Press Release
March 2, 2021

Senate resolution calls for pilot test of localized, limited face-to-face classes in low-risk areas - Gatchalian

To avert further learning losses and other adverse social, developmental, and health costs linked to prolonged school closures, Senator Win Gatchalian and five of his colleagues have filed a resolution calling for the immediate launch of pilot tests of localized and limited face-to-face classes in low-risk areas.

Senate Resolution No. 668 recommends that the pilot tests start in 1,065 public schools nationwide identified by the Department of Education (DepEd) in its risk assessment. The resolution adds that the pilot tests, which should follow the most stringent mitigation measures and health protocols, will help the DepEd gather on-the-ground evidence and design its framework for the safe reopening of schools.

The resolution's co-authors are Senators Maria Lourdes "Nancy" Binay, Francis "Kiko" Pangilinan, Grace Poe, Pia Cayetano, Joel Villanueva, and Sonny Angara.

While studies abroad show that schools are not the source of COVID-19 outbreaks, Gatchalian cited the need to gather local evidence that will give reassurance to learners, parents, and other stakeholders in the education sector. A global study of 191 countries, for instance, showed that there is no association between school status and COVID-19 infection rates in the community.

The United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) also emphasized that the return to in-person classes is possible as long as mitigation measures such as the wearing of face masks, physical distancing, and increased room ventilation, among others, are observed.

Despite DepEd's efforts to foster learning continuity while face-to-face classes are still not allowed, the quality of distance learning is still hounded by challenges such as limited preparations for educators, parents, and learners. Unreliable and expensive information and communications technology (ICT) services is another one of the gaps exposed in the rollout of blended learning.

To prevent adult-to-adult transmission in schools, the senators also recommended the prioritization of teachers in the COVID-19 vaccination rollout.

According to the United Nations Children's Fund (UNICEF), the Philippines is the only country in the East and Asia Pacific Region where schools have remained closed since March 2020.

# # #

Localized, limited face-to-face classes sa low-risk areas isinusulong sa Senado - Gatchalian

Upang mapigilan ang pinsalang dulot ng pagsasara ng mga paaralan sa kalusugan, pagkatuto, at kapakanan ng mga mag-aaral, naghain si Senador Win Gatchalian at anim na iba pang senador ng isang resolusyong nananawagan para sa agarang pagsisimula ng pilot test ng localized at limited face-to-face classes sa low-risk areas.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 668, inirerekomenda na ang naturang pilot testing ay magsimula sa mahigit isang libong (1,065) pampublikong paaralang mapipili ng Department of Education (DepEd) sa risk assessment nito. Ayon din sa naturang resolusyon, ang mga isasagawang pilot test ay dapat maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga health protocols at iba pang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ayon sa resolusyon, ang mga pilot test ay makakalikom ng mga ebidensya at karanasan upang magabayan ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

Kasama sa mga may akda ng resolusyon sina Senador Maria Lourdes "Nancy" Binay, Francis "Kiko" Pangilinan, Grace Poe, Pia Cayetano, Joel Villanueva, at Sonny Angara.

Kasunod ng mga pag-aaral sa ibang bansang ipinapakitang hindi nagmumula sa paaralan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng paglikom ng karanasan sa mga bansang ito upang matugunan ang pangamba ng mga mag-aaral, mga magulang, at ng buong sektor ng edukasyon. Sa isang pag-aaral ng halos dalawang-daang bansa (191), walang kaugnayang nakita sa pagitan ng kalagayan ng mga paaralan at bilang ng mga kaso sa komunidad.

Dati nang sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos na maaari nang magbukas ang mga paaralan para sa face-to-face classes. Ngunit kinakailangan ng istriktong pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, at pagkakaroon ng mga silid-aralang may maayos na bentilasyon.

Sa kabila ng pagpapatupad ng distance learning habang hindi pa pinapayagan ang pagkakaroon ng face-to-face classes, marami pa ring mga hamong kinakaharap ang kalidad ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Kabilang sa mga hamong ito ang kakulangan sa kahandaan ng mga guro, mag-aaral, at mga magulang. Naging hamon din ang kakulangan ng gadgets at internet connection para sa mga nangangailangang mga mag-aaral.

Patuoy ding isinulong ng mga senador ang pagbibigay prayoridad sa mga guro sa pagpapatupad ng COVID-19 vaccination roll-out.

"Ang ligtas na pagbabalik-eskewela ng ating 26 milyong mag-aaral ay dapat gabayan ng syensya upang pawiin ang pangamba ng ating mga mamamayan sa muling pagbubukas ng mga paaralan. Kaya natin isinusulong ang pilot tests ng limited at localized face-to-face classes ay upang magkaroon tayo ng karanasan at kaalaman kung paano titiyakin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga guro," pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education Arts and Culture.

Pilipinas na lamang ang nag-iisang bansa sa rehiyong East Asia at Pacific na hindi nagbubukas ng mga paaralan simula noong ipatupad ang lockdown noong Marso 2020, ayon sa United Nations Children's Fund (UNICEF).

# # #

News Latest News Feed