Press Release
February 24, 2021

Gatchalian: Senate to probe distance learning quality, deferred face-to-face classes

The Senate will tackle on Wednesday, February 24, the impact of mitigating the pernicious effects of the quality of distance learning, other psycho-social concerns and the implications of postponing the resumption of face-to-face classes amid the COVID-19 pandemic, Senator Win Gatchalian said.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture said that he will raise to the Department of the Education (DepEd) to use all available tools and resources to avert a looming 'learning crisis' as part of its next steps, reiterating his fears that a huge chunk of more than 25 million learners in the basic education sector might end up unprepared for their next level of schooling.

While DepEd has exhausted all possible steps to provide for continued education amidst the COVID-19 pandemic, Gatchalian said that several challenges still hound the rollout of distance learning, including the inadequacy of connectivity, lack of enough guidance from teachers, and the quality and effectiveness of self-learning modules, among others.

A study by the Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRe Educ Movement), which assessed the rollout of distance learning, revealed that 70.9 percent of teacher-respondents are not confident that competencies set by the DepEd are actually being developed. Among student-respondents, 53 percent do not think or are not sure if they can learn the competencies set by DepEd for their grade level.

The study involved 1,395 teachers, 1,207 parents, and 620 learners from Grades 4 to 12.

"Dahil ipagpapaliban muna nating muli ang pagkakaroon ng face-to-face classes, mahalagang magkaroon tayo ng kaliwanagan sa kung ano ba ang magiging pangmatagalang epekto nito sa ating mga mag-aaral, lalo na't hinaharap nila ang maraming mga hamong may kinalaman sa epektibong pagpapatupad ng distance learning," said Gatchalian.

"Ang ating layunin sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya ay masigurong natututo ang ating mga mag-aaral at maging handa sila para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral," he added.

Under the 2021 General Appropriations Act, P16,615,694,000.00 is allocated for flexible learning options.

###

Gatchalian: epekto ng distance learning, pagkansela ng face-to-face classes tatalakayin sa Senado

Tatalakayin ng Senado ngayong araw ang kalidad ng distance learning, mga psycho-social concerns na kaakibat nito, pati na ang epekto ng pagpapaliban ng face-to-face classes sa gitna ng pandemya, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, mahalagang matalakay ang mga hakbang na gagawin ng Department of Education (DepEd) upang maiwasan ang paglala ng tinatawag niyang "learning crisis". Muling nagbabala ang senador na kung hindi matutugunan ang mga hamong may kinalaman sa distance learning, malaking porsyento ng mahigit dawampu't limang (25) milyong mag-aaral ang tutuntong sa susunod na baitang na hindi sapat ang kaalaman.

Bagama't ginawa ng kagawaran ang lahat ng posibleng hakbang upang maipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng mga hamon ng COVID-19, pinaliwanag ni Gatchalian na marami pa ring hamong susuungin ang pagpapatupad ng distance learning kabilang na ang kakulangan ng maayos na internet, sapat na paggabay ng mga guro, pati na ang kalidad at bisa ng mga self-learning modules.

Ayon naman sa Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRe Educ Movement), may pitumpung (70.9) porsyento ng mga gurong nakibahagi sa kanilang survey ang hindi kumpiyansang natututunan ng mga mag-aaral ang mga competencies na itinakda ng DepEd. Sa mga mag-aaral namang lumahok sa survey, mahigit limampung (53) porsyento ang hindi siguradong matututunan nila ang kanilang aralin para sa kanilang baitang.

Mahigit isang libo at tatlong daang (1,395) mga guro, isang libo at dalawang daang (1,207) mga magulang, at mahigit anim-na-raang (620) mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 12 ang lumahok sa naturang pag-aaral.

"Dahil ipagpapaliban muna nating muli ang pagkakaroon ng face-to-face classes, mahalagang magkaroon tayo ng kaliwanagan sa kung ano ba ang magiging pangmatagalang epekto nito sa ating mga mag-aaral, lalo na't hinaharap nila ang maraming mga hamong may kinalaman sa epektibong pagpapatupad ng distance learning," ani Gatchalian.

"Ang ating layunin sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya ay masigurong natututo ang ating mga mag-aaral at maging handa sila para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral," dagdag pa ng senador.

Sa ilalim ng 2021 budget,mahigit labing-anim na bilyong (P16,615,694,000) piso ang inilaan para sa flexible learning options na kinakailangan sa patuloy na pagpapatupad ng distance leanring.

News Latest News Feed