Press Release
March 3, 2021

Gatchalian presses for urgent start to learning recovery

"Kahit tuluyan na nating masugpo ang COVID-19, patuloy pa rin tayo sa pagtugon sa mga pinsalang dinulot ng kawalan ng face-to-face classes. Bukod sa pag-urong ng kaalaman, kabilang din dito ang pag-akyat ng mga kaso ng karahasan, pang-aabuso, at ang pagdami ng mga batang ina," said Senator Win Gatchalian, who has long been advocating localized limited face-to-face classes to hasten learning recovery.

On Tuesday, the Senate has adopted Senate Resolution (PSN) No. 663 taking into consideration PSN 668, which Gatchalian sponsored and co-authored, recommending the resumption of physical learning through the immediate launch of the pilot testing of localized limited face-to-face classes in low-risk areas identified by the Department of Education (DepEd).

The adopted resolution notes that the participation of learners will be voluntary and with express permission by their parents or guardians. It will also help the DepEd, in coordination with the Department of Health (DOH) and the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID), in setting specific standards and health protocols. These include the provision of safe learning facilities and public health supplies such as adequate supply of safe water, sanitation areas, hand washing stations, soap, alcohol, and other cleaning materials.

To share responsibility with the local government units (LGUs) and ensure that pilot tests are conducted on a case-to-case basis, the adopted resolution assigns to the Provincial School Board, the City School Board, and the Municipal School Board the task of assessing and recommending whether to reopen schools, adopt selective or localized lockdowns, and resume face-to-face classes in their respective localities, taking into consideration local conditions and resources.

Aside from Gatchalian, the Senate resolution is authored by Senate President Vicente Sotto III, and Senators Maria Lourdes "Nancy" Binay, Francis "Kiko" Pangilinan, Grace Poe, Pia Cayetano, Joel Villanueva, and Sonny Angara.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture said that the quality of distance learning remains hounded by challenges such as the lack of adequate preparation, as well as expensive and unreliable information and communications technology (ICT) services.

###

Inudyok ni Gatchalian na simulan na ang 'learning recovery' ng mga mag-aaral

"Kahit tuluyan na nating masugpo ang COVID-19, patuloy pa rin tayo sa pagtugon sa mga pinsalang dinulot ng kawalan ng face-to-face classes. Bukod sa pag-urong ng kaalaman, kabilang din dito ang pag-akyat ng mga kaso ng karahasan, pang-aabuso, at ang pagdami ng mga batang ina." Ito ang mariing sinabi ni Senador Win Gatchalian na siyang matagal nang nagsusulong ng localized limited face-to-face classes para mapabilis ang "learning recovery" ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng "Proposed Senate Resolution (PSN) No. 663 taking into consideration PSN 668," isinusulong ng Senado ang rekomendasyon na simulan na ang localized limited face-to-face classes sa mga lugar na tutukuyin ng Department of Education (DepEd) bilang low-risk area. Si Gatchalian ang isa sa mga may akda at sponsor ng naturang resolusyon.

Ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa panukalang pilot testing ay boluntaryo at dapat may pahintulot ng kanilang mga magulang o guardian.

Ayon din sa resolusyon, makatutulong sa DepEd ang pilot testing na matukoy ang mga hakbang upang masiguro ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagtiyak na may sapat at malinis na tubig, handwashing stations, sapat na suplay ng sabon, alcohol, at iba pang mga kagamitan sa paglilinis. Lahat ng mga ito ay isasagawa sa pakikupag-ugnayan sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID).

Panukala din ng resolusyon na ang mga Provincial School Board, City School Board, at Municipal School Board ang magsusuri at magbibigay ng rekomendasyon sa pagbubukas ng mga paaralan, pagkakaroon ng mga localized lockdowns, at pagkakaroon ng face-to-face classes depende sa kalagayan at kakahayahan ng mga lokal na pamahalaan. Sa madaling salita, tinitiyak nito na ang gagawing pilot testing ay isasagawa sa pamamagitan ng case-to-case basis.

Maliban kay Gatchalian, kabilang sa mga may akda ng resolusyon sina Senate President Vicente Sotto III, Senators Maria Lourdes "Nancy" Binay, Francis "Kiko" Pangilinan, Grace Poe, Pia Cayetano, Joel Villanueva, at Sonny Angara.

Ayon sa Chairman ng Basic Education, Arts and Culture Committee sa Senado, hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang ilang mga hamon sa pagpapatupad ng distance learning, tulad ng kakulangan sa preparasyon at sa sapat na information and communications technology (ICT) services, bagay na lalong nagpapahirap sa mga mag-aaral na matutunan ang kanilang mga aralin.

Binigyang diin ng senador na bukod sa mga pag-aaral na nagsasabing ang mga paaralan ay hindi pangunahing sanhi ng pagkalat ng COVID-19, mahalagang unti-unti ay makakalap na ng ebidensya ng kahalagahan ng pagbubukas ng mga paaralan sa pamamagitan ng pilot testing ng face-to-face classes upang makamit ang "learning recovery."

###

News Latest News Feed