meals in a day. Schools also have healthcare programs such as immunization and deworming, while learners at risk of violence and abuse---which is already on the rise amidst the pandemic---can access child protection programs.

Social interaction in the school setting would also benefit the mental well-being of learners, many of whom remain confined to their homes since the lockdowns. By allowing the resumption of limited face-to-face classes, learners can receive better guidance from their teachers, Gatchalian reiterated.

"Maliban sa pagbibigay ng edukasyon, ang mga paaralan ay may mga programa rin para sa kalusugan, proteksyon, at kapakanan ng ating mga mag-aaral na maaari lamang maibigay sa kanila kapag nagkaroon na ng face-to-face classes. Higit na mahalaga ang pagtugon sa mga programang ito ngayong panahon ng pandemya," said Gatchalian.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture reiterated how studies made by the United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Northern Ireland's Public Health Agency (PHA), and the University of Warwick in England show that schools do not appear to play a big role in spreading coronavirus as long as measures like physical distancing, wearing of masks, regular handwashing and disinfection are observed.

Experts from the CDC and PHA have pointed out that kids are more likely to acquire infections in communities than in schools while researchers from the University of Warwick found out that the absences incurred by teachers and pupils matched infection rates in the wider community, with no evidence that schools were a major driver of cases.

Gatchalian emphasized that the reopening of schools should start in low-risk areas. As of February 9, about 433 municipalities have zero active cases of the coronavirus, based on the map of the University of the Philippines' COVID-19 tracker.

# # #

Gatchalian binigyang diin ang Ilan pang benepisyo sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan

Maliban sa agarang pagkakaroon ng learning recovery sa gitna ng mga pinsalang dulot ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na ang pagpapatuloy ng mga safety nets para sa mga mag-aaral ay isang dahilan para bigyang prayoridad ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

Aniya, may ilang programa ang mga paaralan upang masuportahan ang mga nangangailangang mag-aaral. Para sa ilan sa kanila, halimbawa, ang school-based feeding program ang tanging pinagkukunan nila ng masustansyang pagkain sa kada araw.

May mga programa ring pangkalusugan sa mga paaralan tulad ng deworming at pagbabakuna, habang ang ilan naman sa mga bata na nanganganib na dumanas ng karahasan at pang-aabuso sa loob ng kanilang tahanan ay maaaring matulungan ng mga child protection programs ng eskwelahan. Matatandaang tumaas ang kaso ng karahasan laban sa mga kabataan at lalong nanganganib na umakyat ang bilang nito ngayong panahon ng pandemya.

Makatutulong naman sa mental health ng mga estudyante ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga kapwa mag-aaral kapag natuloy na ang face-to-face classes lalo na sa low risk areas. Sa pamamagitan din ng limited face-to-face classes, maaaring makatanggap ang mga mag-aaral ng sapat na paggabay mula sa kanilang mga guro.

"Maliban sa pagbibigay ng edukasyon, ang mga paaralan ay may mga programa rin para sa kalusugan, proteksyon, at kapakanan ng mga mag-aaral na maaari lamang maibigay sa kanila kapag nagkaroon na ng face-to-face classes. Higit na mahalaga ang pagtugon sa mga programang ito ngayong panahon ng pandemya," ani Gatchalian.

Muli ring binigyang diin ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na base sa mga pag-aaral na ginawa ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa Estados Unidos, Public Health Agency (PHA) ng Northern Ireland at University of Warwick sa Inglatera, mas malaki ang posibilidad na mahawa ang mga kabataan sa mga komunidad kesa sa mga paaralan kaya posible ang pagsasagawa ng face-to-face classes basta ipagpatuloy lang ang health protocols tulad ng pagsuot ng mask, physical distancing, regular na paghuhugas ng kamay, at disinfection.

Ani Gatchalian, ang ligtas na pagbabalik-eskwela ay dapat magsimula sa mga itinuturing na low-risk areas. Ayon sa mapa ng COVID-19 tracker ng University of the Philippines, may mahigit apat na raang (433) mga munisipalidad ang walang aktibong kaso ng COVID-19 buhat noong Pebrero 9.

News Latest News Feed