Press Release
March 8, 2021

SENATOR RONALD "BATO" DELA ROSA
MANIFESTATION
APPROVAL ON THIRD READING OF SBN 1832

(BFP Modernization Act)

Mr. President, napapanahon na ang pag-apruba ng Senado sa BFP Modernization Act ngayong buwan ng Marso, na noong 1966 sa bisa ng Presidential Proclamation No. 115-A [series of 1966], ay idineklara bilang Fire Prevention Month.

This year's theme is "Sa Pag-iwas sa Sunog Di Ka Nag-iisa." Mr. President, sa pagpasa po natin ng panukalang batas na ito, ang nabanggit na tema ay magiging realidad na. Sa ating magigiting na mga bombero, hindi po kayo nag-iisa, ang Senado ay inyong kasama.

Mr. President, we will not allow the BFP to prevent and suppress destructive fires alone. Sa tulong ng Senate Bill No. 1832, masisiguro natin na magkakaroon ng sapat na fire officers, fire trucks, personal protective equipment at ibang equipment na kailangan para maapula ang mga nakakamatay na sunog.

Bukod pa rito, mas magagampanan ng BFP ang kanilang tungkulin bilang "first responder" sa mga sakuna, aksidente at iba pang emergency.

Mr. President, allow me to thank the authors of this life-saving legislation: Senator Bong Go, Senate President Sotto, at Senator Revilla, kasama ng mga co-authors na sina Senators Cayetano, Tolentino, Angara, Poe, Pacquiao, Zubiri, Recto, Villanueva, Marcos at Villar.

Likewise, Mr. President, allow me to thank our Minority Floor Leader Senator Drilon for his invaluable inputs and support for the passage of this bill. I also would like to extend my profound gratitude to Senate President Pro Tempore Recto for introducing amendments that will ensure sustainable funding for the modernization program. As well as amendments introduced by Sen. Gatchalian to improve coordination between the BFP and local government units. Also, amendments from Senator Villanueva on providing training for the Emergency Medical Service Unit of the BFP and BFP volunteers from Senator Gordon.

Ang pagpapasa po ng panukalang batas na ito ay unang hakbang sa patuloy na pagmomodernisa ng BFP. Makaka-asa po ang ating mga kababayan na ating babantayan at titiyakin na magiging maayos ang pagpapatupad sa batas na ito.

We will also ensure that our annual national budget will include sufficient funds for the programmed projects of the BFP for their modernization program.

Muli po, sa tulong ng Kongreso, maisasakatuparan na ang ating pangarap na lahat ng bayan sa buong Pilipinas ay magkakaroon na ng sariling firetruck at fire station; wala na sana tayong makikitang bomberong kulang sa protective equipment habang lumalaban sa nakamamatay na sunog; wala na sana tayong mababalitaang namatay dahil walang nagresponde na ambulansya sa mga sakuna.

Sulit po ang ilang beses na pagpapa-PCR test ng mga opisyal ng BFP sa pangunguna ni Chief Embang para makapag-backstop dito sa Senado. Dagdag na sakripisyo ito para sa kanilang mahal na ahensiya ngunit di maikukumpara sa di masusukat na pagmamahal nila para sa ating mga kababayan.

Sa atin pong mga dakilang bombero, maraming salamat po sa inyong paglilingkod! Huwag sana kayong mapapagod sa inyong pagmamahal sa ating bayan. Continue to be an inspiration and in your hearts, keep the fire burning!

Thank you, Mr. President.

News Latest News Feed